Show Twitz: Glaiza de Castro, bida sa Grazilda

Nakilala bilang isang magaling na kontrabida sa ilang serye ng GMA-7 tulad ng Kung Aagawin Mo Ang Lahat sa Akin, Stairway to Heaven at Diva, bida na si Glaiza de Castro sa bago niyang proyekto, kung saan makakatambal niya si Geoff Eigenmann. Ito ang fantaseryeng Grazilda, na may pagka-Cinderella ang tema. Sa primetime slot daw ilalagay ang nasabing programa at ito ang kauna-unahang palabas nina Glaiza at Geoff bilang magkatambal. Mag-click naman kaya sila sa masa?

CARLA ABELLANA, MAGBIBIDA SA COFFEE PRINCE?

Matagal nang usap-usapan sa mga online forums na diumano’y binili na ng GMA-7 ang rights para i-remake ang nakatutuwang Koreanovelang Coffee Prince. Matagal-tagal nang nagdedebate ang fans ng Kapuso network kung sino ang nararapat na gumanap sa papel na ‘Andi’. Ilan sa mga lumitaw na pangalan ay Jennica Garcia, Chynna Ortaleza at Sheena Halili. Nakuha namin ang impormasyon na si Carla Abellana na nga raw ang magiging bida sa Philippine adaptation ng Coffee Prince. Hindi pa malinaw kung sino ang magiging leading man niya.

DJ DURANO, MAHABA ANG EXPOSURE SA PETRANG KABAYO?

Kung sa pelikulang Hating Kapatid ay marami ang nakapunang mas mahaba pa ang exposure ng character actor na si DJ Durano kesa sa leading men nina Juday at Sarah na sina JC de Vera at Luis Manzano, mukhang ganu’n din ang mangyayari sa remake ng Petrang Kabayo na pinagbibidahan ni Vice Ganda. Inaabangan na ng mga fans ng Showtime star ang kanyang launching movie at inaasahang magiging isang box-office hit ito. Sana lang hindi lamangan ni DJ Durano ang bida in terms of exposure, ‘di ba? Si Wenn Deramas ang direktor ng pelikulang ito.

MARK ANTHONY FERNANDEZ AT LOVI POE, PAGTATAMBALIN NG SIYETE!

Hindi si Claudine Barretto, pero si Lovi Poe ang nakatakdang makapareha ng dating Gwapings member na si Mark Anthony Fernandez. Ito ang ibinunyag ni Leo Dominguez, manager ni Lovi Poe kamakailan. Ayon sa mga tsikang nakalap namin, isang teleserye ang pagbibidahan ng dalawa. Mukhang seryoso ang Kapuso network sa pagbi-build-up kay Lovi Poe bilang isang drama actress matapos manalo ng Best Actress award sa nakaraang Cinemalaya Film Festival.

SURVIVOR PHILIPPINES CELEBRITY CONTESTANTS, BALIK-TWITTER!

Active na naman sa Twitter ang ilan sa mga artistang nakasama ni Richard Gutierrez sa Survivor Philippines Celebrity Edition. Si Michelle Madrigal ay agad nag-tweet na namI-miss na niya ang nakatatandang kapatid na si Ehra. Si Karen delos Reyes naman ay balik sa pagti-tweet ng kalokohan. Ang modelong si Solenn Heusaff naman ay nangakong sasagot sa mga followers niya ‘pag nagkaroon siya ng break.

Show Twitz
Pinoy Parazzi News Service

Pinoy Parazzi

About the Author

has written 5562 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.