SHORTCUT LABAN SA ILLEGAL RECRUITMENT

MINSAN PO, NAWAWALAN na ako ng pasensiya sa sistema ng ating husgado. Kadalasan po’y tumatagal ng buwan o taon bago magkadesisyon ang isang asunto. Humingi po ako ng payo sa isang abogado tungkol sa kaso ng illegal recruitment ng isang ahensiya. Ang habol ko po ay maipasara muna ang ahensiya para wala na munang iba pang mabiktima.

Sabi po ng abogado ay kailangan munang magkaroon ng bista o hearing sa POEA o kaya’y sa korte para makapagpasara ng isang opisina. Hangga’t hindi raw napatutunayang talagang may kalokohan ang isang tanggapan, hindi raw ito basta-basta maipasasara.

Eh, paano naman po ang mga iba pang mabibiktima habang naka-pending ang kaso? Paano kung tumagal ng tatlong taon ang kaso? Ang ibig po bang sabihi’y marami pang kakagat sa mga pangako at modus operandi ng ahensiya? Tulungan n’yo po ako kung ano ang dapat kong gawin. – Ellen ng San Fernando City

HINDI NA KAILANGANG dumaan sa husgado ang kaso bago magkaroon ng kagyat na lunas ang iyong problema. Lisensiyado ba ang nasabing ahensiya? Kasi, kung hindi ito lisensyado, ang Secretary of Labor o ang POEA Administrator o ang DoLE Regional Director o iba pang ahensiya sa labas ng NCR ay maaaring magsagawa ng sarili nitong panimulang imbestigasyon upang mabatid kung may panganib na dulot sa national security o order ang operasyon ng nasabing ahensiya o kung ang operasyon nito’y mas magpapalala sa pagsasamantala o panloloko sa mga aplikante.

Sa nasabing imbestigasyon, masusing sisiyasatin ng mga opisyales ang mga testigo at ebidensiya. Kung sa tingin ng nasabing mga opisyales ay talagang may panganib o perhuwisyong dulot ang patuloy na operasyon ng nasabing ahensiya, ang mga ito’y maaaring magpalabas ng closure order upang ‘di na makapagpatuloy ng operasyon ang ahensiya habang naka-pending ang kaso.

LIBRENG PAYO! I-TEXT N’YO AT SASAGUTIN KO!

Maaari n’yo ring i-text ang inyong mga katanungan na may kinalaman sa OFW o iba pang usaping legal sa:

PM <space> saklolaw <space> ang inyong katanungan at i-send sa 2948 (for Globe, Smart and Sun users)

O kaya’y mag-e-mail sa omecandazo@yahoo.com

By Atty. Ome Candazo

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.