Shooting Range ni Raffy Tulfo: Sino ang may sala?

Nagtapos sa isang malagim na trahedya ang isang nagsimula sa simpleng hostage taking situation noong Lunes. Sa talaan ng PNP, pito (7) sa mga hostages ang napatay ng hostage-taker na si Police Senior Inspector Rolando Mendoza bago siya mapatay rin ng mga miyembro ng SWAT.

‘Di tulad ng iba na sinisisi ang hostage negotiators na sina Police Senior Superintendent Orlando Yebra at Police Chief Inspector Romeo Salvador, pati na ang mga taga-SWAT dahil sa umano’y palpak na pag-handle sa nasabing krisis na nagresulta sa maraming buhay na nabuwis, pinapupurihan ng inyong SHOOTING RANGE ang lahat ng nabanggit na mga pulis.

Unang-una na, sina Yebra at Salvador ay hindi naman talagang mga professional hostage negotiators na ginastusan ng gobyerno para magpakadalubhasa sa larangan ng hostage-taking situation dito o sa abroad. Bagama’t kulang sila sa kaalaman, ginawa nila ang lahat sa abot ng kanilang makakaya upang pakiusapan ang hostage-taker na sumuko.

Dahil sa kanilang pagsususmikap, ilang hostages din ang napakiusap nila kay Mendoza na pakawalan bago maganap ang madugong assault.

Sa halip na sisihin natin ang mga taga-SWAT dahil sa umano’y padalus-dalos na pagratrat nila sa bus, bakit hindi natin muna tanungin sa ating mga sarili kung bakit nga nila ginawa iyon?

Ang sagot sa tanong ay nakita ng lahat sa isang video footage na kuha ng media. Ang driver ng bus na lumundag at nakatakas ay kitang-kita at dinig na dinig na paulit-ulit na nagsisisigaw ng “Patay na silang lahat” – na ang ibig niyang sabihin ay patay na ang mga kasamahan niyang natitirang hostages.

Base sa impormasyong iyon, kinailangan nang gawin ng mga pulis ang tinatawag na final option. At ‘yun ay ang tactical action – ang assault.

Ngayon naman, marami ang mga nagsasabi na kung hindi raw sana pilit na inaaresto ng mga pulis ang nakababatang kapatid ng hostage-taker na si Gregorio na namo-monitor naman ng una sa isang TV set sa loob ng bus ang pangyayari, hindi raw sana ito nagpaputok na siyang nagdugtong-dugtong na sa sitwasyon hanggang sa humantong ang lahat sa isang madugong trahedya.

Pero ang tanong ko, unang-una, bakit ba inaaresto ng mga pulis si Gregorio? Pangalawa, bakit nalalaman ng hostage-taker ang lahat ng kaganapan sa labas ng bus pati na ang tangkang pag-aresto sa kanyang kapatid?

Sa simula pa lang, may nilabag na si Gregorio. At ito ay nang magtangka siyang pumuslit papasok ng bus at napigilan lamang siya ng mga pulis. Dahil doon, kinumpiska ang kanyang baril. ‘Di kalaunan, nagboluntaryo siyang tumulong sa negosasyon. Pero sa halip na makatulong, siya ay nakadagdag na mapasama ang sitwasyon matapos sabihin niya kay Rolando na basura ang papel na ipinadala ng Ombudsman. Isa sa mga kahilingin kasi ni Rolando ay ang i-reverse ng Ombudsman ang desisyon nito na sinisibak siya sa serbisyo.

Sinabi rin ni Gregorio sa kanyang kapatid na huwag pumayag hangga’t hindi nasosoli ang kanyang baril na kinumpiska ng mga pulis.

At sa isang maselan na police operation, may limitasyon dapat ang ginagawang coverage ng media. Hindi naman siguro tama na ibinubulgar ng media sa kalaban ang blow-by-blow na ginagawa ng mga otoridad. Sa kaso noong Lunes, hindi nakatulong ang media sa sitwasyon, bagkus ito’y nagpalala pa nga dahil namo-monitor ng hostage-taker ang lahat ng plano at kilos ng mga otoridad sa pamamagitan ng TV monitor sa loob ng bus.

Shooting Range
Raffy Tulfo

loading...

2 thoughts on “Shooting Range ni Raffy Tulfo: Sino ang may sala?

  1. http://opinion.inquirer.net/inquireropinion/letterstotheeditor/view/20100830-289511/Singson-in-Hong-Kong-court-What-are-RP-consulates-for
    AM wondering if it’s worth taxpayers’ money to send a congressman from Marikina and a lawyer just to monitor the arraignment before a Hong Kong judge of Ilocos Sur Rep. Ronald Singson, who had been arrested on drug-related charges. What is the Philippine consulate there for? Also, the claim of the father, self-confessed jueteng lord Luis “Chavit” Singson, that his son was “set up” is just ridiculous. There was a news report that a submarine is being used to transport illegal drugs into the country. Singson is said to own a submarine and his province has been known to be the “port of entry” of smuggled motorcycles and appliances. Maybe the Philippine Drugs Enforcement Agency can look into the possibility that illegal drugs may also be involved in the smuggling. NARCISO NER,

  2. Boss Raffy, sa palagay ko lang..Bakit nga ba nangyari to? Balikan natin ang “root cause”. Ito ay ang sistema at disisyon ng Ombusdman. Nakabitin at malabo, parang napersonal si Mendoza.
    Bakit hindi i online mga nakabitin at on going na mga kaso sa Obudsman? Meron naman silang Website kung tutuusin. Katulad ng kay Villaroman na sanay MPChief, pero isang araw lang, dahil may kaso din palang nakabitin sa Ombudsman…. at 9 na taon na. Ilan sa kanila ang may ganitong KATAGAL NA INU-UPUAN? MAGHIHINTAY PA BA TAYO NG ANOTHER MENDOZA???

Leave a Reply

Your email address will not be published.