Show ni Claudine Barretto, ‘di matsugi ng Siyete dahil sa hiya?!

NAHIHIYA LANG PALA ang Channel 7 na tsugihin na ang programa ni Claudine Barretto, dahil pinangakuan nila ang aktres na lumipat lang sa kanila ay bibigyan ng mga magagandang proyekto. Pero ang kaso, unang project pa lang ni Claudine ay loss na sa ratings, kung saan ang programang Claudine ay laging talunan sa rating game.

Ayon sa aming source, posibleng mag-reformat ang nasabing programa ni Claudine dahil hindi raw click sa mga manonood. Bagay na ikinaiirita ng aktres kapag napag-uusapan ang mababang ratings ng kanyang programa.

Naniniwala kami kay Claudine na wala siyang idea kung mataas o mababa ang ratings ng kanyang programa dahil karamihan sa mga taong nasa paligid niya, kung hindi man takot ay nahihiyang magsabi sa kung ano talaga ang kalagayan ng kanyang show na base sa latest survey ay patuloy itong bumababa.

MAY DAHILAN NAMAN pala kung bakit tinapatan ng Pilyang Kerubin ang Agua Bendita ni Andi Eigenmann sa Channel 2, dahil una at higit sa lahat, may kakaiba palang karisma ang youngstars na si Barbie Forteza at Joshua Dionisio na talaga namang nakakikilig ang kanilang tambalan.

Hindi namin personal na kilala sina Barbie at Joshua, pero sa totoo lang ay bilib kami sa dalawang bagets na ito. Doon pa lang sa unang tambalan nilang First Time, may chemistry na ang dalawa, bagay na wala ang ibang loveteam na tulad nina Aljur Abrenica at Kris Bernal.

Sa totoo lang, natutuwa kami dahil at long last ay matatapos na rin ang The Last Prince, ang pantaseryeng nakababagot panoorin. Bukod sa walang kuwenta ang story, flat na flat din ang acting nina Aljur sa nasabing programa na siya ring dahilan kung bakit hanggang sa ngayon ay hinahanap-hanap pa rin namin ang pagbabalik ng Encantadia na unang pinagbidahan noon nina Sunshine Dizon,Iza Calzado, Karylle at Diana Zubiri.

MAY NAGBULONG SA amin na mas masaya at kuntento na ngayon sina Mariel Rodriguez at Pokwang na wala si Willie Revillame dahil noong mga panahong kasama pa ng aktres ang host ay lagi na lang silang napapagalitan at natatarayan sa ere na feeling umano ng host ay siya lang ang magaling at mahusay.

Isa sa mga “boss” ng Dos ang hindi namamalayang nakita itong nakikipag-usap sa isang sosyalistang guest noon sa anniversary ng Pascual Labaratories ang nagsabing kahit wala si Willie sa dati niyang show ay nagre-rate ito at sa katunayan, unti-unti na raw nasasanay ang mga manood na wala si Willie. “Actually marami ang nakakarating sa aming report na nitong huli ay mas nagugustuhan na ng mga tao na iba-iba ang nagho-host,” ani nito.

Sa kabilang banda, pinag-iisipan daw ng Dos kung pababalikin pa si Willie sa Wowowee after three months, dahil mas kumikita raw ngayon ang nasabing show kumpara noong si Willie pa ang nagho-host.

Karamihan kasi sa mga iniendorso nitong produkto ay sa sariling bulsa napupunta, at hindi iyon naipama-mahagi nang tama sa kum-panya.

More Luck
by Morly Alinio

loading...

23 thoughts on “Show ni Claudine Barretto, ‘di matsugi ng Siyete dahil sa hiya?!

  1. KAWAWA NAMAN SI CLAUDINE,PINATAY NI GRETCHEN NA SARILING KADUGO ANG CAREER NIYA.GRETCHEN IS A CERTIFIED EVIL SISTER.

  2. PLEASE! PLEASE! CHANNEL 2 .A LITTLE DELICADEZA AND PRINSIPYO.STAY AWAY FROM WILLIE.HAYAAN NINYO SIYANG LUMIPAT SA 5,THE NETWORK OF THE LOSERS.LAHAT NG LUMIPAT SA 5 LAOS.BAGAY SI WILLIE DOON.

  3. hindi na kasalanan ni claudine yun kung ratings-challenged ang show niya! and sa totoo lang, hindi
    naman mmk ang katapat ng claudine, it is PGT!
    malamang, malakas ang pgt dahil talent show ito.
    dapat itatapat ito s isang scripted show gaya ng mmk!

    magaling si claudine at kahit kailan ay hindi siya malalaos. marami lang ang naiinggit sa kanya kasi halos
    kalahating milyon ang bago nyang sahod per episode ng claudine.
    say nyo?! hahaha

    • kaya nga nilipat ng oras yung programa ni claudine kasi hindi makatapat sa mmk. diba mmk ang katapat nito yung first three episod. walang nangyari kulilat. sayang nanghihinayang ang gma sa kalahating milyon per episod kasi walang balik sa kanila,,

