Sheena Halili, ayaw nang ungkatin ang nakaraan nila ni Rocco Nacino

IKINAGULAT NG mga humahanga kay Sheena Halili pumayag itong maging nanay sa bagong serye ng GMA-7, ang Binoy Henyo na siyang ipapalit sa matatapos nang Home Sweet Home.

Katuwiran ni Sheena, wala naman daw masamang gumanap na nanay sa isang serye. Masarap daw ang maging nanay, tulad ng nanay niya na minahal at inalagaan siyang lumaking may takot sa Diyos.

Kaya nang alukin siyang gumanap na mother ay hindi na raw siya nagdalawang-isip at si Sheena pa raw ang nagtanong sa production staff kung sigurado ang mga ito na siya ang gaganap na mother sa serye.

Ask naman ang lovelife niya, pagkatapos ng break-up nila ni Rocco Nacino. Masaya naman daw at nakalimutan na ang malungkot na pangyayari sa kanyang buhay.

Ayaw na ni Sheena na ungkatin pa ang nakaraan nila ni Rocco. Mas gusto raw niya ang ex-boyfriend ang magsalita tungkol sa nangyari sa kanila.

Kahit naman daw nagkahiwalay na sila ni Rocco ay nagbabatian naman daw sila kapag nagkita, tulad nang maging guest sila nang sabay sa Bubble Gang.

Sa ngayon, gusto na raw niyang magka-baby. Pero sisigurihin niya na right guy ang magiging ama. Marami nga raw ang umaaligid pero nag-iingat na siya para ‘di na muling magkamali.

“Sinasabihan ko na ayoko ng laro. Dapat ay seryoso at dapat maramdaman ko na wagas ang pagmamahal,” say ni Sheena sa mga manliligaw niya ngayon.

Itinanggi lang ni Sheena na nanliligaw sa kanya si Dominic Roco na nakapareha niya sa natapos na serye ni Bong Revilla sa Kapuso Network.

“No! hindi ko nga alam kung nasaan siya (Dominic). Nagiging totoo lang naman ako sa sarili ko. Kapag gusto ko naman ang lalaki, kahit ano ka pa. Kapag gusto ka naman ng lalaki, ipu-pursue ka niya. Mahiyain lang talaga si Dom,” katuwiran ni Sheena.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.