Sheryl Cruz, itinangging nang-agaw siya ng asawa!

NASASANGKOT NGAYON SI Sheryl Cruz sa isa na namang kontrobersiya nang lumitaw itong babaeng taga-Bacolod na pinagbibintangan ang aktres na inagaw raw ang asawa niya.

Inilabas ng Startalk ang interview ng babaeng nagpakilalang Crix Ledesma. Base roon sa litratong ipinakita niya, parang kamukha rin niya si Sheryl. Kung totoo ngayong nakarelasyon ng aktres ang asawa nitong si Crix, baka nga ganu’ng tipo ang nagugustuhan ng lalaking ‘yun.

Base lang sa kuwento nitong Crix, nakilala raw ni Sheryl ang asawa niya sa Bacolod nang nirenta nito ang kotse niya nu’ng nag-taping doon ng Balikbayan sa Bacolod.

Pagkatapos nu’n, nirenta uli ang kotse ng lalaki na Charles ang pangalan at doon daw sila naging close. Niyaya pa raw ni Sheryl ng lunch kasama rin itong babae.

Magmula nu’n, naging malamig na raw sa kanya ang asawa niya at nakikita raw niyang madalas daw ang text-an nina Sheryl at ng asawa nitong si Crix. Nabasa pa raw nito sa sent item nu’ng lalaki na nag-text kay Sheryl ng “Can I call you Babe?”

Kaya nag-away raw sila at nauwi sa hiwalayan, dahil iniwan na raw siya ng lalaki at umalis patungong Maynila. Narinig pa raw niya na nakatira itong lalaki malapit sa bahay ni Sheryl.

‘Di ba kay Susan Roces nakatira si Sheryl? Kaya siguro naman nakikita ni Manay Inday kung meron ngang bagong karelasyon itong pamangkin niya.

Nu’ng nakausap ko si Manay Inday sa pa-lunch ni Manay Ichu Maceda sa birthday ko, nagulat siya sa kuwentong ‘yun. Nasa Amerika pa raw si Sheryl at wala raw siyang nakikitang nakakasama itong lalaki o meron itong bagong karelasyon.

Kaya nu’ng lumabas sa Startalk ang interview sa babaeng ‘yun, parang nakakaduda dahil parang obvious namang dinadamay na lang si Sheryl sa away nilang mag-asawa.

Nakunan naman ng reaksiyon si Sheryl sa ibinibintang sa kanya nitong babaeng ito at sinasabi nga niyang walang katotohanan ang ibinibintang nito. Matagal na raw siyang hina-harass nitong babae sa text pero hindi raw niya pinapatulan. May pruweba raw siya dahil naka-save pa rin daw sa kanya ang mga text ng babaeng ‘yun. Bukod pa diyan, hindi naman daw asawa nitong Crix itong lalaki kundi naanakan lang daw niya.

Ayaw na nga raw niya sanang patulan ito, pero napilitan siyang magbigay ng kanyang panig dahil para raw ito sa kanyang Mama Inday na baka masaktan naman sa gulong ito.

Katatapos lang daw niyang naayos ang kanyang diborsiyo at ayaw raw niyang masangkot pa muli sa panibagong eskandalo.

Hindi kaya sobrang baliw na baliw lang itong babaeng ito sa dyowa niya at pati si Sheryl dinadamay? Naku ha!

NAKUNAN NG STARTALK ang mag-asawang Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos na nanood ng concert ng Apo Hiking Society sa Music Museum nu’ng kamakalawa ng gabi.

Ang laki na nga raw ng tiyan ni Juday at medyo malusog na ito, pero kitang-kita ang sobrang kaligayahan sa aktres.

Wala raw siyang pakialam kung tumaba siya dahil matagal na niyang hinihintay na mabuntis kaya okay na okay lang daw sa kanya.

Tuwang-tuwa nga raw silang mag-asawa nu’ng huling magpa-check-up si Juday dahil nakumpirma nilang baby boy ang dinadala nito.

Lalong na-excite tuloy ang mga sumusubaybay sa pagbubuntis ni Juday dahil ‘yun naman ang wish nilang lahat. May baby girl na nga kasi sila – si Yohan.

Kuwento ng mag-asawa, napaiyak daw si Yohan nang nalamang baby boy dahil girl pala ang gusto nito para may makalaro siya at mabihis-bihisan. Kaya sabi raw nito, pagkatapos manganak ng Mommy niya, gusto niya mabuntis agad at sana raw kambal naman. Natatawa na lang si Juday habang ikinukuwento ito sa Startalk.

