Shooting Range ni Raffy Tulfo: NBI sa Bulacan, Isinusumbong!

ISANG E-MAIL NA ipinadala sa inyong SHOOTING RANGE ni Grace (‘di niya tunay na pangalan) ang lubos na nakatawag ng aming pansin. Isinusumbong niya ang bulok na sistema sa tanggapan ng NBI sa Plaridel, Bulacan:

Good day po Sir Raffy, nalaman ko po na puwedeng mag-e-mail ng sumbong sa inyo. Gusto ko po sanang isumbong ang bulok na sistema ng NBI rito po sa Plaridel, Bulacan.

Marami pong kapalpakan ang mga empleyado rito. Minsan, kumuha kami ng NBI clearance ng asawa ko sa tanggapang ito. Napakarami pong kumukuha rito, halos buong Bulacan dito na lang kumukuha kaysa lumuwas ng Maynila kasi mas malapit at makatitipid pa sila ng pamasahe. Ang kaso, ang mga empleyado po ay pa-petiks-petiks lang.

Karamihan po sa kanila ay nakukuha pang makipag-tsismisan sa oras ng trabaho, meron naman pong pa-kape-kape pa kahit hindi pa naman break time. Ang iba po ay umaalis sa window nila kaya ang pila, Diyos ko, umaabot hanggang kalsada at parang wala silang pakialam kung mahaba na ang pila dahil sa mga commercial breaks na ginagawa nila.

Ang finger printing naman po nila ay may bayad na P5, masyadong mahal kumpara sa P3 na bayad sa Maynila na kung tutuusin ay ang wet tissue lamang ang binabayaran mo. Masyado pong mahal ang singil nila. Ganu’n po ba ang dapat na presyo ng singil kapag sa probinsiya? Masyadong mataas, hindi naman po namin alam kung saan napupunta ang kinikita nila sa finger printing na ‘yan.

Ang mga teller pa po ay mahilig mamahiya. Kapag may konting mali sa naisulat ng aplikante, binabara at ipinapahiya nila nang naka- microphone at loud speaker. Ang nakagugulat pa po rito ay tumatanggap pala sila ng rush kaya lang patago, kailangan mo lang usisain kung sino ba ang dapat mong kausapin sa loob. Kaya po namin nalaman ay dahil kilala ng asawa ko ‘yung taga-bigay ng application sa may entrance at itinuro po kami sa loob at may kailangan lamang daw hanapin, kausapin at bayaran ng P800… Imbes na 10-14 days, eh magiging 5 days na lang ang hihintayin kung magdagdag bayad ka ng P800 sa regular na dapat mong bayaran. Kesyo pamasahe raw po nu’ng tao na luluwas sa main office para mai-process kaagad ang papel…

Sa aking palagay ay iligal ang mga transaksiyong iyon. Sana po mabisita ninyo ang tanggapan nila rito sa Bulacan sa lalong madaling panahon para matulungan po ninyo ang mga Bulakenyo, kawawa naman po ang mga mamamayan dito sa Bulacan na nagtitiis sa bulok na sistema nila… Maraming, maraming salamat po! – Grace

Salamat sa iyong e-mail, Grace. Sa araw ring ito, tatalakayin ng WANTED SA RADYO ang iyong sumbong at kapapanayamin ang mga kinauukulan ng NBI upang matuldukan na ang bulok na sistemang ito sa kanilang tanggapan sa Plaridel, Bulacan. Umasa ka… R.T.

Shooting Range
Raffy Tulfo

loading...

5 thoughts on “Shooting Range ni Raffy Tulfo: NBI sa Bulacan, Isinusumbong!

  1. Lahat mga sinabi nyo TAMA akala mo kung sino ang tao na nasa gobyerno mga kurap. ito nga isa sa mga karanasan ko sa mga bulok na tao. ako ay taga Ilocos Yong anak ko ipinanganak sa Pangasinan. Kailangan ng amendment yung birth cert ng annak ko based on RA 9048 correction of clerical error of birth cert. Nung nag punta ako sa Rosales pangasinan para i-amend of some detail of my daugther’s birth cert ay ang charge daw nila ay 15,000 pesos tinanong ko kung they can issue an official receipt and sagot hindi daw. kaya ang ginawa ko ipina-amend ko na lang yung birt cert anak ko sa ilocos and i just only pay 1000pesos for the whole process with official reciept

  2. ung mga pulis sa baliuag bulacan poh,tinutumba nila ung mga pusher …bakit hndi na lang nila kasuhan at ikulong kesa patayin sa sarli nilang kamay…mga hayop na pulis ng BALIUAG BULACAN

  3. Bakit po kaya karamihan sa mga empleyado ng mga Ahensiya ng gobyerno ay umaastang akala mo kung sino? Kung magpahiya ng mga tao ay ganun ganun na lang. Kahit po sa POEA. DFA, atbp. Ay tila gustong gusto nilang pinapahirapan ang mga nagpoproseso. Mga walang konsiderasyon. Sana po eto ay bigyang pansin din ng bagong administrasyon. Sipain na at sibakin ang mga pinapasweldo ng gobyerno na puro tsismisan at meryendahan lang ang inaatupag. Kaya mabagal ang asenso sa Pilipinas.

  4. totoo po yang email na yan
    totoo pong papetiks petiks lang ang mga tao na yan dyan sa plaridel!

    bakit po yung iba 1day process lang nila yung clearance?
    nakakaawa yung mga taong nakapila

    ano pong email add ni RT?
    marami pa pong anomalya sa bulacan! gaya ng isang pulis na namimingot ng tricycle driver tapos ipapatubos yung lisensya sa bahay nya pa sa halagang 2k!!

    pagkinuha yung lisensya, kukunin din pati takip nung lalagyan nung gasolina, nakakaawa yung mga tricycle driver, grabe itong pulis na to sa malolos, sana matanggal sya sa puwesto nya!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.