Shooting ng pelikula nina Coco Martin at Angeline Quinto, itinigil!

SA PRESSCON ng Legacy, nakausap namin si Heart Evangelista na agad na klinaro sa amin ang bali-balitang kaya ‘di na raw tuloy ang balak nilang pagpapa-kasal ni Daniel Matsunaga sa taong ito ay dahil nauwi na raw sa hiwalayan ang relasyon nila.

Ayon sa aktres, sila pa rin ng Brazilian boyfriend at maayos ang tinatakbo ng kanilang relasyon, ang usaping pagpapaksal ay malayo pang mangyari dahil hindi naman sila nagmamadali at wala pa ito sa kanilang plano. Sa tanong namin kung nakita na ba niya kay Daniel ang lalaking gusto niyang pakasalan at makasama habang-buhay, sumagot naman sa amin si Heart na sa apat na naging boyfriends niya, lahat ng mga ito ay kinakitaan niya ng potensyal na maging asawa pero dahil bata pa nu’n ay nauwi rin sa hiwalayan ang lahat.

Pinagtatakhan kung paano naugnay ang pangalan sa break-up nina Rhian Ramos at Mo Twister, aminadong kaibigan niya ang DJ/TV host, pero nagpakatotoo sa amin si Heart na ayaw niyang ma-involve ang pangalan sa problemang kinahaharap ng dalawa lalo’t masaya siya sa piling ng boyfriend.

Tinanong din namin kung bukas ba siyang makatrabaho si Jericho Rosales na siyang inaabangan ng mga tagahanga nila. ‘Di itinago ng aktres na dahil sa mga kumplikasyon at gulong pinagdaanan ng relasyon nila ng aktor, mas mabuting hindi muna ito mangyari sa ngayon.

 

KUMPIRMADONG HINTO muna ang shooting ng pelikulang pinagbibidahan nila Angeline Quinto at Coco Martin, ang You Light Up My Life dahil busy ngayon ang aktor sa taping ng seryeng Walang Hanggan. Kapareha si Julia Montes, agad naming tinanong si Angeline kung ‘di ba siya nag-aalala na baka makaapekto sa magiging resulta ng pelikula nila ang pakikipagtambal ni Coco kay Julia, pinaliwanag naman sa amin ni Angeline na kinausap na siya ng aktor tungkol sa nasabing serye at kahit nalungkot siya ay naiintindihan naman niya dahil desisyon ito ng management ng ABS-CBN.

Sa kabila ng pagiging open ng malalim na paghanga kay Coco, heto’t may mga balitang lumalabas na nagkukuwestiyon sa gender ng singer. Agad namang klinaro sa amin ni Angge na alam naman ng tao na babae at kung may pagka-boyish man siyang kumilos, ito ay dahil laki siyang Sampaloc, laki siyang kalye na hindi naman niya ikinahihiya.

Maganda ang working relationship kay Coco, kung saan inamin naman ni Angeline na habang nakikilala niya ang aktor ay lalo niyang napapatunayan na hindi siya nagkamali ng taong hinangaan. Nang tanungin namin kung may regalo ba sa kanya ang aktor nu’ng nakaraang Pasko, wala ang sinagot sa amin ng singer pero nagbatian naman sila ng Happy New Year. ‘Di naman nagsasara sa tawag ng pag-ibig, ayon kay Angeline ay bukas naman siya kung may darating, pero kung wala naman ay okay lang at pokus muna siya sa kanyang trabaho.

Nagpapasalamat din dahil namatay na ang isyu na kinukumpara at pilit silang pinagsasabong ni Sarah Geronimo, para kay Angeline ay magkaibigan talaga sila ni Sarah at isa ito sa pinagkakatiwalaan niya sa mga kaliga niya.

Naging paborable ang taong 2011 kay Angeline, kung saan nakakuha siya ng 10 awards sa larangan ng musika at nasubukan na rin niyang umarte sa pelikula. Sa 2012 ay hinihiling ni Angeline na sana ay mas marami pa siyang awards na makuha at lalo pa niyang mapagbuti ang kanyang pag-arte.

 

BAGO MATAPOS ang taon, pumutok ang balitang nanliligaw na raw si Gerald Anderson kay Sarah Geronimo. Nasulat na dumalaw raw sa commercial shoot ng Pop Princess, ayon sa aktor ay tine-take niya ang tsansang ito para higit na makilala ang aktres at hindi naman siya nagmamadali. Klinaro na hindi siya nanliligaw kay Sarah, pero hindi niya tinago na espesyal ito para sa kanya, kung saan nababaitan at nagagandahan siya sa singer/actress.

