Show ni Bayani Agbayani sa Siyete, nabulilyaso ng Showtime! – Alex Brosas

AYAW NA SANANG pag-usapan ni Pops Fernandez ang tanong about her ex-boyfriend Jomari Yllana.

“Parang napagod na ako. Nakahiga na nga ako sa bahay, controversial pa rin ako. This year, I want to be different. Hopefully, it’s closed na,” sabi ni Pops sa presscon ng Valentine Concert nila ni Martin Nievera na One A-More Time.

“Can we not talk about it,” pakiusap ng Concert Queen when asked about her reaction sa statement ni Jomari na never niyang binalikan ang lahat ng kanyang ex-girlfriends. Hindi na rin nakaiwas si Pops na sagutin ang tanong sa kanya.

“Totoo naman ‘yun ‘di ba? So far, wala pa naman (siyang binalikan),” sagot ng singer.

This year, gusto na ng singer na kalimutan ang lahat ng ‘di magandang nangyari noong 2009.

“Kung sino man ang nagkamali sa akin o nanakit sa akin, I want to forget it. Hindi na naman maibabalik ang nakaraan. Tutal may pinagsamahan naman kami.”

Ayon kay Pops, maayos naman ang relasyon niya ngayon kay Jom kahit hiwalay na sila.

“Actually, hindi pa siya nag-e-explain sa akin. We’re texting each other, pero not to get back to each other. We’re texting for a possible project,” tsika ng singer.

MUKHANG MABUBULILYASO PA ang game show ni Bayani Agbayani sa GMA-7.

Ang tsika kasing nakarating sa amin, mukhang hindi na matutuloy ang game show ng komedyante dahil naisip daw ng management ng Siyete na mahirap na tapatan ang Showtime ng Dos. Aminado raw ang executives ng Siyete na malakas nga ang dating ng Showtime.

Ang game show sana na pagbibidahan ni Bayani ang itatapat sa Showtime. Noong una, ang nasa cast bukod kay Bayani ay sina Manny Pacquiao at Mommy Dionesia. Then, nagpalit ng cast, nawala na sina Pacman at Mommy D sa listahan at nadagdag ang name nina Gelli de Belen at Carmina Villaroel.

Ngayon naman, ipinagbili na raw ng Siyete ang timeslot na sana ay io-occupy ng game show ni Bayani. At ang nakabili raw ay ang TAPE, Inc., ang producer ng Eat… Bulaga!

With this, ang TAPE na ang magpo-produce ng show na itatapat sa Showtime ng Dos.

ITINANGGI NI IWA Moto na madalas silang mag-away ng kanyang boyfriend na si Mickey Ablan sa set ng Darna.

“Hindi kami nag-aaway. Kung mag-away kami, normal lang ‘yon sa relasyon. Hindi, definitely, hindi. Hihintayin muna niyang hindi ako naka-prosthetics bago niya ako awayin. Kasi pag naka-prosthetics ako, mainit ang ulo ko,” paliwanag ni Iwa na balik-kontrabida na naman sa Ina, Kasusuklaman Ba Kita? na magsisimula sa Lunes.

Sa tingin ni Iwa, compatible sila ni Mickey at magtatagal sila. Two years na silang mag-dyowa and so far, smooth sailing naman ang kanilang relasyon.

“Siya lang ang talagang nakatiis sa akin kasi medyo moody ako. Siya, nakaka-jive ko siya. Siyempre, lahat naman, eh, ‘pag pumapasok ka sa relasyon you’re hoping na siya na.”

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

loading...

8 thoughts on “Show ni Bayani Agbayani sa Siyete, nabulilyaso ng Showtime! – Alex Brosas

  1. pwede ba ko nalng bumili ng timeslot? mura lang naman yan for sure. kayang kaya ko yan hehe. gma wla ng pera kay nagbebenta ng slot haha

  2. paano di lalakas.eh gamitin ba naman gimik si osang at mtrcb para kaawan at papansin ang showtime…a very cheap publicity gimik sabagay maraming nauto yan sa gimik na yan..kami DI BILIB..

    • kaawaan at pansinin?

      hahaha nagpatawa ang baklang kanguso! hahha

      anu na nangyari sa SIS nyo??? almost 10 years in air, 2 months lang pinabagsak ng Showtime! hahha

      kawawa nmang mga kanguso…lulubog kasama ang GME hahaha

    • di ka bilib? what do we care? dami talagang inggit sa showtime ni vhong. papano kasi kahit bitoy’s showwwtime ay di makaungos, hahahaha!

  3. walang maisip na programang ipangtatapat ng gma sa showtime kaya ipinagbili ang timeslot sa tape.
    mahusay na taktika at kapag hindi nga namang magklik
    eh hindi masisi ang pamunuan ng gma.
    aminado talaga na malakas ang dating ng SHOWTIME kaya
    siguro me kinalaman din sila sa pagpapatigil nito sa pamamagitan ni laguardia at alipores nito!

Leave a Reply

Your email address will not be published.