Show Twitz:

USAP-USAPAN NGAYON SA iba’t ibang social networking sites ang balitang diumano’y lilipat na sa Kapamilya Network ang Kapuso actress na si Nadine Samonte. Ayon sa aming impormante, balak daw itambal ang dalaga kay Piolo Pascual sa upcoming soap opera nito sa ABS-CBN. Nag-umpisa si Nadine ng kanyang showbiz career bilang miyembro ng Star Circle sa ABS-CBN gamit ang kanyang tunay na pangalan bago ito natanggap bilang isa sa 14 finalists ng first batch ng Starstruck. Nagbida na rin sa ilang teleserye ang mestizang aktres, pero kapansin-pansin ang pagtamlay ng kanyang mga proyekto sa GMA-7 sa nakaraang taon. Huling napanood si Nadine sa panghapong teleseryeng My Lover, My Wife. Totoo kaya ang tsikang ito?

 

STEF PRESCOTT, NAGPASEKSI NA RIN SA PANLALAKING MAGASIN!

Pagkatapos ni Rich Asuncion, isa na namang Starstruck graduate ang nagpaseksi para sa cover ng FHM Philippines para sa buwan ng Hunyo. Ito ay walang iba kundi si Stef Prescott, ang mestizang make-up artist wannabe ng Siyete.

Marami ang nagulat sa paglabas ng sexy cover ng dalaga dahil wholesome ang image nito. Napapanood gabi-gabi sa Captain Barbell si Stef at inaasahan ng iba na mas bibigyan na siya ng pansin ngayon ng Kapuso network. Kinunan sa Boracay ang nasabing pictorial at marami ang nagsasabing maganda ang kinalabasan ng ‘straight-forward’ concept ng set na ito. Makakahabol kaya sa FHM 100 Sexiest Women poll si Stef?

 

VALERIE CONCEPCION, NILAYASAN NA ANG MGA NAGBABAGANG BULAKLAK!

Tuluyan na ngang mamamaalam si Valerie Concepcion sa seryeng Mga Nagbabagang Bulaklak ng TV5. Ito ay dahil na rin sa request ng ABS-CBN na dapat ay mag-concentrate ang sexy actress sa 100 Days to Heaven, kung saan ginagampanan niya ang isang mahalagang papel.

Wala namang samaan ng loob sa pagitan ni Valerie at ng Singko dahil maayos namang nagpaalam ang dalaga. Sa katunayan nga, nag-taping pa ito para sa programang Talentadong Pinoy bilang guest celebrity judge. Nakakaloka nga naman kung palipat-lipat ng istasyon ang fans ni Valerie tuwing gabi, ‘di ba?

 

ALESSANDRA DE ROSSI, AMINADONG PROBLEMADO SA PERA!

Kumpirmado na ang pagbabalik ni Alessandra de Rossi sa poder ng GMA-7. Kasali ngayon ang Fil-Ita-lian actress sa upcoming afternoon series na Sentensyada. Makakasama nito sa programa sina Dennis Trillo, Bianca King at ex-boyfriend na si Polo Ravales. Nang tanungin kung bakit ito nagdesisyong bumalik muli sa Siyete, aminado itong ‘financial reasons’ ang nagtulak sa kanya para magbalik-loob sa dating kumpanyang pinagsilbihan. Nakatakdang pumirma ng 2 year exclusive contract si Alex sa Kapuso Network pagkaraan ng mahigit 13 taon ng pagiging freelancer.
Show Twitz
Pinoy Parazzi News Service

loading...

7 thoughts on “Show Twitz:

  1. hoy shebie masyado kang bitter…kawawa ka naman……..mukha ka atang puso negro..iwwwwww :))))))) taehan kita jan sa mukha mo makita moh.hahhaa

  2. PIOLO PASCUAL AT NADINE SAMONTE soon sa dos,,sure na sure na iyan,,i lalauch ng dos si nadine to be the top leading lady long wid NINA JOSE,,MELISA RICKS,.IYA VILANIA,ROXANE GUINOO,,KRISTIN HERMOSA,BEA ALONSO,,GWEN ZAMORA,,SAM PINTO,JAKCIE RICE,STEF PRESCOTT,,PRICESS SNELL,,JESY MENDIOLA,,KAYE ABAD,JODY SANTAMARIA,,DES DEL VALE,DIANA ZUBIRI,,FRANCINE PRIETO,.BIANCA KING,,MAXENE MAGALONA,,etc,.sana matuloy na iyan,,WELCOME SA DOS NADINE SAMONTE!!!

    oo nga,,sana hindi nalang nag pose ng ganito si STEF PRESCOTT,,kakasira ng image,,lkala naman nya nakakatulong ang ganito,,nakakasira pa nga iyan e,,exploitation!yuck!

    we love alessandra,,the best actress,,kahit saan sya,,may talents naman iyan,,sure hit!!

