SHOW TWITZ: Baron Geisler, warrant of arrest ang natanggap na birthday gift

Baron Geisler, warrant of arrest ang natanggap na birthday gift

Nagulat si Baron Geisler sa natanggap nitong balita noong June 5, araw ng kanyang kaarawan. Ipinadala na kasi sa kanya ang warrant of arrest para sa kasong sexual harassment na isinampa sa kanya noon ng aktres na si Yasmien Kurdi. Kung hindi titigilan ni Baron ang kanyang bisyo, paniguradong rarami pa ang kasong isasampa sa kanya.

Annabelle Rama, natalo sa pustahan!

Natalo naman si Annabelle Rama sa pustahan nila ni Mother Lily Monteverde noong nakaraang eleksyon. Si Gibo Teodoro ang bet ni Annabelle samantalang si Mother Lily naman ay kay Noynoy Aquino pumusta. Ipinangako naman ni Annabelle na magbabayad siya sa takdang panahon. Plano naman itong i-donate ng Regal matriarch sa Mowelfund. For a good cause, ‘ika nga.

Ai-Ai delas Alas, balik-eskuwela!

Isa sa mga artistang magbabalik-eskwela ngayong taon ay si Ai-Ai delas Alas. Nag-enroll siya sa University of the Philippines at kukuha ng kursong Public Management. Hindi naman ikinaila ng comedy queen na may plano talaga siyang pumasok sa mundo ng pulitika at mas maayos daw kung sumabak siya nang handa at may kaalaman sa pasikut-sikot nito. Sa June 21 ang umpisa ng pagiging estudyante ni Ai-Ai.

Anne Curtis at Richard Gutierrez, nag-eenjoy sa Tate!

Nasa Amerika pa rin ngayon ang cast and crew ng pelikulang In Your Eyes na pinagbibidahan nina Anne Curtis, Richard Gutierrez at Claudine Barretto. Ayon sa Tweet update ni Anne, nasa Newport Beach sila ngayon. Marami rin ang nag-aabang kung magkakabalikan ba ang dating magsyota, na dating nasangkot sa isang kissing video. Bali-balita rin na kasama nila si Jewel Mische, ang rumored girlfriend ni Richard.

Party Pilipinas, may improvement na!

Kapansin-pansin rin ang malaking improvement sa Sunday variety show na Party Pilipinas. Ngayon, mas may laman na ang bawat production numbers at mas ine-explore na ang kakayahan ng mga performers nito. Sa wakas, hindi na matatawag na Party FAIL-ipinas ang palabas na ito.

Sid Lucero at Cogie Domingo, magkasama sa Baguio!

Nagsu-shooting ngayon ng isang indie film sina Sid Lucero at Cogie Domingo sa Baguio, the City of Pines. Ang pelikulang ito ay ang Muli, isang gay-themed drama film na magsisilbing comeback movie ni Cogie Domingo. Marami ang naghihintay sa pagbabalik ni Cogie sa Manila para masagot na ang ilan sa mga isyung nakakabit sa kanya partikular na ang mga binitiwang salita ni Angel Locsin.

Pinoy Parazzi News Service

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.