Sheryl Cruz, nawiwili sa panonood ng basketball

Sheryl Cruz With Coach Derick Pumaren & Family

Sheryl Cruz With Coach Derick Pumaren & Family

Mukhang nawiwili na ring manood ng basketball ang aktres/singer na si Sheryl Cruz, kung saan kamakailan ay nanood ito ng laban ng UE Red Warriors na siyang nagwagi ng araw na ‘yun.
Ang panonood daw ng basketball ni Sheryl Cruz ay mula sa imbitasyon ng kanyang kaibigan na si Coach Derick Pumaren na kanya namang pinaunlakan.
Tsika nga ni Sheryl, “Went to watch a basketball game earlier sa Enderun McKinley, Taguig as a guest of Coach Derick Pumaren earlier.
“UE Red Warriors played against La Salle. The Red Warriors won.
“Kasama namin sa basketball game yung family ni Coach Derick Pumaren. As I said earlier, UE won that day against La Salle,” pagtatapos ni Sheryl.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.