Sheree, ayaw nang magpa-sexy!

NAKA-TSIKA KO RECENTLY ang sexy’ng Viva Hot Babe na si Sheree, na ‘misis’ naman ni Gian Magda-ngal. Kapansin-pansin nga ang very revealing outfit ni Sheree. At kaagad naman itong nagpaliwanag, na galing pala siya sa rehearsals niya para sa musical na “Rent” kaya ganoon ang ayos niya. ka-alternate pala siya ni Ciara Sotto sa role ng Mimi.

Ipinakita rin sa akin nito ang mga pasa niya sa braso at meron din daw sa paa. Dahil kina-career din niya ang pagpo-pole dancing para nga sa nasabing role. Na ‘yun daw isang taon o mahigit na pinag-aralan ni Ciara eh, isang araw niyang kinarir kaya nga sige siya ng kapa-practice nito, kesehodang magkapasa-pasa ang katawan niya.

Kaya tuwang-tuwa rin ang Sheree dahil may mga tumatawag na raw na stage actress sa kanya ngayon. So, ibig bang sabihin nito eh, tatalikuran na niya ang pagpapa-sexy niya?

“Parang mahihirapan ako, tita. The first time na nag-audition ako for “Rent”, hindi talaga ako tinanggap. Kaya nu’ng second time, I made it a point na ayos ang boses ko. Wala nang yosi, wala na ring inom. Kaya tuwang-tuwa ako nu’ng makuha ko ang part.”

Napanood daw siya ng ma-nager na si Arnold Vegafria at nang tanungin siya kung meron siyang manager at nasabi niyang wala, dahil tapos na ang kontrata niya sa Viva, kinuha na siya nito. Pero ang sabi nga raw ni ALV, maraming kailangang i-repackage sa kanya kaya hindi na siya p’wedeng makitang kung anu-anong super pa-sexy outfits ang nakikita kapag lumalabas siya.

Nang matikman naman ni Sheree ang disiplina sa entablado, nagustuhan niya raw ito talaga. Kaya karir na karir na sa kanya ang pagdalo sa rehearsals at pagdisiplina nang todo-todo sa sarili. In fact, may moments nga raw na ito ang pinag-aawayan nila ni Gian. Dahil ito ang mas nale-late sa kanilang dalawa. Pero hindi naman daw porke isa na siyang certified o legitimate stage actress sa panahong ito eh, kakalimutan na niya ang pag-arte sa harap ng camera-sa TV at sa pelikula. Maghahanap na lang daw sila ng mas mapaghamong mga roles ng kanyang bagong manager.

Ang sigurado raw na hindi na niya masasalangan eh, ang pagpo-pose sa mga sexy men’s magazines. Dati raw kasi eh, nag-offer na rin sa kanya ang isang sikat na men’s magazine (Hustler ba ito?) at tinanggihan na niya.

Hindi naman kaila na nai-pac-kage din bilang isang mahusay na singer si Sheree kaya nga siguro nang inayos niya ang disiplina sa sarili, nakita ng mga bumubuo sa musical na “Rent” ang potensiyal niya sa pagkanta. Magkakaroon na ba siya uli ng solo album niya? Dahil ang karamihan sa mga nagawa niya eh, kasama pa ang kapwa niya Viva Hot Babes.

“Eventually, tita. Natutuwa lang ako ngayon dahil nakikita ko na ang mga plans ni ALV for me. Dahil most of his talents nga raw ngayon eh, puro pambida, ako naman ‘yung isasalang niya for kontra-bida roles.”

Sa hitsura ni Sheree ngayon, hindi nga ito pagkakamalan na may three-year old baby na.

Tinutukso na nga namin ito na baka sa susunod na makita namin siya eh, naka-turtle neck na siya at very conservative na ang mga kasuotan.

“True, tita. Parang hindi ko ‘ata kaya. Eh, ngayon, galing ako ng rehearsal kaya may excuse ako na ganito ang suot ko. Sa mga susunod na days, ewan ko lang. Unti-unti siguro. Iniisip ko na lang na oo nga, stage actress na pala ako.”

In fairness, maganda ang review kay Sheree sa “Rent”!

The Pillar
by Pilar Mateo

loading...

6 thoughts on “Sheree, ayaw nang magpa-sexy!

  1. MAY PROBLEMA BA KEYBOARD MO AT PURO COMMA YANG COMMENT MO! IISANG TAO KA LANG NAG IIBA KA PA NG PANGALAN! STUPID!!!!

  2. hoy sheree,,mahiiya ka naman jan,,nanay kana mag popose ka pa sa magazine ng sexy,,ok lang wag sexy o revealing,,yung decent naman,,,saka ,,respeto naman kay gian noh,,,ano kaba,,ang swerte mo kay gian,,hes smart at proffesional na tao,,mahiya ka naman,,iwasan mo na ang yosi at alak,,,noon pa yun,,iba kana now,,,focus ka sa work mo at kilalanin nyo ni gian ang dyos,,para mapabuti kayo,,,yun lang,,

  3. oo nga,,mukhang mabuting tao at responsableng tao so gian,,gud influence si gian kay shree,,swerte ni sheree ha,,,im sure,,someday,,magpapakasla din sila,para sa anak din nila,,na mabigyan ng maayos na future anak nila,,,

    sana tuloy tuloy na pagiging stage actress nya,,love ko din sya at si JC PARKER,ANDREA DEL ROSARIO,,JULIANA PALERMO,,hardworking at focus tlaga si gian at sheree sa work kase nag iipon sila,,love themm

  4. WE LOVE SHEREE,,HER FACE IS PRETTY,,,DAPAT LANG IHA,,,INA AT IN RESPECT NAMAN KAY GIAN NA DECENT,GUD INFLUENCE,RESPONSABLE AT PROFFESIONAL NA TAO,,,ANG GUSTO KO SA KANILA NI GIAN AY HARDWORKING SILA AT TALAGANG TUTUOK SA WORK,PAG IIPON AT SA ANAK NILA,,BILANG RESPETO NAMAN SA ANAK NILA,,DAPAT LANG MAG KAROON NG DISIPLINA ANG ISANG INA GAYA NI SHEREE,,WAG NA,,TAPSO NA YUNG SEXY THING NA GANUN,,NAKASIAR NA NGA ANG GANUN DIBA,,LEST FACE IT NOW,,NANAY NA SYA,,ASAWA SUYA NI GIAN NA NAPAKA BUTING TAO,,SOMEDAY,,IKAKASAL SILA,,AT MAG RAISE NG MAAYOS NA FAMILY DIBA,,

    MAS OK S AKANYA ANG STAG ACTRESS O SINGER,,,DAPAT LANG MAGING RESPONSABLE,PROFFESIONAL,CLASSY,SMART AT ON TIME LAGI,,GUDLUCK AT MADAMING NATUTUWA KAY SHEREE SA PAGIGING MAAYOS NYANG INA AT TAO,,

  5. Pingback: Tweets that mention Sheree, ayaw nang magpa-sexy! | Pinoy Parazzi -- Topsy.com

Leave a Reply

Your email address will not be published.