Sherilyn Reyes, inilalayo ang loob ng binatang anak sa ama nito?

Sherilyn-ReyesAYAW MAKIALAM ni Sherilyn Reyes sa papagandang showbiz career ng anak na si Reily Paolo na napapanood na sa Mira Bella ng ABS-CBN. Alam ni Sherilyn na hanggang ngayon, may mga intriga pa ring ibinabato sa kanya lalo nang sinabi raw ni Reily na hindi ito talaga close sa kanyang ama na si Junjun Santiago at sa buong pamilya ng mga Santiago.

May isyu pa raw na sinusulsulan diumano ni Sherilyn ang anak kaya naging malayo ang loob nito sa ama. Pero kaagad itong pinasinungalingan ng mahusay na character actress dahil mula raw noong maghiwalay sila ni Junjun, hindi siya nagkulang na pangaralan ang anak na si Reily tungkol sa kung ano ang dapat ang maging trato nito sa kanyang ama.

Katunayan, hanggang ngayon ay hindi raw siya nagkukulang sa kanyang anak na tatay niya si Junjun.

Sa pagkakalam ni Sherilyn, nag-uusap sa Facebook ang anak at si Junjun at wala siyang nakikitang problema sa ganoong sitwasyon.

Pakiusap ni Sherilyn, sana raw ay maintindihan ng lahat na kailangang bigyan ng panahon ang mag-ama na magkakilala at huwag lagyan ng kung anu-anong isyu ang sitwasyon ng mga ito.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.