Shell, itinanggi ang Oil Smuggling

ITINANGGI NG PILIPINAS Shell Petroleum Corporation (Shell) ang alegasyon hinggil sa smuggling ng petroleum products at ang ginawang panloloko umano sa gobyerno sa mahigit P24 bilyon na value added taxes.

Ayon sa naging pahayag ni Roberto S. Kanapi, Vice President for Communications ng Shell kahapon, hindi na-misclassify ang catalytic cracked gasoline (CCG) o light catalytic cracked gasoline (LCCG) bilang tetra-propylene para makaiwas sa pagbabayad ng buwis mula 2005 hanggang 2009.

Sa ilalim ng Section 48 ng National Internal Revenue Code (NIRC), ang tetra-propylene ay hindi kasama sa mga oil products na mayroong excise tax.

“Tetra-propylene catalytic cracked gasoline (CCG) or light catalytic cracked gasoline (LCCG) are blending components used to produce Clean Air Act compliant unleaded gasoline. As there is no customs classification (AHTN) code for CCG/LCCG under the Tariff and Customs Code of the Philippines, Shell used a comparable product tariff heading – 2710.11.30 (tetra-propylene) but the tariff description clearly states that the product is CCG/LCCG,” esplika ni Kanapi.

Naghain ang Bureau of Customs (BoC) sa Department of Justice (DoJ) ng kaso laban sa Shell.

Nakapaloob sa nasabing reklamo ng BoC na 52 import entries mula 2007 hanggang 2009 ang nagpapakita na intensiyon ng nabanggit na kumpanya ang misclassification ng kanilang shipments ng unleaded gasoline (catalytic cracked gasoline or CCG) bilang tetra-propylene sa ilalim ng Harmonized System (HS)Code.

Maliban sa intentional misclassification, inakusahan din ng BoC ng “misdeclaration” ang importation ng unleaded premium gasoline gaya ng CCG o light catalytic cracked gasoline (LCCG) mula Agosto 2005 hangang Disyembre 2009.

Ang misdeclaration ay dahil sa mga corresponding invoices na inilabas ng Shell International Eastern Trading Company, kasama rito ang iba pang dokumentong ibinigay ng mga shipping companies, kung saan inilarawan ang mga nasabing shipments na naglalaman ng unleaded premium gasoline.

Giit ng Shell na nagbabayad ang kumpanya ng tamang buwis at walang katotohanan na may kinalaman sila sa smuggling activities.

“Shell will continue to exhaust all available legal remedies for the immediate resolution of this important issue,” sabi pa ni Kanapi.

Pinoy Parazzi News Service

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.