  4. ahahahaha… kaya nga hindi na pinigilan ng DOS si CLAUDINE na yan e super flop ng last two series nya sa DOS…

    = laos na kc.. nakikilala na ng tao ang tunay na kulay nya.. napaka-impatika.. ayan tuloi,, kinakarma..

    samantalang si JUDAI na 6 moths pa b4 ang xpiration ng contract e may bago na kagad inihahain na for renewal..

    ofcourse alam ng DOS kung sino ang hahawakan nila.. parehong matagal sa bakuran nila ang dalawang aktres na yan… and they come up and they realize na talaga naman si JUDY ANN ang mas tamang piliin at igapos..
    wala kaseng katulad ang karisma ng YOUNG SUPERSTAR…

    unlike ng certified laos na CLAUDINE na yan!
    cheap!

  5. ay sus kunwari pa c claudine di alam ang ratings as if kung nag-rrate di man lang ba nya ba psasalamatan ang viewers dahil hindi nya alam…osla na talaga…

  6. i like the headline! tumpak na tumpak!

    they thought mababangon nila career ni claudine pero lalong lumubog.

    kung si claudine walang pakialam sa low ratings ng show nya pwes ang GMA MALAKING bagay yun sa kanila.

    kaya GMA kung nararapat na talagang tsugihin ang programa eh tsugihin na! kayo rin mamumulubi.

  7. People were fed up of revillame, wowowee can survive without him, akala kasi ni hambog siya lang makakapag-host ng show. He was dead wrong.

  8. ang acting ni claudine ay wala nang ipinagbago de kahon na katulad ng channel 2 pa rin. nakaka suka at kung umaarte hindi yung ginaganapan nya. mga trying hard na sumikat muli.

    agree ako sa mga nagpost tungkol sa barbie at joshua napakabata pa para sa love team na yan.. nasaan ang MTRCB paging MTRCB.

  9. I just want to comment this”ptimowillie”…Im just expressing my opinion…mag comment ka ng sau di yung mang comment ka sa opinion ng iba..Kaloka ka pak!!!!!

  10. stairway to heaven at hindi first time ang unang tambalan nina barbie at joshua

    mababa ang ratings ng claudine dahil aside from the fact na nega sa tao ang aktres, ang storya mismo ng mga episode ay di rin maganda. Pati ung execution, hindi rin pulido unlike mmk; pang pelikula ang production per episode

  11. I watched Claudine several times but i had to change the channel bcuz i found that show so boring. Bakit kaya hindi nila tsugiin ang writer(s) ng kanilang show?

  12. tungkol naman kay claudine, nagkamali ang GMA ng kunin nila ito. akala nila jackpot sila. himdi nila alam ay laos na ito. hindi nagustuhan ng mga tao ang ginwa niyang paglipat dahil nagpakita ito ng kawalan ng loyalty sa istasiyong nagpasikat at nagpayaman sa kanya. hindi siya nakapaghintay na mabigyan ng programa. o dahil kaya hindi rin kasi nag-rate ang huli niyang teleserye sa ABS. ssorry na lang sa GMA dahil sa nangungulelat sa ratings ang programa ni claudine

  13. paano mo naman nagustuhan ang loveteam na may gatas pa sa labi ay paloving- loving na ang ipinakikita sa mga kabataan? gusto mo bang tularan sila ng mga kabataan? kaya nga marami ang nabubuntis ay dahil sa mga napapanood nila sa tv. akala nila ay tama ang ginagawa nila dahil sa ganitong palabas. payo ko sa mga magulang, huwag hayaang manood ng ganitong klase ng palabas. walang mapupulot na magandang aral.

    tungkol naman kay revillame. huwag na sana siyang bumalik sa show. maayos na ang takbo nito. hindi na siya kailangan dito. salamat po/

    • dats why may remote ang tv dba?
      and aside from dat nandyan ang mga magulang 2 follow and guide der children…..

  14. Im a certified claudinian simula pa ng ANg TV days nya..im also kapamilya, nung lumipat sya sa GMA di pa rin nawala pagka fan sa kanya, honestly di ko talaga napapa nuod ung Claudine TV specials nya..

    On wowowe..i always says this, iba pag wala si Willie nakaka bored tlaga..Hope pag nabigyan ng chance si Willie na makabalik..He should learn a lesson..I hope he will…Di ba Kuya Willie???

    • kung talagang certified claudine fan ka dapat panoorin mo yung program niya para makita kung anong hitsura ng idol mo at ang walang kalatoylatoy na mga kwento. kung nakabored panoorin ngayon ang wowowee di wag kang manood. hindi babalik yang willie mo. ayon binale wala yung napagusapan nila na hindi siya dapat mag show ayon lumabas sa tv5 at namudmud pa ng pera.

  15. On Claudine, bad decision from the GMA Network. Or bad project?

    On Wowowee, good to know that it’s doing well in ratings despite the absence of its popular host. I guess, youll learn to make better decisions next time. Mas paboran ninyo ang publiko kesa sa isang taong nag aakyat diumano ng maraming pera sa kumpanya ninyo.

Leave a Reply

Your email address will not be published.