Sheena Halili, thankful na naranasan ang maging isang ina

OKEY LANG daw para kay Sheena Halili na ma-typecast siya sa mother roles dahil trabaho pa rin daw ito at malaki raw ang maitutulong nito para mag-mature siya kanyang craft. Hindi lang naman daw siya ang gumaganap na batang mommy, dahil in naman daw ito sa showbiz .

“Well wala namang masamang maging nanay, lahat naman tayo eh, hero natin ang mga nanay natin siyempre. Parang ako gusto ko rin ‘yun. In the future, gusto ko ring maging isang mabuting ina and I’m very, very thankful sa GMA and of course to God na ngayon pa lang pinaparanas na nila sa akin kung papa’no maging isang ina, kahit man lang sa soap na ito. Feeling ko naman kung bibigyan nila ako ulit ng Mother role, ibig sabihin good job, ibig sabihin good ‘yung ginawa ko at na-portray ko nang tama ‘yung pagiging Nanay Agnes ko.”

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.