Show Twitz: Alex Gonzaga, nagmamaldita na?!

Hindi na raw nakakatuwa ang ugaling ipinakikita ng tinatawag na ‘Prinsesa ng TV5’ na si Alex Gonzaga. Totoo pala ang mga bali-balitang may attitude problem ito. Sa set nga raw ng kanilang palabas na PO5, nilalait nito ang mga kapwa niya artista at wala siyang pakialam kahit pa mas nakatatanda sa kanya ang mga nilalait niya. Ilan sa mga nabiktima niya ay sina Wilma Doesnt at ang baguhang sina Anyka at Alyana Asistio. Malayung-malayo raw ito sa ugali ng mas nakatatandang kapatid (at ‘di hamak na mas sikat!) na si Toni Gonzaga. Kahit pa sabihing kabi-kabila ang show ng dalaga sa Singko, hindi mo pa rin masasabing ‘sikat’ na ang aktres. Kung ipagpapatuloy ni Alex ang ganyang pag-uugali, ‘di malayong magkaroon na ng isang ‘nega’ star ang TV5. How Juicy!

SID LUCERO, SOBRANG MAKIPAGLAPLAPAN SA KAPWA LALAKI!

Ikinaloka ng mga nakapanood ng pelikulang ‘Muli’ ang mga kissing scenes ni Sid Lucero sa pelikula. Hindi lang pala si Cogie Domingo ang nakalaplapan nito. Maging sina Arnold Reyes at Rocky Salumbides ay ilang beses niyang nakatalik sa pelikula. Sa ipinakitang convincing performance ni Sid Lucero sa pelikula, masasabi namin na siya ang mas deserving na magkaroon ng mas malaking pangalan sa billing. Magaling din namang umarte sa pelikula si Cogie Domingo, pero mas challenging ang role ni Sid at mas malaki rin ang exposure nito.

EMPRESS SCHUCK, MAPAPANOOD NA SA PRIMETIME NG DOS!

Matatapos na ngayong Oktubre ang Rosalka, ang panghapong teleseryeng pinagbibidahan ni Empress Schuck kasama sina Felix Roco at Matt Evans. Sinuportahan ng mga manonood ang Rosalka kaya naman dumarami ngayon ang endorsements ng child star-turned-Empress of drama. Ayon sa mga usap-usapan, isang primetime show ang susunod na project ng dalaga kaya naman hindi na nito kailangan pang mag-alala. Kamakailan lang ay nilooban ng mga magnanakaw ang tahanan nito sa isang subdivision sa Fairview. Promising din ang nabuo nilang love triangle nina Felix at Matt kaya hindi imposibleng makasali rin sila sa bagong programa nito.

CHRISTIAN BAUTISTA, MASAYA SA SET NG MRS. RECTO

Ang Mrs. Recto ang kauna-unahang indie film na pagbibidahan ni Regine Velasquez. Kung dati ay puro sa mga romance-comedy mainstream films napapanood ang Asia’s Songbird, ngayon ay ipamamalas nito ang kakaibang acting niya sa Mrs. Recto. Kasali rin sa cast ng indie film ang Asia’s Hearthrob na si Christian Bautista. Sa kanyang Twitter account, inihayag ng versatile performer ang kanyang pagkatuwa sa bagong proyekto. Isa na namang magandang career move ito para kay Christian, na ngayon ay katambal ni Carmen Soo sa Your Song presents Beautiful Girl.

Show Twitz
Pinoy Parazzi News Service

loading...

5 thoughts on “Show Twitz: Alex Gonzaga, nagmamaldita na?!

  1. tingin ko pareho lng pa tweetums at bait-baitan ang mag-ateng ito, sa tutoo lng pareho nman silang di kagandahan, mga payatola at salamat doktor, improved and enhanced by science kumbaga! magaling lng cgurong sumipsip!

  2. napapanood ko si Alex sa Juicy via internet. actually mukhang mas okay siya kaysa kay Toni. nag-iingat siya sa mga sinasabi niya kahit minsan kailangan niya talagang magsalita o magcomment kasi trabaho niya iyon eh.

    iyong Toni ang maldita sa tingin ko. feeling maganda siya kahit hindi naman.

  3. WALA BANG MAGAWA ANG TABATSINGTSING NA SI NADIA MONTENEGRO AT PALAGING NAGHAHANAP NANG KAAWAY? KUNG HINDI , MAHILIG NAMANG MAKISAWSAW SA PROBLEMA NANG IBA. NADIA, MAG EXCERCISE KA KAYA. ANG TAONG BUSY, MALAYO SA GULO. IKAW, LAGING SABIT.

Leave a Reply

Your email address will not be published.