Sheryl Cruz, inggit at mana ang dahilan ng pagkontra kay Sen. Grace Poe?

Sheryl-CruzMAY TSIKANG lumabas na inggit at mana raw sa pamilya ang itinuturong diumano’y dahilan kaya nagsasalita si Sheryl Cruz laban sa pinsan na si Senator Grace Poe. Tila mabigat daw diumano ang akusasyon kay Sheryl kaya inaabangan ang gagawing pagtatanggol ng actress sa sarili.

Hindi naman pinatulan ni Susan Roces ang mga pasabog ng kanyang pamangkin. Anak ni Rosemarie Sonora si Sheryl at kapatid ni Ms. Susan si Rosemarie na naninirahan na ngayon sa Tate. Ayon kay Ms Susan, opinion daw ni Sheryl ang mga pinagsasabi nito at wala siyang masasabi against her niece.

Samantalang inulit ni Sheryl na wala siyang masamang sinabi against Sen. Poe. Sariling opinion lang daw niya ‘yun, at sakop ng freedom of expression ang naging pahayag niya na hindi siya pabor kay Sen. Poe na tumakbong pangulo ng bansa sa 2016 election.

Nang makausap si Sheryl nina Karen Davila at Vic Lima sa radio program nila sa DZMM, wala siyang masamang intensiyon sa pag-e-express ng saloobin. Pagmamalaki pa ni Sheryl noon daw tumakbong senador si Poe noong 2013, halos siya (Sheryl) raw ang lumibot sa maraming lugar sa bansa bilang representative nito.

Sa isyu naman na ibinabato kay Sheryl na hindi ito bumalik ng bansa para dumalo sa burol ng namayapang ama na si Ricky Belmonte, alam daw ng father niya na kaya hindi siya makaalis ng America ay dahil sa personal reason at sa future ng apo nito. Mas gusto raw ng ama niya ‘yun.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

Previous articleAlDub fans, may pagka-ilusyonada
Next articleLea Salonga, pinagtulungang i-bash ng AlDub fans

No posts to display