Show Twitz: DJ Mo Twister at Say Alonzo, nagbangyan sa Twitter!

DJ MO TWISTER AT SAY ALONZO, NAGBANGAYAN SA TWITTER!

Pinagpiyestahan noong Lunes ng gabi sa Twitter ang bangayan ng ex-PBB housemate na si Say Alonzo at Juicy host na si DJ Mo Twister. Nag-umpisa ang lahat nang mag-tweet si Say tungkol sa naging pahayag ng controversial host sa Juicy noong gabi ring ‘yon. Para kay Say, sobra na ang panlalait ni Mo sa kapwa artista. Agad namang sinagot ito ni Mo at tuluyan na ngang nag-away ang dalawa. Nagbigay rin ng kani-kaniyang komento sina Kat de Castro at Uma Khouny. Marami ngayon ang nag-aabang kung babanatan ba ni Mo Twister si Say Alonzo sa radio show nito. Malamang sa Juicy?

GIRL FOR ROXANNE GUINOO, BOY FOR LJ REYES!

Masayang ibinalita ng SCQ graduate na si Roxanne Guinoo na baby girl ang kanyang dinadala, samantalang ang Starstruck star na si LJ Reyes naman ay inaasahang manganak ng isang baby boy ngayong buwan. Parehong ginulantang nina Roxanne at LJ ang mundo ng showbiz nang aminin nila ang kanilang pagdadalang-tao. Si Roxanne ay engaged na ngayon sa kanyang non-showbiz boyfriend, samantalang ang Kapuso actor na si Paolo Avelino ang ama ng dinadala ni LJ.

BUBBLES PARAISO, MAY POTENTIAL MAGING MAHUSAY NA MAKE-UP ARTIST!

Matagal nang kilala sa modeling scene si Bubbles Paraiso bago pa nito pinasok ang pag-aartista, pero marami ang nakapuna na malaki rin ang potensiyal nitong maging isang mahusay na make-up artist. Bumilib kasi ang mga fans ni KC Montero nang ayusan niya ito at mineyk-apan na parang babae. Sa sobrang ganda ni ‘Cassandra Monteroid’, marami ang nagsabi na mas ma-appeal pa ito kaysa sa kanyang ex-wife na si Geneva Cruz. Si KC Concepcion ang peg ni KC para sa kanyang pagpapa-beauty, pero mas nakahawig nito si Iya Villania, na talaga namang swak na swak sa kanya! Ano kaya ang mase-say ni Justin Bieber dito?

JAKE CUENCA, BAGONG LEADING MAN NI MARIAN RIVERA!

Nakatakdang gawin ni Marian Rivera ang remake ng Super Inday, na unang pinagbidahan ni Maricel Soriano sa sinehan. Ito ang magiging entry ng Regal Films sa 2010 Metro Manila Film Festival. Si Jake Cuenca naman ang napiling leading man ng aktres, na mas identified na ngayon sa Kapamilya network. Marami ang nasasabik na makita kung magki-click ang tambalang ito. Nag-umpisa si Jake Cuenca sa Kapuso network at lumipat lang sa Dos noong 2006. Kagatin naman kaya ng fans ang bagong loveteam na ito?

Show Twitz
Pinoy Parazzi News Service

loading...

4 thoughts on “Show Twitz: DJ Mo Twister at Say Alonzo, nagbangyan sa Twitter!

  1. haynaku kelan magpapansin nnaman ni MO bansot dahil tuluyang nalaos lolz,,,

    sana wala nang actor n ma blind item bad breath huh,,mag tutblashhh muna sana,,lol

  2. Mo seems to have no breeding… wala naman pagmamalaki, nasot and panget. Why does this site make him so “relevant”?

Leave a Reply

Your email address will not be published.