Sheena Halili at Jade Lopez, tag team sa pang-aapi kay Kris Bernal sa Impostora

Sheena Halili and Jade Lopez

NAKAKALOKA talaga ang staying power ng present GMA Afternoon Prime line up, huh! Kung sa kalabang istasyon ay suwerte na kung umabot ng seven months sa ere ang programa, sa Kapuso network ay tila mas malakas at mas loyal ang kanilang viewers sa hapon.

Tulad na lamang ng programang Impostora na pinagbibidahan ni Kris Bernal. She plays a dual role in this series na remake ng programa na pinagsaluhan nina Sunshine Dizon at Iza Calzado more than ten years ago. Ang original plan ay three months lang tatagal ang istorya nito dahil napakabilis ng pagbunyag ng tunay na katauhan ni Nimfa na nagpapanggap bilang si Rosette.

Medyo paikot-ikot na nga ang kuwento at ang latest ay ipinasok nila sina Sheena Halili at Jade Lopez, na kapwa graduates ng unang batch ng Starstruck.

Si Kris Bernal ang tinaguriang First Princess ng Starstruck Batch 4.

Rafael Rosell and Kris Bernal

Sa kuwento ngayong Linggo, mamamasukan bilang kasambahay sina Rafaela (Sheena Halili) at Danica (Jade Lopez). Hindi pa man lantarang ibinubunyag as we write this article ay halatang si Rafaela si Rosette (ang bad girl na ginagampanan din ni Kris Bernal). Halata kasi sa lipstick!

Atribidang kasambahay naman ang dating ng pagpasok ni Jade Lopez bilang Danica, na kasabwat pala ni Leo (Marc Abaya). Magpapanggap ito bilang katulong para makabawi kina Nimfa at Homer (Rafael Rosell).

In fairness kina Sheena at Jade, bagets na bagets pa rin ang aura nila. Mapagkakamalan mo na nasa early twenties pa lang sila kahit na sila’y in their early 30’s na. Ito nga ‘yata ang natural gift ng mga original Starstruck graduates – para silang lumaklak ng tubig mula sa fountain of youth!

Hindi kami sure kung hanggang kalian tatagal ang exposure nina Sheena at Jade sa Impostora. Lalo naman naming hindi alam kung aabutin ba ng Impostora ang tagal ng airtime ng Ika-6 na Utos kahit pa may mga programa nang naka-line up na dapat ay papalit sa current GMA Prime shows.

 

 

 

Showbiz Blogster
by Mica Rodriguez
Pinoy Fans Club

Related Post

loading...

2 thoughts on “Sheena Halili at Jade Lopez, tag team sa pang-aapi kay Kris Bernal sa Impostora

  1. Dapat si Jade na ang next na kontrabida na ibuildup ng 7 after Ryza. Parang Nadine Lustre lang si Sheena sa lips niya sa Impostora hahaha

Leave a Reply

Your email address will not be published.