Sheena Halili, itinangging naging sila ni Rocco Nacino

KEBER KUNG mother role ang papel na ginagampanan ni Sheena Halili sa family drama series na Binoy Henyo ng GMA-7. Katuwiran niya, “It’s a big challenge on my part playing mother role. Ang importante, magampanan ko nang tama ‘yung character na pino-portray ko. I’m already 26 years old at puwede na akong magkaanak na kasing edad ni Binoy. Marami nga ang nagsasabi sa akin na bakit ko tinanggap itong project. Maganda kasi ‘yung role, iba sa mga nagampanan ko na. Nakae-excite maging Nanay. Marami kang dapat matutunan kapag dumating ka na sa point na magkaroon ka ng sariling pamilya.”

Hindi raw sumagi sa isipan ni Sheena na mag-settle down dahil ang priority niya sa ngayon ay ang kanyang showbiz career. At least, na-experience daw nitong maging mother ng isang batang henyo. Katunayan nga, inamin ni Sheena na wala siyang boyfriend, saka na lang daw ang pakikipag-relasyon.

Ano na ang nangyari sa relationship nila ni Rocco Nacino na napabalitang naging dyowa niya? “Hindi naging kami, hindi ko siya naging boyfriend. Ayaw kong magsalita tungkol sa bagay na ‘yan. Siya na lang ang tanungin ninyo,” paiwas na sagot ng dalaga.

Mahilig pala sa mga bata itong si Sheena kaya’t nakuha agad niya ang loob ng batang si David Remo, introducing sa nasabing soap. Hindi siya nahirapang mag-adjust, magkasundo agad sila sa maraming bagay.

Hindi kaya ma-type cast ang dalaga sa ganitong klaseng role? “Nasa performance ‘yun, kailangang ma-experience mo ang iba’t ibang klaseng role na ibibigay sa ‘yo. Hindi ako naniniwala na kapag nag-mother role ka na ganu’n na palagi ang ibibigay nilang project sa ‘yo.”

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

One thought on “Sheena Halili, itinangging naging sila ni Rocco Nacino

Leave a Reply

Your email address will not be published.