Sheryl Cruz, mas gustong manahimik na lang sa isyu ni Sen. Grace Poe

Sheryl-CruzNAKUHA NAMAN ni Sheryl Cruz ang kanyang kasikatan noong bagets pa lang siya na si Romnick Sarmenta pa ang kanyang ka-loveteam. Matatandaang inilampaso din niya ang kanyang mga kasamahan noon sa programang That’s Entertainment, dahil kapag isa-isang ipinakikilala ang bawat miyembro ng show ay nagpapalakpakan ang studio audience. Pero kapag tinawag ang pangalan ng pinsan ni Sunshine Cruz, dumadagundong halos ang studio na iyon sa Broadway Centrum sa lakas ng palakpakan at tilian dahil sa kanyang kasikatan.

Pero si Sheryl, kakaiba na kapag wala na siya sa harap ng camera. Mas gusto niya ang simple at matahimik lang na buhay. Para sa kanya, kapag nasa harap ka ng gumigiling na kamera para sa mga eksena ng pelikula at teleserye, panindigan mong artista ka. Pero sa dami ng kontrobersiyang nangyari at nalampasan ni She, noon hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagbabago ng kanyang ugali. Mayroong isyu sa showbiz na deadma na lang talaga siya, pero may isyu na sumasagot siya, dahil hindi naman siya maramot magpaliwanag.

Nitong huli, ang isyu na hindi kayang ipagwalang-bahala ni Sheryl ay ang nang makaladkad ang nananahimik nilang pamilya dahil lang sa intriga sa pagiging ampon ni Senadora Grace Poe na ngayon ay patok ang pangalan sa larangan ng pulitika. Marumi ang mga naglalabasang intriga, at hindi sanay si Sheryl sa ganu’n karuming pagbabatuhan ng intriga. Kaya naiparamdam din niya ang sitwasyon na hindi siya natutuwa sa nangyayari. Mahalaga sa kanya ang kanyang pamilya at buong angkan, kaya hindi siya papayag na basta na lang sila tapunan ng kung anu-anong intriga.

ChorBA!
by Melchor Bautista

Previous articleMahusay at guwapong aktor, ‘di marunong lumimot kahit sa mga naging kostumer na bading
Next articleLovi Poe, good vibes at positive energies lng

No posts to display