Sheena Halili, naiinggit kina Jennylyn Mercado, Katrina Halili at Yasmien Kurdi

HINDI RAW maiwasang mainggit ni Sheena Halili sa kanyang mga co-Starstruck Batch 1 na sina Katrina Halili, Jennylyn Mercado at Yasmien Kurdi na pare-pareho nang may anak.

Tsika nga ni Sheena, “Dati hindi ako naiinggit, parang deadma lang. Parang okey, sige may baby na sila, ako wala pa. Hindi ako apektado, happy ako for them. Kasi, choice ‘yun at alam kong ready na sila, kasi gusto na nilang magka-baby.

“Pero ‘pag si Yasmien, nagpo-post siya ng picture ng baby niya, parang ang sarap halikan nu’ng anak niya, ang ganda-ganda tapos parang ambango-bango, alam mo ‘yung ganu’n. ‘Yun, hindi ko maiwasang mainggit, kasi ang cute-cute talaga ng baby niya.

“Ganu’n pa lang. Pero siyempre, hindi ko pa naman iniisip na magkaroon ng baby. Hindi naman agad-agad gusto mong meron na ‘yun, ‘di ba? Kumbaga nandu’n pa lang siguro ‘yung nahihiligan ko ‘yung bata.”

Pero gusto mo na ring magkaroon ng baby?

“Katulad ng sabi ko hindi naman agad-agad, mahirap namang magka-baby na wala ka pa ngang boyfriend o asawa, ‘di ba? Hahaha! Siguro muna, gusto ko munang magkaroon ng pamangkin, hindi naman baby na kaagad.”

“Ang problema pa, ako nga ‘yung panganay sa aming magkakapatid, tapos ako ‘yung walang karelasyon. Kailangan ko muna ng relationship, bago ‘yung baby,” pagtatapos ni Sheena.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

One thought on “Sheena Halili, naiinggit kina Jennylyn Mercado, Katrina Halili at Yasmien Kurdi

  1. Pingback: Sheena Halili, naiinggit kina Jennylyn Mercado, Katrina Halili at Yasmien KurdiLatest Showbiz Scandal | Latest Showbiz Scandal

Leave a Reply

Your email address will not be published.