Sheena Halili, Makakasira sa Career ni Rocco Nacino?

MAY BANTA SI Rocco Nacino sa mga nanliligaw kay Sheena Halili: “Subukan lang nila!” Pero hindi madiretsong aminin sa press ng binata na nanliligaw siya kay Sheena. Napabalitang nagpunta na ng tatlong beses sa Pampanga si Rocco para dalawin si Sheena sa bahay nito. Ayon sa source na nagkuwento sa amin, ayaw lang umamin ng dalawa dahil baka raw makasira sa nag-uumpisang career ni Rocco si Sheena.

Aljur Abrenica, Apektado sa mga Panlalait sa Kanya

Nakausap namin si Aljur Abrenica sa isang fashion show, kinumusta namin ang naging taping nila ni Kris Bernal na pumasok na nga sa Machete at nakapag-taping na nu’ng Lunes. Ayon kay Aljur, okey naman daw ang lahat at naging masaya at maayos ang unang taping nila ni Kris. Walang tensyon o inggitan na naganap sa kanyang mga leading ladies na sina Ryza Cenon at Bela Padilla.

Nabuhay raw ulit ang kanilang tambalan dahil sa katatapos lang ng Koreana, naitanong din namin mismo kay Aljur kung ano ang masasabi sa negatibong pagbatikos sa kanyang pag-arte. Aniya, “Nasasaktan din po ako, tao lang na nasasaktan, pero tinatanggap ko po nang buo ang mga criticism para ma-improve ko pa ang aking pag-arte. Hindi po natin talaga ma-please ang mga tao na gustuhin ako, pero gagawin ko ang lahat. Pinaghihirapan ko po ang lahat, sana hindi lang ‘yung hindi maganda ang nakikita nila.”

May Sabit NA Aktor, Madaling-Araw Nagsisimba Kasama ang Isang Batambatang Bebot!

BLIND ITEM: Naloka siguro ang mga taong nakakakita sa isang aktor na ito sa isang simbahan ala-una ng umaga, kung saan may kasama itong batang babae na sweet na sweet sa kanya.  Nagulat ang nagkuwento sa akin dahil ito raw si aktor ay may asawa at hindi pa hiwalay. Malamang hindi raw alam ng asawa nito ang ginagawa ni aktor, sana raw ay hindi sa harapan ng simbahan ginagawa ni aktor ang panloloko sa kanyang misis.

Parazzismiz
By Maica Tidila

loading...

One thought on “Sheena Halili, Makakasira sa Career ni Rocco Nacino?

  1. wag na nga nyong i link si sheena kay rocco,,e naiirita si sheena,..kase wala naman tlaga,,hindi rin daw plano ni rocco na ligawan si sheena sa ngayon kase nagsisimula palangh ito sa showbiz at bata pa na baka ikasira lang daw nila pareho ang lovelife,,,mas tutuok si rocco sa work at pag iipon,,may chance pa naman sya kase may star apil at ok syang umarte,,so,,saka na yang ligawan na yan,,bata pa sila,,focus na muna sa work,,ok,,,

    ok naman umarte si aljur diba,,,ang dami naman kaseng nega jan,,kala mo naman sinong magaling umarte,,i admit na hindi ganun kalakas ang machete dahil siguro sa pagkakamali ng gma7 na ilagay si bella padilla na walang apil sa tao,..e kahit pa ibinalik si kris ,wala din,,ulit ulit nalang sila,,mas ok sana nilagaya jan yung may dating at apil gaya ni GWEN ZAMORA AT NADINE SAMONTE,,diba,,mas bagay,,,fresh tandem pa,,mag isip kase mga stations,,ang tao ang makakapuna at makakakita kase,,

Leave a Reply

Your email address will not be published.