Shawie, Aiai’s new bestfriend

SIGURADONG LALAGYAN NA naman ng ibang kulay ng mga press na nakaharap ni Ai Ai delas Alas sa presscon ng pelikula nila ni Megastar Sharon Cuneta na BFF (Best Friends Forever) ang pagbibiro nito na kung ‘friendship’ niya si Kris Aquino eh, mas best friend niya ngayon ang kanyang kasama sa trabaho.

Pero sabi naman ni Shawie, walang dapat na maging kaso dahil kahit na hindi naman sila personal pang nagkaroon ng bonding in the past ni Ai Ai, siya at ang kanyang pamilya, lalo na si Mommy Elaine eh, matagal nang tagahanga ni Ai Ai. At tuwi na nga lang may show ito noon, talagang suki na sila sa panonood sa naging Comedy Queen ng kanyang panahon. Ngayon na lang daw nila natuklasan na marami rin silang common interests. Ang pagkakaiba nga lang, ‘pag summer si Ai Ai, dahil okey na sa kanyan ang pamaypay kahit super init, aircon naman ang katapat ni Mega kaya siya ang winter.

“Kasi naman, ang pamilya ni Ate Shawie, para’ng mina ng mga alahas. Eh, noon pa panay na ang hingi ko ng alahas kay Mommy Elaine. Pati nga kay Tita Helen (Gamboa). Si Shawie, noon pa nabigyan na niya ako ng singsing at saka kuwintas. Eh, ‘di mas best friend ko siya. Joke!”

Halos maiyak nga sa katatawa si Mega sa mga bagay na tinuturan ni Ai Ai sa bawat tanong sa kanya sa nasabing presscon ng pelikula na showing na sa May 13 at may premiere night naman sa SM Megamall sa May 12.

May mga ilang eksena pa palang tinatapos si Direk Wenn Deramas. Pero so far, happy na sila sa mga natapos na nilang scenes. Nu’ng una raw, medyo kinabahan si Direk Wenn dahil first time niyang makakatrabaho si Mega kaya nga nilagyan niya ito ng mga sidekick in the persons of Chokoleit and Joy Viado, para mas maging at home sa pagko-comedy ang Megastar na may katagalan na rin namang nasalangan ang ganoong genre ng kanyang trabaho.

Dito kasi, sa trailer na napapanood na natin, naging willing si Mega na paglaruan sa script ang kanyang bilbil. Kung ang pinaglalaruan kay Ai Ai eh, ang baba niya, na sanay na tayong lahat, si Mega eh, ang katabaan niya ang kakatuwaan sa mga palitan nila ng salita ni Ai Ai.

Na-focus siyempre sa mga kuwento ng pagkakaibigan ang naging tanong sa dalawa, pati na kay Direk. At sa pagsasama ngang ito nina Ai Ai at Mega, masasabi na nakakita sila ng truest and ‘bestest’ friend sa isa’t isa.

Sa usapang political naman, noon pa naihayag ni Ai Ai na susuportahan niya sa kampanya nito ang Star for All Seasons at Batangas Governor na si Vilma Santos sa pagtakbo nito bilang Vice-President of the Land. Kaya kung sakaling kailanganin naman daw siya ni Senator Francis ‘Kiko’ Pangilinan, alam na raw ni Mega kung saan siya, pero puwede pa rin naman daw siyang magpa-unlak sa magiging imbitasyon ng mga ito kung sakali, basta raw hindi magsasabay sa isang lugar at oras ang dalawa.

Magaling talagang kaibigan si Ai Ai-dahil nang may magtanong sa kanya kung dadalo ba siya sa kasal nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo, naibuwelta agad nito sa mga nagtatanong ang kanyang sagot na patanong din. Wala pa raw siyang natatanggap na imbitasyon at siya na ang nagtanong kung kelan ba ito. Kung imbitahin man daw siya eh, pupunta siya at kung hindi naman eh, okay pa rin daw. Ipadadala na lang daw niya ang regalo niya. Na Maggi. Sabi naming meron na nu’n si Juday. 555 Carne Norte na lang daw. Meron na rin daw si Juday ini-endorse na ganu’n. O, sige raw, alahas na lang na hihingin niya kay Mega. Sabi namin, for sure, may gift from Mega dahil ‘magkapatid’ nga ang dalawa, ‘di ba?

The Pillar
by Pilar Mateo

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.