Kilalang mahigpit sa mga manliligaw ni Sarah ang pamilya nito partikular na raw si Mommy Divine, maganda naman ang relasyon sa pamilya ni Sarah, kung saan dinepensa pa nga ni Gerald na exaggerated lang ang mga lumalabas tungkol kina Mommy Divine dahil may malalim naman itong dahilan kung bakit naging ganu’n.

Kung mainit na natanggap sa Budoy ay tanggap din naman ng tao ang dating kapareha na si Kim Chiu at ang pakikipagtambal nito kay Xian Lim, masaya si Gerald sa tagumpay ng nasabing serye, kung saan ayon sa kanya ay sinusuporatahan niya ang aktres at mahal na mahal niya ito.

Incredible ang paglalarawan ng taong 2011 para sa kanya, kung saan nakagawa siya ng dalawang pelikula at bukambibig ang Budoy, ang hiling ni Gerald para sa 2012 ay maging doble ito ng 2011.

 

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

Related Post

loading...

11 thoughts on “Shooting ng pelikula nina Coco Martin at Angeline Quinto, itinigil!

  1. FLOP TALAGA YAN KASI ANG ACTING NI COCO LOCO EH PANG GRADE SCHOOL PLAY………….KUNG MAG FLOP MAN YAN EH DAHIL KAY LOCO AT HINDI KAY ANGELINE – THE REAL POP SUPERSTAR

  2. Hahaha! Hala! Naisip na agad ng ABS-CBN na magiging FLOP ung movie nila Angeline at Coco!!
    Kaya inistop muna!! wawa naman! PERO INFAIRNESS BAGAY NAMAN SILA COCO AT ANGELINE AH? TOMBOY AT BAKLA!! BONGGA!!

  3. hay naku maxado  dyan sa pinas, kung puputualan mo ng betlogang lahat ng nang-iwan ng anak aba eh baka dami ng walang betlog na lalaki dyan, patawa ka?

  4. nakakatawa ang writer. panay ang interview sa artista pero wala namang quotes. anong klaseng writer yan. nainterbyu niya tapos walang quotes. nag aral ba yan

  5. buti nang hindi na matuloy ang pelikula ni angeline kay coconut nut walang kwenta naman ang baklitang yan…. tinakbuhan ang obligasyon nya sa anak kay katherine luna…. dapat jan tangalan ng betlog at ipakain kay lolong….

  6. BOPLAKS MAXADO ANG MGA KANGUSO NA NAGCO-COMMENT DITO…. hahahaha…. iyan lang talaga ang kaya ng utak ng mga taga kamuning at payatas….

  7. Speaking of Pokwang asuwang, how true na super mega floptsina ang mother story nya, this is according to juicy express. Ubos na kasi cgro ang datung ng mga tao tska isa i also heard na super sa kakornihan ang mga drama scenes ni Pokwang asuwang hehehhehhe.  Tlga cgro pang tv lang c PA kung may movie man cya eh pang smorgasbord lang tlga cya. Another lugi ito ng SC.

  8. oo nga at tsaka dapat itigil na kasi cgurado ndi kikita kasi ginagamit ni angeline si coco para lalo syang sumikat pero wla talagang dating si angeline kopyang kopya ang boses ni regine v. wla naman tlagang lamig at ganda ng boses buti tumaas ang boses niya parang si pokwang mangagamit…hayyy..daming artista ng dos bakit si pokwang at si angeline pa andyan sina maja melissa cherry pie ai ai eugine domingo..

  9. paano naman hindi matitigil ang shooting ng star cinema, eh KINAKAPOS sa pera. naghihintay pa na makuha ang parte ng star cinema sa last movie nila na enteng ng ina mo, dahil hindi pa nagpapartihan ang mga producers at dahil hindi makaUTANG ang dos ngayon, kaya STOP me at hinto muna at delay ang shooting ng movie nina angeline at coco martin!

  10. DI BA SI MANIAC ANDERSON AY MAHILIG SA BADING? IBIG SABIHIN BA NG PANLILIGAW NIYA KAY SG PIYOK AY MUKHANG BADING ITO?………..HAHAHAHAHAHA…………NAGTATANONG LANG PO MGA POOPSTERS……….HAHAHAHAHAHA

Leave a Reply

Your email address will not be published.