Shooting Range ni Raffy Tulfo: OZT

SA BAGONG EPISODE ng OPLAN ZERO TAMBAY (OZT) sa darating na Linggo, 10:30 p.m. sa TV5, kakaibang kuwento ang inyong matutunghayan. Sa apat na tambay na aming napuntirya, may papalarin at mabibigyan ng trabaho at mayroon ding hindi. At bakit?
Sino ang papalarin at sino ang hindi? Abangan ang kanilang mga kuwento.

NAIS KONG BIGYANG-DAAN ang ilang mga reaksiyon ng ilang mga viewers na nakapanood ng OZT, at nais kong samantalahin ang pagkakataong ito upang sila ay pasalamatan na rin. Ang kanilang mga reaksiyon ay ipinadala sa Facebook ng OZT.

Jay Crisologo: Congratulations po to idol Raffy Tulfo and his staff for this show oplan zero tambay, truly a very inspiring show at napakaganda, aside from that, e nakakatuwa at nakakagalak po sa damdamin ang inyong programa kc feel ko ang inyong sincerity sa pagtulong. Good job sir and to your staff. Thank you!

Nelson Nism Reyes: Ang kawalan ng trabaho ang isang dahilang ng krimen at kahirapan. Ang bagong programa n’yo Mr. Tulfo ay napakagandang opportunity sa mga tambay para magkaron ng marangal at maayos na simula ng pamumuhay. More power po sa inyo.

Iyikie Teleb: Lagi ko pong pinapanood ang inyong program, dahil nakakatulong ito para magkaroon ng oportunidad ang mga taong hindi nakakapagtrabaho. Sana hindi po kayo magsawa na tumulong sa iba, at sana noon pa ito pinalabas para wala nang tambay at magkaroon ng trabaho ang lahat ng tao.

Almin Tampoc: Maganda itong show na ito, ‘yan ang public service! I hope our local government make something like this.

Jojo Adoptante: I was amaze when I saw this show. Raffy Tulfo helping those people na walang work. And I was shock and a little bit of suprise. Sana po tumagal pa show mo Sir Raffy Tulfo. Your show is the best sana marami ka pang taong natutulungan. Two thumbs up. Good luck po sa show and more power.

Alvie Montimor: Sir Raffy sana ay matulungan n’yo po akong makahanap ng trabaho. By the way nga po pala, maraming salamat at nagkaroon po ng ganitong klaseng programa na talaga namang naiiba sa lahat. Sana marami pa kayong matulungan. More power sa show at good luck.

Norielyn Espinar: Sir, gusto po ng papa ko na magkatrabaho, kasi po isang buwan na siya walang trabaho, siya lang po ang nagpapaaral sa amin at inaasahan naming magkakapatid, marunong po siya magmaneho, tapos din po siya ng 2-year vocational, sana po matugunan ninyo ang hiling ko, para matapos ang dalawang taon kong pag-aaral sa kolehiyo.

Kristine Tenorio Añonuevo: Tamang-tama po iyang programa n’yo dahil maraming mga nagkalat lang diyan sa daan na mga tambay at mga pasaway.

Norman Cuna: Ayos po talaga ‘yang show n’yo kaysa manood ako ng sisihan sa Kongreso mas masarap manood ng show n’yo puro pag-asa lalo na sa tulad kong walang trabaho. Salamat sa TV5 nagkaron ng ganyang show.

Choi Artillero: Lupet n’yo sir! IDOL!

Para kay Norielyn Espinar at Alvie Montimor, maaari kayong makipag-ugnayan sa pamamagitan ng text sa cellphone number hotline na 09177926833 at ipatukoy ang inyong mensahe kay Sierene. Susubukan naming tugunan, sa abot ng aming makakaya, ang inyong kahilingan.

Shooting Range
Raffy Tulfo

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.