Sheryl Cruz, ‘di naniniwalang kapatid niya ang pinsang si Sen. Grace Poe

Sheryl-CruzHANDA RAW magpa-DNA test ang singer/ actress/ businesswoman na si Sheryl Cruz para i-prove sa lahat na walang katotohanan ang tsikang kapatid niya sa ina ang kanyang pinsan na si Senator Grace Poe na ang yumaong presidente naman ng Pilipinas (former President Ferdinand Marcos) ang itinuturong ama ng senadora.
Ayon nga kay Sheryl, purely gossip ang nasabing balita. Mas pinaniniwalaan daw nito ang kanyang inang si Rosemarie Sonora at Tita Susan Roces na nagsasabing maling balita raw ang kumakalat.
Kilala raw nila ang kanilang pamiya at alam nila kung ano ang katotohanan. Black propaganda lang daw ito ng mga kalaban ni Sen. Grace para masira ang senadora, dahil nangunguna ito sa survey sa puwedeng umupo sa mataas na posisyon sa bansa.
100 % daw ang suporta nito sakaling tumakbo sa mas mataas na posisyon ang kanyang pinsan, dahil naniniwala raw ito sa layunin ni Sen. Grace na mas paunlarin pa ang ating bansa.

Joel-Cruz-his-TwinsJoel Cruz, kambal na lalaki naman ang magiging anak

HABANG TUMATAKBO ang araw, pasaya nang pasaya ang Lord of Scents na si Sir Joel Cruz, owner of Aficionado Germany Perfume at Joel Cruz Signatures dahil by October, magkakaroon na siya ng another babies and this time ay kambal na lalaki ang kanyang magiging supling.
Kaya naman magkakaroon na ng mga kapatid ang kanyang kambal na sina Prince at Princess. Balita pa ni Sir Joel, same mother daw ang bearer ng kanyang isisilang na kambal, kaya naman daw tunay na kapatid ito nina Prince and Princess.
By October daw manganganak ang nasabing babae, at by November naman ay iuuwi na ito ni Sir Joel sa Pilipinas.
Post nga ni Sir Joel sa kanyang Facebook Page: “Being Father to them is more than just Duty or Responsibility, it’s more on Passion.
“I am always passionate in showing my love to them, not only because I love them, but to show how thankful I am that God gave them to fullfil my dreams to be a father.”

ParangnormalParangNormal, mapanonood na sa TV5 ngayong July

NGAYONG JULY na mapanonood ang isa sa pinakabagong show ng TV5, ang ParangNormal na hatid ng Ideal First Company nina Direk Jun Lana at Direk Perci Intalan.
At ito’y pagbibidahan ng mga bagets na sina Ella Cruz, Paolo Santiago, Andrei Garcia, at Shaun Salvador. Ka-join din dito ang tatlong guwapitong sina Nico Nicolas, Jester Hernandez, at Joshua Joffe.
Kasama rin sa ParangNormal ang controversial na si Mystica, at sina Rubi Rubi at Ryan Yllana.  Mula ito sa direksiyon nina Perci Intalan, Jun Lana, at Ricky Rivero.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.