Show Twitz:

BAGO PA MAN nilayasan ng tuluyan ni Angel Locsin ang Kapuso network, isa sa mga dapat na gagawing proyekto ng aktres ay ang TV version ng pelikulang Angela Markado, na pinagbidahan noon ni Hilda Koronel.

Natsismis din na ibibigay ang nasabing proyekto kina Nadine Samonte, Jennylyn Mercado at Katrina Halili, ngunit dumaan na ang ilang taon ay naka-shelved pa rin ang nasabing programa. Balita ngayon na interesado ang Viva Films na gawan na lamang ng movie remake ang nasabing obra ni Carlo J. Caparas. Ang gusto ng Viva Films ay si Sam Pinto ang gaganap na Angela Markado, ngunit si Angel Locsin pa rin ang bet ni Caparas.

Kung saka-sakali, dito mapapatunayan na kahit saan mang istasyon mapadpad si Angel Locsin, nasa kanya pa rin ang huling halakhak.

Meganu’n?!

 

JENNYLYN MERCADO, PASOK SA THE PROTEGE!

Pasok na pasok bilang female co-host ni Dingdong Dantes ang hot momma na si Jennylyn Mercado sa upco-ming Kapuso reality show na The Protege.

Mukhang napansin na sa wakas ang potensiyal ng aktres sa hosting kaya siya ngayon ang makakasama ni Dingdong Dantes sa programa.

Nakakatuwang isipin na sa Starstruck unang nagsama ang dalawa. Si Dingdong Dantes ang host ng unang Starstruck kasama si Nancy Castiglione at si Jennylyn naman ang nanalo sa patimpalak na ito. Ang The Protege ay isang programa kung saan maglalaban-laban ang mga nagnanais ma-ging mang-aawit sa Pilipinas. Ilan sa mga mentors ng programa ay sina Imelda Papin, Claire dela Fuente, Jaya, Joey Generoso, Janno Gibbs, Aiza Seguerra, Rachelle Ann Go, Jay-R, Gloc9 at Rey Valera. Si Ogie Alcasid naman ang journey host ng programa.

 

BALIKANG MARK ANTHONY AT CLAUDINE, KASADO NA!

Matagal-tagal man ang hinintay ng mga loyal fans ng tambalang Mark Anthony Fernandez at Claudine Barretto, mukhang tuluy-tuloy na nga sa big screen ang pagsasama ng dating mag-nobyo. Nasagap namin ang tsikang magkasamang humarap ang dalawa sa opisina ni Vic del Rosario para sa initial talks ng kanilang reunion movie sa ilalim ng Viva Films.

Matatandaang dapat ay ito ang susunod na movie pro-ject ni Claudine pagkatapos ipalabas ang ‘In Your Eyes’ nila nina Richard Gutierrez at Anne Curtis. Hindi lang ito natuloy dahil pansamantalang nagpahinga ang aktres habang si Mark Anthony naman ay naging busy na rin sa kanyang TV projects.

Wala na raw ilangan factor sa pagitan ng dalawa dahil pareho na silang may pamilya. Ang Star Cinema hit na Mangarap Ka ang huling pelikulang pinagsamahan ng dalawa.
Show Twitz
Pinoy Parazzi News Service

loading...

10 thoughts on “Show Twitz:

  1. Angel is the only one who can give justice to the role of Angela Markado. Actress ang hinahanap para sa role hindi star at starlet for all season.

  2. yun na nga eh walang masama sa pagiging katulong…pero baket para atang kinakahiya ni angel ang nanay nya…parati nyang pinasasalamatan sa mga interview nya ay ang tatay lang nya blind…..then nung mothers day sabi ni angel sa twitter nya “HAPPY MOTHERS DAY SA MGA MOTHER OUT THERE” ….kayong mga fans ni angel bago kayu mag away away…alamin nyo muna attitude ni angel kase mismong si angel kinakahiya nya nanay nya…na ayon sa ibang insider ni rape ng tatay ni angel ynug nanay nya na katulong..at si angel ang naging bunga…then binayaran yung nanay ni angel para mag disappear nlng.YUN NA!

  3. hindi tanya..feeling ko papatok pa rin si mark and claudine..ganun naman ehh..pag matagal nawala na talagang sikat pa na team up,,inaabangan yun..anyway..walang masama sa pagiging katulong..makapagsalkita ang iba dyan!…

  4. naku, huwag na nilang ituloy ang movie ni claudine at mark. tiyak na magflo-flop yan. walang ng gana ang mga tao sa loveteam na ito. laos na si claudine!!!!!!! mahahawa lang si mark sa kalaosan ni claudine. sorry opinion lang po ito.

  5. japanka01 akala mo kung sino kang mka panlait! ano naman ngayon kung anak ng katuong si angel? ganon ba ang tingin mo sa mga katulong, yuck? sobra!…..at bakit hindi naman natuloy ang angela markado?  eh nakaya nga ng gma na pasikatin ang marimar without angel…. look at marian now, she’s a star! kung itutuloy man nila sana si jen or katrina…..di na kasi pwede si nadine dahil nasa tv5 na….si sam naman kulang pa sa acting

  6. di ba ang mga kapuso mga katulong…

    niya-yuck mo ang mga kapwa kapuso mo, kapwa katulong mo din..

    bwahahahhahaha

Leave a Reply

Your email address will not be published.