  3. OK LANG NAMAN IYAN,THATS LIFE SA SHOWBIZ,ANG UMIIKOT AT LIPAT LIPAT ANG MGA STARS,KESA SA MAGSAWA ANG MGA TAO,,HINDI NA KASE USO ANG NATETENGGA SA IISANG ISTASYON SA ILANG YRS,HINDI RIN MAGANDA IYON WALANG GROTH BILANG ARTISTA O ACTORS..DAPAT TLAGA LIPAT LIPAT AT IBA IBA ANG NAKAKASAMA MO,IBA NAMAN,.PARA REFRESHING!SAKA,,NADINE SAMONTE IS SUCH A BEAUTIFUL FACE AT MAGALING UMARTE,,PANG LEAD ROLE SYA,,KAYA OK LANG YAN,,ANDITO LANG NAMAN TAYO JUST TO WORK DIBA,MAG IPON,HINDI PARA SIRAIN ANG SARILI DIBA??SOON,,NADINE WILL BE KAPAMILYA,,ISA SYA SA TOP LEADING LADIES NG DOS SOON..

    SAYANG!NAMAN,,WE LOVE STEF PRESCOTT DIN,,ISA DIN SYA SA MAY STAR APIL NA MAY CHANCE SUMIKAT PERO HINDI NA NYA DAPAT GIANW ANAG PAG EEXPLOIT NG GANYAN,PARA MAPANSIN LANG KASE,NABABASA KO NAMAN NA GUSTO SYA NG TAO AT NABABANGGIT SYA NG MGA TAO,.PANG LEAD ROLE DIN SI STEF,.NA IM SURE,.SISKAT SYA,,SANA YAN NA ANG HULI AT FIRST NA PAG POPOSE SA FHM STEF KASE,,NO NEED,,NAKAKA NEGA ANG GANYANG PAG SEXY IMAGE,,PIPOL LOVE MAAYOS NA IMAGE AT ROLE MODEL..WALANG EXPLOITATION,NAG PAUTO KA E SISIKAT KANAMAN SOON,,COZ PIPOL LOVE U,,

    ANG GANDA GANDA NG 100 DAYS TO HEAVEN,.PANALO!ISA ITO SA THE BEST,,NUMERO UNO SYA,,KAYA DAPAT LANG IPAGPALIT NG VALERIE ITO,,HEHEHE,,GRABE!

    WE LOVE ALESANDRA,,SHES STRAIGHTFORWARD AT SINCERE NA TAO,,AT ITO PA,,ONE OF THE CALIBRE ACTRESS,KAHIT SAAN PA SYA,,WE STILL LOVE HER,,KASE TTOONG TAO AT MAGALING SYANG ACTRESS,,TRABAHO LANG NAMAN IYAN,KAHIT SAN PANG NETWORK,DIBA,,SANA SI ASSUNTA DE ROSSI MAGABLIK SHOWBIZ NA DIN,,WE LOVE THIS SISTERS…ACTRESS SILA!

  4. wow,,i love the issue here sa paparazi,,di gaya sa pep,.portal,,namimili ng comments at opinyon,,yuck sila,,walang freedom of expressions,,cheap nila,,gumaw apa sila ng blog at sites,,coz i bleive naman na positive o negative na comments naman ng tao,nakakatulong sa tao iyan,,sa imrovements,,bakit ka mamimili!!aber!!

    well,,cant wait to see NADINE SAMONTE,to be kapamilya,kase dati naman syang taga dos,.she deserved thsi,,shes really one of the talented at prettiest faces in shoebiz,ok din ang ganda nya,mala BEA ALONSO,KRISTIN HERMOSA,,pang leading lady,,,i hope matuloy na iyan,,siya ang isa sa bet ko sa stardom bukod kay STEF PRESCOTT AT JAKCIE RICE O GWEN ZAMORA,NINA JOSE,,

  5. that’s life …style na yan ng mga network para hindi magsawa ang gma tao sa artista…pinag lipat lipat nila………hindi yan kasalanan ng mga artista…..ginagawa lang talgang mga uto uto ng mga network ang mga tao……………kaya dapat iboykot yang mga network na yan wala naman napapala ang mg tao jan…baket kapag kumikita ba sila ng mga milyones naaambunan ba nila ang mga taong nanonood sa kanila???hindi diba??

  6. NAKU SOBRANG AMBISYOSA AT FEELINGERA NYANG C NADINE SAMONTE HA. TALAGANG FEELING NYA EH ITATAMBAL CYA K PIOLO PASCUAL?! ANG PANGET KAYA NYA AT WALANG APPEAL AT WALANG KWENTANG UMARTE NO! SIRAULO NA LNG ANG DOS KUNG KUKUNIN NILA YAN NADINE NA NGETPA NA YAN. KAHIT EXECS NG DOS DI YAN KUKUNING KABET! BWAHAHAHAHAHAHAHAHAHA

Leave a Reply

Your email address will not be published.