Sa ngayon, wala pa raw silang napagkasunduang pangalan ng baby boy. Pero ang gusto raw sana nila, ‘yung makaluma ang pangalan. Sey naman ni Juday, baka halos kapareho raw ng pangalan ni Yohan para ma-feel daw talaga nito ang pagka-ate niya.

Ang gusto ni Ryan, konti lang ang kukuning ninong at ninang, pero sinabi na ni Judy Ann na isa na rito ang bestfriend niyang si Beth Tamayo. Hindi pa raw ito kasal, nagkasundo na raw sila na magiging ninang sila sa kanilang magiging anak. Kaya sinabi na raw niya ito kay Beth na hanggang ngayon ay wala pa rin dito sa bansa at tahimik pa rin pagkatapos nitong makipaghiwalay sa kanyang asawa.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

21 thoughts on “Sheryl Cruz, itinangging nang-agaw siya ng asawa!

  1. HIHIHIHI……SAYA SAYA SAYA!!!!!……..HINDI KO MASASABIHANG PANGIT SI LOVE IT KASI DI KO PA SIYA NAKIKITA PERO ACCORDING KAY GABBY MUKHANG BABOY SIYA HIHIHIHIHI..PERO THE WAY SA PAGSUSULAT MO LOVE IT….100 PERCENT AKONG BOBAH KA AT MABABA ANG IQ.NAMANA MO SIGURO SA MAGULANG MONG MGA LATAK ANG LAMAN NG BRAIN HIHIHIHIHI…..

  2. HIHIHIHI LOVE IT/BOBAH PIKON TALO.OKS NA PALINGKERA HUWAG LANG BOBAH AT AMPAW ANG UTAK HIHIHIHIHI…MALAS MO PINAGLIHI KA SA LATANG WALANG LAMAN.

  3. TANUNGIN KAYA anG IPONION NI KRIS ABOUT HAVING AN AFFAIR WITH MARRIED MEN. DI BA NANGGALING NA SIYA DUN. SHE CAN DESCRIBE TO US THE HOT, SIZZLING DETAILS. DI BA KRISSY? SIGURO MASARAP ANG MAY ASWA. NAKADALAWA KASI SI KRISSY. D BA KRISSY? WHAT HAPPENED TO YOUR STD? STILL ITCHY ONCE IN A WHILE? YUCKY!!!

  4. OA namang manlait eton damage face na eto, I somehow agree sa isang post na basura ang lumalabas sa bunganga ng palingkerang eto.

    napakalaki ng galit sa mundo, lahat na lang ginagago, tinatawag na boba, pangit at mabaho… siguro nakaharap sa salamin habang nagmumura…

    gumising ka sa katotohanan.. tapos na po ang kampanya at panay galit pa rin ang nasa kukuto mo..

  5. NAPAKAPANGIT SIGURO NG BRUHANG ASAWA NG GUY NA TAGA BACOLOD.MASYADONG INSECURED SA PAGMUMUKHA NIYA.GUSTO LANG MANIRA NG CELEBRITY.GAGAH! KA…BAKA KAYA KA INIWAN NG ASAWA MO KASING BOBA AT PANGIT AT BAHO MO NA SI “LOVE IT”
    BUTI NGA SA IYO.

  6. BOBAH MO TALAGA LOVE IT BAKIT MAY KATIBAYAN KA BA.SABAGAY SA ISANG TULAD MONG MAKITID ANG UTAK NA PINAGTATANGGOL SI WILLIE.MALI PAGPAPALAKI SA IYO NG MGA TIMAWA MONG MAGULANG.INGGIT KA LANG KAY SC .

  7. kawawa naman etong babaeng taga bacolod na inagawan ng lalake (daw) ni sheryl cruz. may kasabihan na kung may usok may apoy…

    kukuyugin ka ng mga paid reporters at mga galamay ng mga cruz sa showbiz para lang babaligtarin ang issue.

    kaya ikaw babaeng bacolod ingat ka sa mga revelation mo kailangang sa tamang tao at programa ka lumapit… bukod sa gagawin nilang issue at pagkakakitaan ng kanilang show sisirain ka lang nila…

    kawawa ka naman, alam mo naman ang mga yan CLEAN AS MR. CLEAN whiter than though.

Leave a Reply

Your email address will not be published.