Shell at Petron, nagbawas ng presyo ng LPG

KAPALIT NG OIL price hike, nagpairal naman ng rollback sa presyo ng produktong Liquefied Petroleum Gas (LPG) ang dalawa sa dambuhalang kumpanya ng langis simula kahapon ng umaga.

Ang Filipinas Shell at ang Petron Corporation ay nag-rollback ng halagang P0.40 sentimos kada kilo o katumbas ng P4.40 kada 11 kilograms ng LPG.

Tumanggi namang sumabay ang LPG Marketers Association (LPGMA) na nagsabing posibleng sa katapusan pa ng Enero o umpisa ng Pebrero sila magpapatupad ng rollback.

Sinabi ni Rep. Arnel Ty, LPGMA President na mas mababa pa rin umano ang kanilang mga produkto kum-para sa itinitinda ng Shell at Petron.

Ayon pa kay Rep. Ty, sa kasalukuyan umano ay nasa pagitan ng P680-P720 ang presyo ng kada 11-kilong tangke ng LPG ang ibinebenta ng kanilang mga miyembro kumpara sa P744 kada tangke ng Shell at Petron.

Ikinatuwiran nito na nakatakda pang bumaba ang presyo ng LPG sa international na merkado sa Pebrero, pero kung mapapaaga ito ngayong Enero, agad na nilang ipatutupad ang kanilang rollback sa katapusan ng buwan.

Ayon naman sa Shell at Petron, ang pagbabawas ng presyo sa LPG ay bunsod umano ng pagbaba ng presyo nito sa pandaigdigang merkado.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.