Sheree, kinasuhan ang kasambahay – Gorgy’s Park

BUMALIK NA SA normal ang takbo ng buhay ni Cristine Reyes pagkatapos siyang masalanta ng bagyong Ondoy.

Nag-shooting na ito sa pang MMFF niyang Ang Darling Kong Aswang kung saan siya ang leading lady ni Vic Sotto.

Bago nga ito bumalik ng shooting ay tinanong pa ito ni Bossing Vic kung okay na ba siyang magtrabaho. Okay na okay naman daw siya kesa naman sa magmukmok siya at babalik lang daw sa alaala niya ang mapait na karanasan niya sa nakaraang bagyo.

Nag-rent lang ang M-Zet at Octoarts ng sasakyan para gamitin niya dahil nakikihiram lang ito sa sasakyan ng Ate Ara Mina niya.

Pansamantalang nakatira muna silang mag-ina at mga kapatid niya sa Ate Ara niya pero inaayos na ngayon ni Cristine ang nabili niyang townhouse sa may Quezon City.

Tamang-tama naman, isang araw bago sumalanta ang bagyong Ondoy, nagbigay na raw siya ng downpayment para sa bahay na iyun dahil balak talaga niyang magkaroon ng sariling bahay somewhere in Quezon City.

Pero hindi pa ito naaayos kaya iyun daw ang asikasuhin niya ngayon para makalipat na sila.

[ad#post-ad-box]

Hindi pa raw niya alam kung ano ang gagawin nila sa bahay nito sa Provident Village, Marikina dahil kung ibebenta niya ito, tiyak na wala naman daw bibili niyan. “Kahit nga siguro ipamigay ko pa iyan, walang kukuha,” natatawang pahayag ni Cristine.

Nagpapasalamat lang si Cristine dahil pagkatapos siyang isalba ni Richard Gutierrez sa bagyong iyun, ang dami nang nag-alok sa kanya ng tulong at sunud-sunod naman ang mga magagandang offers sa kanya.

“Parang sobra-sobra nga ang mga natanggap ko ngayon. Sa lahat na aspeto ng buhay binigay sa akin. Maganda ang career, sobra-sobra, pero pagdating sa ganitong pagsubok binigay rin sa akin, okay lang po iyun, mas grabe pa nga ang sa iba,”pahayag ng young actress.

Bukod sa Ang Darling Kong Aswang, may pelikulang pang malapit nang ipalabas si Cristine, ang Patient X kung saan si Richard Gutierrez naman ang katambal. Kaya wala na raw siyang mahihiling pa dahil naka-partner na niya si Richard, meron pa siyang Vic Sotto.

NAGSAMPA NG KASONG Qualified Theft ang singer/actress na si Sheree laban sa kasambahay niya dahil sa ninakawan daw ito ng cellphone, relo at ilang gamit worth 50 thousand pesos.

Isinampa ni Sheree ang kasong iyun sa QC Police District Crime Lab sa Kamuning, EDSA nu’ng nakaraang Biyernes pagkatapos siyang layasan nu’ng Huwebes.

Akala raw niya pupunta lang ito ng mall, pero nang tinawagan daw niya, sinabihan daw siyang hindi na ito babalik dahil sinundo na raw siya ng asawa niya.

Ang pagkakaalam daw niya, hiwalay na ito sa asawa pero ibinaba na raw ang telelpono at nang tinawagan niya uli dina-drop na nito.

Doon na raw siya nagduda at huli na niyang natuklasan na nawala na ang mga gamit niya kaya nataranta na ito.

Nagsampa ng kaso si Sheree at gusto niya itong iparating sa lahat para makapag-ingat ang kung sino mang tatanggap ng bagong kasambahay.

Mas mabuting kumuha na raw sa agency para malalaman ang background ng papasok na kasambahay.

By Gorgy’s Park

loading...

2 thoughts on “Sheree, kinasuhan ang kasambahay – Gorgy’s Park

Leave a Reply

Your email address will not be published.