Sheena Halili at Rochelle Pangilinan, itinangging may nagaganap na cold war!

NAKARATING NA sa magaling na batang komedyanang si Sheena Halili ang sagot ni Rochelle Pangilinan kaugnay sa sinasabing cold war sa kanila ng dancer-turned-actress, kung saan sinabi ni Rochelle na walang hidwaang nagaganap sa kanila ni Sheena at may mga tao lang talaga na gusto silang pag-awayin at gawan ng issue.

Idinagdag pa ni Rochelle na mabait na bata si Sheena at palabati sa kanyang co-actors sa set ng kanilang primetime show na Amaya, kaya naman daw malabong magkaroon ito ng kaaway lalo na siya, na nakakausap naman daw at nakakasama ni Sheena sa set.

Very thankful nga raw si Sheena kay Rochelle sa magagandang sinasabi nito sa kanya. Kahit nga raw si Sheena ay nagugulat sa lumalabas na issue kaugnay sa away raw nila ni Rochelle, dahil wala naman daw talagang away na nagaganap.

Aminado naman si Sheena na hindi sila ganu’n ka-close ni Rochelle, dahil hindi sila ang laging magka-eksena. Pero kapag dinner break daw nila, magkakasama sila sa iisang table at sabay sabay na kumakain at nagkukuwentuhan. Dito raw sila nagkakaroon ng pagkakataong magkausap at magkuwentuhan ng bagay bagay tungkol sa kanila.

Dagdag pa ni Sheena, sobrang bait ni Rochelle at mahusay makisama, kaya naman daw walang rason na mag-away sila. Bukod pa sa pareho raw silang babaeng bakla, kaya naman daw okey na okey sila sa isa’t isa. Kaya naman daw sa umiintriga sa kanilang dalawa, kung puwede raw ay tumigil na lalo na’t magpa-Pasko. ‘Yun na!

 

AYAW RAW problemahin ni Laguna Gov. ER Ejercito kung hindi man makapag-promote sa kanilang MMFF entry na Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story ang leading lady niya sa movie na si Carla Abellana at hindi sumakay ng kanilang float sa Parade of Stars on December 24.

Iniintindi na lang daw ni Gov. ER kung ano man ang real score sa hindi pagpo-promote ni Carla. Sila-sila na lang daw ng ibang cast ng said movie ang magti-triple effort para i-promote ang kanilang movie na usap-usapan na sa apat na sulok ng industriya.

Dahil sa mga nangyayari, hindi naman daw pinagsisisihan ni Gov. ER ang pagkuha kay Carla dahil bagay na bagay naman daw kasi talaga rito ang role na napunta rito bilang wife ni Asiong, bukod pa sa mahusay naman daw itong katrabaho. Ngayon na nga lang daw na promotion ng kanilang movie nagkaroon ng aberya.

 

MAY BAGO na namang Pinoy boyband ang dapat abangan ng mga teen Pinays na mahilig sa mga boybands, sila ang grupong Upgrade na binubuo nina Raymond Tay , JV Suzara, K-Cee Martinez, Armond Bernes, Ron Galang, Miggy San Pablo at  Rhem Enjavi.

Halos isang buwan pa lang since nabuo ang Upgrade, pero sunud-sunod na ang shows ng mga ito, kung saan regular na itong napapanood sa GMA-7 via Walang Tulugan with the Master Showman at nakapag-guest na rin ang mga ito sa Birthday/Fans Day ng tweenstar at PMPC 25th Star Awards for TV Best New Male TV Personality na si Teejay Marquez at sa TV5 show na JoJo A All The Way ni Jojo Alejar at sa Grand Coronation Night ng Campus Idol 2011 na ginanap sa Aliw Theater ng Meycauayan, Bulacan.

Habang ang ilang miyembro naman ng Upgrade like JV ay mapapanood sa GMA-7 show na Maynila kasama si Kris Bernal, samantalang ang isa pang miyembro nito na si K-Cee ay mapapanood naman sa TV5 afternoon soap na Valiente na mapapanood sa 2012.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.