Shooting Range: Ang mga mandurugas sa classified ads

NAGLIPANA NGAYON ANG mga mandurugas sa mga classified ads at ang target ng mga kawatang ito ay ang mga taong naghahanap ng trabaho. Isa na rito ay ang KRAN MARKETING SERVICES (KMS) na matatagpuan sa Rm. 401 Muñoz Market Plaza, Corporation Bldg., # 354 Roosevelt Ave., Veterans Village, Quezon City.

Ang modus operandi ng kawatang ito ay ang maghikayat ng mga aplikante para sa iba’t ibang posisyon sa kanilang opisina. Lahat ng aplikante ay pinangangakuan na mabibigyan ng trabaho pagkatapos ng training. Pero para siguradong tanggap na ang isang aplikante, kinailangan niya munang makapagbenta ng isang mamahaling paninda ng KMS.

Bibigyan ang aplikante ng maiksing deadline na maibenta ang nasabing paninda. Kapag hindi na-meet ang deadline, tanggal na siya. Kaya ang gagawin ng aplikante, siya na mismo ang bibili ng paninda at ipangugutang niya sa mga kamag-anak ang perang pambayad dito.

Kapag hindi pa rin nakaramdam ang aplikante pagkatapos niyang mabili ang mamahaling paninda, ipapangako naman sa kanya ngayon ang isang management position. At kasama sa management training kuno ay ang makapagbenta ng tatlo pang mamahaling produkto. Tulad ng dati, bibigyan siya ng deadline. Kapag nagawa niya ito, ipapangako naman sa kanyang sunod ang Area Manager position. And once again, kasama sa training kuno ay kinailangan niyang makapagbenta muli ng limang mamahalin pang produkto.

Kapag hindi pa rin nakahalata ang isang aplikante sa puntong ito, sobrang tanga na niya at dapat lang na pagdusahan niya ang kanyang katangahan.

Matagal nang naireklamo ng mga biktima sa DOLE ang KMS ngunit patuloy pa rin sa pamamayagpag ang mga hinayupak na ito dahil nataon na may mga inspektor ng DOLE ang mga korap.

Sina Zofese Ubalde at Erica Alboroto ay dalawa lamang sa daan-daang mga biktima ng KMS. Sa kuwento ng dalawa, sa unang pagtapak pa lang nila sa opisina ng KMS, nagpakita na ito ng mga kahinahinalang kilos. Kinukumpiska ang cellphone ng lahat ng aplikante at kinakalkal ang mga bag nila.

NARITO ANG ILAN lamang sa warning signs na dapat bantayan ng mga aplikante kapag sila ay naghahanap ng trabaho para ‘di mabiktima ng mga mandurugas:

  • Kapag sinabi sa classified ads na nangangailang ang isang kumpanya ng sangkatutak na office workers at hindi nagre-require ng anumang experience.
  • Pagdating sa inaaplyang opisina, ang mga kagamitan ay halos mga mesa at upuan lamang ang laman.
  • Kapag pinababayaran ang application form.
  • Kapag nagsisingil ng para sa medical/dental exam.
  • Kapag ginawang kundisyon ang inyong pagkakatanggap sa trabaho ay kinailangang kayo ay makabenta muna ng kanilang produkto.
  • Kapag ang ipinapangakong suweldo, animo’y suntok sa buwan.
  • Kapag kahina-hinala ang mga kilos ng mga tao sa opisinang inaaplyan tulad sa kuwento nina Zofese at Erica sa kaso ng KMS.

Shooting Range
Raffy Tulfo

loading...

5 thoughts on “Shooting Range: Ang mga mandurugas sa classified ads

  1. meron din nyan sa 11th ave. caloocan city. ibang name nga lang ng company. muntik nako magoyo. nagpapabenta ng mga products para maging admin secretary raw. libo ang halaga ng produkto. may time limit ang pagbenta. dapat daw bumalik agad before 5pm. ung manager nagbigay pa ng tip. ako na lang daw ang bumili para makuha agad ang trabaho. hahaha. neknek nila.

  2. hanggang ngayon b nakakapag-operate p rin sila? Yang KMS n yAN isa din ako s biktima nila, PANU BA MAHUHULI YANG MGA YAN???? DAPAT SA KANILA MAKULONG ANG DAMI NILANG NALOLOKONG TAO.

  3. hello po sir oo nga po pala paano po namin mateterminate ang contract namin kasi actually naka sign na kami ng contract help me naman sir

  4. Sir nag apply po ako sa Krans marketing,,at nakapag signed na kami ng contract,,At hindi naman namin alam na scam po ung company,,panu po nmin ma terminate ung  contract namin at nakapag binta na kami ng product nila,,panu po nmin maku2ha ung perang nakuha nila..please replay asap,,

  5. Sir,
    SA ngayon po ba same administration pa rin ang nasabing kumpanya? Sir, kse po aplikante po ako ng nasabing KRAN MARKETING SERVICES at same po yung nabasa ko sa ginagawa nmin ngayon. Ano po b ang mabuting gawin para mapuksa ang modus operandi nila. Naaawa po kse ako sa mga ibang kasamahan ko na pilit nilang pinapabila ng mga parafernalya sa training daw.

Leave a Reply

Your email address will not be published.