Show Twitz: Jackie Chan, hinangaan ng Pinoy Twitter users

Napatunayan ang pagkabusilak ng puso ng isa sa pinakasikat na action star sa Asya na si Jackie Chan. Sa kanyang official Twitter account (EyeOfJackieChan), ipinahayag niya ang kanyang saloobin sa nangyaring trahedya kamakailan lang. “I come back to hk & I hear terrible news about what happened in filippines. A lot of things dont happen to your own country you don’t pay attention this kind of things always happen around the world. It happened to hk’s people, the whole hk is talking about it. Its really sad.”, “If they killed the guy sooner, they will say why not negotiate first? If they negotiate first, they ask why not kill the guy sooner? So sad”, “HK is a nation built by a lot of different people..don’t worry! We do not hate!”, “I remember the day before in korea we talked about how people should love each other. We already have so many natural disasters..typhoon, tsunami, everything. Humans should be united and not kill or hate each other”. Lalong napamahal sa mga Pinoy ang Chinese superstar.

MAXENE MAGALONA, IPINAGTANGGOL ANG SARILI SA DETRACTORS

“WAG NA WAG NIYONG IDADAMAY TATAY KO KAHIT ANONG MANGYARI RESPETO LANG” – ‘yan ang sagot ni Maxene Magalona sa mga taong naninira sa kanya sa Twitter. Hindi napigilan ng aktres na sagutin ang mga paratang ng kanyang detractors na diumano’y lumabas ang tunay na kulay nito matapos mamatay ang kanyang ama mahigit isang taon na rin ang nakararaan. “Kung sino ako ngayon, ito na ako kahit noon pa man, buhay pa papa ko. Kaya wag niyo kong sasabihan na lumabas lang tunay kong kulay nung namatay siya. KONTING RESPETO LANG. PLEASE.” “I’d rather be who I really am than pretend to be someone I’m not. I’ve been in this industry for more than 8 years now and the reason why I’ve been able to stay is bec I’ve chosen to be REAL. What you see is what you get. LEAVE ME ALONE!!!” Karapatan ni Maxene na ipagtanggol ang kanyang sarili sa mga malisyosong Twitter users.

LOVI POE, MAY BAGONG PINAPARINGGAN SA TWITTER!

Mukhang may pinapatamaan na naman ang young actress na si Lovi Poe sa kanyang Twitter account. Masyadong hinugusgahan ng mga tao ngayon ang anak ni FPJ dahil sa relasyon nito sa Ilocos Sur Representative na si Ronald Singson, na ngayo’y may hinaharap na kaso sa Hong Kong. “talking shit about someone else wont make you any better. it makes you even worse.” “don’t hate me because he loves me. hate yourself because you’re not good enough to be loved by him.” Hindi kaya isa sa mga ex-girlfriends na nasa showbiz ang pinaparinggan ni Lovi ngayon?

MARIEL RODRIGUEZ, IBABAHAGI SA E-LIVE ANG KANYANG INDIA TRIP!

Halos isang linggo lang ang itinagal ni Mariel Rodriguez sa India kapiling si Robin Padilla. Ayon sa kanyang latest Tweet update, ibabahagi niya ang kanyang mga larawan at video kuha sa kanilang India trip sa E-Live ngayong Sabado. Kahit pa nasa bansa na ulit ang controversial TV host/actress, hindi pa rin tiyak kung kailan ito babalik sa Pilipinas, Win na Win. Teka, babalik pa nga ba o tuluyan na itong umalis?

Show Twitz
Pinoy Parazzi News Service

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.