Sharon’s jewels, nothing compared with Mommy Elaine’s and Tita Helen’s

IDINADAAN LANG NI Ai Ai delas Alas sa biro ang pambubuko niyang mas maraming alahas si Mommy Elaine Cuneta at Helen Gamboa kaysa kay Megastar Saharon Cuneta. Pero, iyon ang nagdudumilat na katotohanan.

Walang binatbat kung ganu’n ang kumareng Lolit Solis na latest LV bag lang ang naharbat kay Mikaela Bilbao sa mini presscon na ginanapa sa Via Mare kailan lang, at ang barya-baryang datung na inaamot ng kaibigang Ernie Enrile via text message sa bawat kaibigan niyang big star na kinabibilangan lang naman nina Ai Ai, Megastar, Bossing Vic Sotto, at maging ang comebacking Jukebox King na si Victor Wood.

Isang lambing lang kay Mommy Elaine at huhubarin na niya ang suot-suot na binati ni Ai. Hindi naiiba ang mega daughter niya ‘pagkat minsang natuwa ito sa isang impersonator niya na nag-guest sa Sharon, hinubad din niya ang suot-suot na hikaw (balitang half a million pesoses, ‘ika nga ni Ogie Diaz) at pinakimkim sa bading.
Hindi marahil pahuhuli si Madam Helen na tiyak na ipadadala pa kay Ai Ai ang isa sa mga dyulahas na binati ng Comedy Queen nang mag-guest ito sa ASAP noong Linggo para sa promo ng BFF (Best Friends Forever).

Ang malaking kaibahan lang ni kumareng Lolit kina Ai at Ernie, isine-share niya ang kanyang “nahaharbat” sa mga kaibigan. Minumultahan pa niya kapag na-late sa presscon ang hinihintay na mga inimbitahang movie press. Again, this happened in the case of Mikaela ng Philosophy Beauty Center.

Only in the Philippines nangyayari ito. Secret noong una, pero, open na lately. Take the case of Gretchen Barretto na kinantiyawang magpa-raffle ng anumang suot sa katawan noong presscon niya ng You and Me Against the World ng ABC 5. Isang Oscar dela Renta shoes na nagkakahalaga raw ng P35 thou ang hinubad niya at umuwi siyang nakapaa na lamang. A few weeks later, sa Complicated album launching, dalawang Bulgari rings naman ang kanyang hinubad sa daliri at ipinamigay lang kay Aster Amoyo at suwerteng sa inyong lingkod din.

Totoo pa rin ang sinasabi ni Ai na “dahil mahal niya si Ernie” kaya niya ito ginagawa. Mahal din siya nina Mommy Elaine, Helen at Megastar kung bakit hindi na niya kailangan pang bumili ng mga mamahaling alahas.

As I’ve said, nagkabukingan lang sa presscon ng BFF kaya ito nabanggit. Pero, more than these stories ay ang mga nakababagbag-damdaming kuwento na basta hindi na lamang nasusulat. Mga tanda ng pagmamahalang nagaganap sa showbiz. Tulad na lamang nang magkasakit ang kaibigang Archie de Calma. Sa dami ng kanyang tineks noong muntik na siyang mabulag (dahi sa cataract), hindi inaasahan ang pagdamay ng isang Dawn Zulueta. Hindi lamang nito ginastusan ang pagpapa-opera niya, kundi binantayan pa siya nito sa hospital, with matching special nurse kapag wala siya.

As I’ve said, only in the Philipines yata nagaganap ito. Hindi magtataka ang BULLCHIT kung mas marami pa tayong masasagap na mga kuwentong tulad nito paglabas ng column na ito. Marami rin ang malulungkot na istorya, pero dito na muna tayo sa masasaya, at mga birong totong-totoo pala.

BULL Chit!
by Chit Ramos

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.