Shortlist ng 2 Poll Officials, Hawak na ni P-Noy

TIWALA ANG Palasyo na walang epekto sa paghahanda ng Commission on Elections (Comelec) ang pagretiro nina commissioners Rene Sarmiento at Armando Velasco para sa nalalapit na May midterm elections.

Sinabi ni deputy presidential spokesperson Abigal Valte, sa kabila aniya ng pagtatapos ng 7-year term ng dalawang opisyal kahapon, naka-tuon naman ang atensyon ng iba pang poll body officials sa darating na halalan, sa pangunguna ni Comelec Chairman Sixto Brillantes Jr.

“Dalawang opisyal lang po naman ito, ‘yung iba pa ho naman nating kasamahan diyan sa Comelec ay nandiyan pa so hopefully, hindi naman po maaantala ‘yung kanilang paghahanda,” ani Valte.

Bagama’t wala pang opisyal na anunsyo ang Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III, pero sinabi ni Valte na mayroon na umanong “shortlist” ang punong ehekutibo na maaring pagpilian ng ipapalit kina Sarmiento at Velasco.

“Ang alam ko naman po may shortlist na,” dagdag pa ng kalihim.

Samantala, una na ring umaasa si Brillantes na kaagad mapupunan ang mababakanteng posisyon ng dalawang commisioner.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.