Show Twitz: Annabelle Rama, bagong Twitter sensation

Si Annabelle Rama ang bagong artistang sumabak sa pagti-Twitter. Sa katunayan nga, noong September 3 lang ito nag-umpisang magpaka-active sa nasabing website pero nakaabot na ito ng mahigit 17,000+ followers. Taray, ‘di ba? Nakakaaliw naman kasi ang mga Tweets ni Bisaya lalo na patungkol sa kanyang mga anak at may rason na para matakot si Ruffa na maagaw sa kanya ang korona ng pagiging Twitter Queen. Gusto n’yo ng sampol? “‘dong, hindi fake ang twitter account ko, sa mukha at katawan ko nga, walang fake, sa twitter account ko pa’” Talbog, ‘di ba? I-follow na si Annabelle Rama sa http://www.twitter.com/annabellerama

SARAH GERONIMO, KAPAMILYA PA RIN!

Para matigil na ang usap-usapan na lilipat ang Pop Princess sa Kapatid network, pumirma na ng panibagong kontrata sa ABS-CBN si Sarah Geronimo. Noong nakaraang linggo kasi ay kumalat sa iba’t ibang showbiz talkshows at magazines ang diumano’y pag-o-ober da bakod ng dalaga sa ibang istasyon. Kasalukuyang napapanood si Sarah Geronimo sa iDOL, ang bagong palabas ng Dos kasama sina Sam Milby at Coco Martin. Sa importansiyang ibinibigay ng Kapamilya network sa dalaga, malabong mag-iisip pa ang management nito na siya’y ilipat.

YASMIEN KURDI, SUPPORTING ROLE NA LANG

Ang dating bida ay na-demote sa kontrabida status. ‘Yan ang nangyari sa dating ‘Sinenovela Queen’ ng Siyete na si Yasmien Kurdi. Ilang proyekto na rin ang pinagbidahan ni Yasmien noong kapares pa niya si JC de Vera at umabot pa nga sila sa primetime. Biglang nagdesisyon itong mag-lie low muna sa showbiz para mag-concentrate sa pag-aaral. No show ang dalaga sa presscon ng Grazilda, kung saan siya ang wicked stepsister. Hindi kaya iniiwasan ni Yasmien ang press para hindi mahalata ang kanyang pagsisisi?

LOVI POE, BAGONG LINGERIE MODEL NG BENCH

Kahit pa napakaraming intrigero ang bumabatikos sa kanya, hindi naman nagpapaapekto si Lovi Poe. Sa katunayan nga, dumarami pa ang mga raket niya ngayon sa showbiz. Maliban sa Party Pilipinas at Love Bug, may bago rin itong indie film na ginagawa at kasali rin siya sa Halloween presentation ng Regal Films na White House. Siya rin ang bagong lingerie model ng Bench at ilalabas na ang tatlong giant billboards niya. Proud si Lovi sa kanyang body at talaga nga namang may ibubuga ito kung sex appeal din lang ang pag-uusapan.

IZA CALZADO, BABALIK SA PRIMETIME!

Matagal-tagal na ring hindi nagkaroon ng lead project si Iza Calzado sa GMA-7. Sa katunayan nga, nagparamdam na ito sa network at naging effective naman ito. Noong una’y panghapon dapat ang teleseryeng ‘Koronang Itim’, pero napagdesisyunan ng network na sa primetime block na ito ilalagay. Nararapat lang na bigyan ng break Kapuso network ang mga artistang tulad ni Iza, na hindi lang basta maganda, kundi magaling umarte. Kilala rin ito sa pagkakaroon ng busilak na puso at nananatiling humble.

Show Twitz
Pinoy Parazzi News Service

loading...

One thought on “Show Twitz: Annabelle Rama, bagong Twitter sensation

  1. nyakkkkkkkkkkk twitter sensation binabantayan lang niya ng mga mang aaway sa mga anak niya para resbakan.
    Kala mo kung sino sila sa showbiz mawalan ang career ng mga anak niya at nang makarma ang pamilya nila.

Leave a Reply

Your email address will not be published.