Show Twitz: COCO MARTIN, NAGING TRENDING TOPIC SA TWITTER!

COCO MARTIN, NAGING TRENDING TOPIC SA TWITTER!

Dahil sa kanyang ipinamalas na galing sa Maalaala Mo Kaya noong Sabado, naging trending topic sa social networking site na Twitter si Coco Martin. Marami ang naaliw at naluha sa epektibong pagganap ni Coco bilang isang taong mentally-challenged na nangarap maging pulis. Nainlab din ito sa isang prostitute at namatayan ng anak. Naging witness din ito sa isang krimen. Ito ang pinaka-challenging role na natoka kay Coco at nagampanan niya nang buong-puso. Hindi na kami magtataka kung makakahakot na naman ng sandamakmak na award ang itinuturing na ‘Prince of Pinoy Indie’. Magandang pambawi ito sa nasayang niyang oras sa Idol.

PEPE SMITH AT KAREN DELOS REYES, ITINANGGING MAGSYOTA NA SILA!

Sinagot ng legendary rockstar na si Pepe Smith at Survivor Celebrity castaway na si Karen delos Reyes ang tsikang magnobyo na sila. Kumalat ang balitang may espesyal na pagtitinginan ang dalawa nang mahuli silang magka-holding hands sa set ng Asar Talo. Si Pepe Smith kasi ang isa sa mga taong lumabas bilang taga-suporta ni Karen sa nasabing guesting. Halatang kumportable ang dalawa sa isa’t isa nang sagutin nila ang issue nang live sa Startalk noong Sabado. Sayang, magandang loveteam nickname pa naman sana ang ‘KA-PE’ (Karen-Pepe). Nakakanginig!

CLAUDINE BARRETTO, LALABAS SA BANTATAY

Simula ngayong Lunes, lalabas bilang special guest sa Bantatay si Claudine Barretto. Gaganap ito bilang si Sheila, ang beterinaryang heartbroken na magiging malapit kay Bantay. Sa istorya ng Bantatay, patay na ang karakter ni Raymart Santiago. Sumapi ang kaluluwa nito sa asong si Bantay at inaasam nitong mabuo na ang kanyang pamilya. Balitang tinanggap ni Claudine ang nasabing proyekto para makatrabaho nang regular ang asawa. Matatandaang si Raymart ang unang celebrity guest sa drama anthology ni Claudine.

JIRO MANIO, TINIGOK NA SA LITTLE STAR!

Tuluyan na ngang pinatay ang karakter na ginagampanan ni Jiro Manio sa Little Star. Hindi raw kasi ito sumisipot sa taping na nagiging cause of delay ng taping. Dahil dito, napagdesisyunan ng management na patayin na lang siya sa kuwento. Ginagampanan ni Jiro Manio ang papel na half-brother nina Jennylyn Mercado at Sarah Lahbati. Nakapanghihinayang ang balitang ito dahil ang akala ng iba’y babalik na sa sirkulasyon ang dating child wonder. Sana lang ay may matinong sagot ito kapag tinanong siya sa kanyang inasal.

Show Twitz
Pinoy Parazzi News Service

ShowTwitz

About the Author

has written 67 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.