Shipments ng Baril sa Bansa, Isasailalim sa Iniimbentaryo ng BoC

MATAPOS ANG naunang pag-lilinaw ng Philippine National Police, agad na ipinag-utos ni Bureau of Customs (BoC) Commissioner Ruffy Biazon na alamin ang sinasabing arrival noong September 4 ng may 28,000 Glock pistols para sa firearms supply project.

Sinabi ni Biazon, na kanya nang ipinag-utos ang inventory sa lahat ng gun importations simula noong Enero hanggang nitong buwan ng Setyembre.

Aalamin din aniya ng ahensya ang shipment record ng kumpanyang Trust Trade, na siyang winning bidder sa proyekto at kung saklaw ba ng standing ban ng US government ang pag-angkat ng nasabing mga baril sa mula sa ibang bansa.

Dahil umano sa tumataas na concerns sa isyu ng gun importations, magpapatupad aniya ng bagong panuntunan ang kagawaran, kung saan ang lahat ng shipment nito ay dapat may clearance mula sa Office of the Commissioner.

Matatandaang una nang umapela ang PNP sa taong-bayan na huwag muna silang husgahan kaugnay sa panibagong kontrobersiya na kinakaharap ng organisasyon.

Kasabay nito inihayag  ni PNP deputy director general at Bids and Awards Committee Chairman Emelito Sarmiento, ang napipintong imbestigasyon na ipatatawag ng Kamara kaugnay sa diumano’y maanomalyang gun deal na kinasangkutan ng Department of Interior and Local Goverment (DILG). (TONY DELA PEÑA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.