Shooting Range ni Raffy Tulfo: Ang mga Intsik na Walang Pagrespeto sa mga Pilipino

Ang Mega System Enterprises, Solid Tone Enterprises, Manila Solid Enterprises at EPSON Enterprises na pinamamahalaan ng magkakamag-anak na sina Vicente Chua, Teresita Chua Chiong, Antonio Chua at Marcela Dy ay mga kumpanya na mababa ang tingin sa mga Pilipino.

Ang pakiwari siguro ng mga Intsik na ito ay mas nakalalamang ang lahi nila kaysa sa lahi ng mga Pilipino dahil ang mga Pinoy ay mga utus-utusan lamang sa kanilang mga kumpanya.

Sa tuwing nagagalit umano ang isa sa mga may-ari ng kumpanyang ito sa mga trabahador nilang Pilipino, ang madalas daw na salitang panlalait na ginagamit nito ay “Tamad kasi kayong mga Pilipino kaya hindi umaasenso at hanggang mga trabahador na lamang kayo”. Ang mga salitang ito ay madalas na isigaw kay Rotoni Aurinto, dating delivery driver ng mga nabanggit na kumpanya, ayon na rin mismo kay Aurinto.

Matatandaan na noong July 28, 2010, unang natalakay sa espasyong ito ang kaso ni Aurinto. Si Aurinto ay ipinakulong ng isa sa mga nabanggit na dati niyang amo – si Vicente Chua – dahil sa kasong perjury. Ito ay matapos panigan ng NLRC ang reklamo ni Aurinto laban sa nabanggit na mga kumpanya. Niresbakan ni Chua si Aurinto.

Si Aurinto ay sinibak sa kanyang trabaho pagkatapos mapikon ang mga Intsik dahil pinakiusapan niya sila na kung puwede ay bigyan siya ng tamang sahod at benepisyo at huwag nang gawan ng illegal deduction ang kanyang kakarampot na suweldo. Nagsampa ng reklamo si Aurinto sa NLRC.

Dahil mahirap lamang, mabilis na nakulong si Aurinto. Naglagak ng piyansa ang WANTED SA RADYO para sa kanya.

Noong July 26, nang mai-ere sa WSR ang kaso ni Aurinto, binaha ang programa ng mga text messages at tawag sa aming mga landline mula sa mga nanggigigil na listeners at hinihingi ang address ng nasabing mga kumpanya. Napikon kasi nang husto ang mga listeners sa sinabi ni Aurinto na mga panglalait na pananalita umano ng mga may-ari nito laban sa mga Pilipino. Hindi ko ibinigay ang address ng nasabing mga kumpanya.

Matapos maisulat sa espasyong ito ang sumbong ni Aurinto noong July 28, makailang beses nag-text at tumawag si Alin Ferrer, isa sa mga staff ng ISUMBONG MO KAY TULFO dahil nakikiusap daw ang abogado ni Vicente Chua na si Atty. Gene Quilas, kakilala ni Alin, na kung puwede ay makausap si Aurinto at ang inyong SHOOTING RANGE para maibigay ang side ng kanyang kliyente at pagkatapos ay magpa-file sila ng desistance, at kasabay ay ibibigay na rin nila ang back wages at 13th month pay ni Aurinto.

Bagama’t hindi pumayag ang inyong SHOOTING RANGE na makipag-usap kay Quilas, maging sa sinuman sa mga dating among Intsik ni Aurinto, inatasan ko ang aking field reporter sa WSR na si Benjie dela Cruz para samahan si Aurinto sa kanyang pakikipagharap kay Quilas upang maprotektahan ang kanyang kapakanan. Ito ay ayon na rin sa kahilingan ni Aurinto.

Ngunit kamakailan, napag-alaman ng inyong SHOOTING RANGE na sadyang wala pala talaga ni katiting na pagrespeto sa ating mga Pilipino ang mga mapagmataas na mga Intsik na ito. (ITUTULOY)

Shooting Range
Raffy Tulfo

loading...

2 thoughts on “Shooting Range ni Raffy Tulfo: Ang mga Intsik na Walang Pagrespeto sa mga Pilipino

  1. e talaga namang tamad ang mga pinoy e.
    gus2 nila yumaman agad ng welang kahirap-hirap.
    kaya maraming magnanakaw na pinoy at mandarambong. mga switik talaga ang mga pinoy. masyadong korap!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.