Sharon, natatawa sa sex video ni KC!

Special guest si Sharon Cuneta sa pelikulang OMG o Oh My Girl nina Judy Ann Santos at Ogie Alcasid sa Regal Films.

Matagal na palang nangako si Sharon na magi-guest siya pero hindi ito alam ni Mother Lily Monteverde, kaya nasorpresa ito nang nakumpirmang aapir nga ang megastar sa pelikulang ito.

Bago nag-shooting si Sharon sa OMG, nakumpirma na rin nilang tuloy na ang pelikulang Mano Po 6 (My Mother) ng Regal na pagbibidahan ni Sharon.

Kaya dobleng tuwa si Mother dahil finally natuloy na rin ang paggawa ni Sharon ng pelikula sa Regal.

Pawang papuri ang maririnig n’yo sa kanilang dalawa kaya sana hindi makagproblema at magiging maayos ang pelikulang ito hanggang sa showing nito sa darating na Metro Manila Film Festival.

Nang dinalaw namin si Sharon sa shooting nitong OMG, game naman siyang sagutin ang lahat ng isyu kaya hindi kami nag-atubiling itanong ang tungkol sa pagkadamay ng anak niyang si KC Concepcion sa Dr. Hayden Kho’s sex video.

Mariing pinabulaanan ito ng megastar. “Definitely, it’s not true at wala pong sex video. Hindi na nga namin pinag-uusapan ‘yun ni KC dahil natatawa na lang kami!” Pahayag ng aktres.

“Hindi naman kasi totoo kaya bakit naman kami papaapekto?” Patuloy nito. Alam naman daw niyang pagdaraanan ni KC ang mga ganitong intriga kaya natutuwa naman daw siya dahil nakikita niyang kayang harapin ito ng anak niya.

At least nilinaw na ito ni Sharon at wala namang nakapagpatunay na totoo ito at marami naman ang naniniwalang hindi totoo isyung sex video.

BAGO NAGSIMULA ANG story conference ng Darna ni Marian Rivera, may narinig pa kaming hindi na raw si Iwa Moto ang Valentina kundi si Cristine Reyes na.

Mukhang maayos daw kasi ang problema nito sa ABS-CBN 2 at baka matuloy na ang paglipat niya sa GMA 7. Pero hindi naman ito nangyari at si Iwa na nga ang gaganap na Valentina.

Pero ang isa pang exciting sa bagong fantaseryeng ito ay ang pagsasama muli ng dating magsyotang Paolo Contis at Isabel Oli. Wala si Isabel sa storycon dahil nasa Singapore pa ito, pero mukhang okay naman kay Paolo na magkasama sila dahil trabaho lang naman daw ‘yun at noon pa man sinasabi na ng aktor na gusto niyang mabalik ang dating friendship nila ni Isabel.

Lahat naman ng mga ex-girlfriend ni Paolo ay naging kaibigan niya kaya baka puwede rin ang sa kanila ni Isabel. Hindi naman daw ito ikari-react ni Lian Paz.

Kung kailan okey na ang working habit ni Janno Gibbs, saka naman siya naintrigang laging cause of delay raw ito sa taping ng Power of 10.

Mismong ang staff ng naturang game show ang nagsasabing unfair kay Janno na intrigahin ng ganu’n. Mabilis na nga raw sila ngayon dahil hindi naman mabagal magbihis si Janno. Higit sa lahat, hindi na ito nali-late ng dating kaya huwag naman daw itong intrigahin dahil very smooth ang takbo ng taping nila sa Power of 10, na napapanood tuwing Linggo pagkatapos ng Kap’s Amazing stories.

loading...

6 thoughts on “Sharon, natatawa sa sex video ni KC!

  1. Marian@2ako, si Ogurat ka ano? Moderator, Si Ogurat, ginagamit ang Marian@2ako para sa comments niya. Paki delete. Ogurat, wala ka talagang magawang mabuti. Kaluluwa mo sinusunog na. Lahi ka nang mga unggoy.

  2. pinagtatanggol syempre ng nanay ang anak…, pero wag palabasin ni sharon na napaka anghel at inosente ni kc….dba nga lumabas ang mga pics niya na kasama yung bf niyang french na nag kiss sila…..sus….malay ba natin sa ginagawa niyan sa loob ng kwarto…..malandi naman c kc noh.

    • panu mo naman nasabing malandi si kc??? magkakilala ba kayo??? pag nag kiss ba malandi na??? sus naman..ang kitid mo naman pare!!!

  3. HUWAG KANG LAGING NANANAKOT NA MANANAMPAL KA PAG NAKANTI ANG ANAK MO. BAKA IKAW ANG BIGLANG SAMPALIN. ANO ANG IBIG MONG SABIHIN NA PINALAKI MO NANG MAAYOS ANG ANAK MO? SI MARICAR BA HINDI LUMAKING MAAYOS? NAKATAPOS SIYA NANG MEDISINA. NAGMAHAL LANG AT NILOKO. NA VIDEO SIYA NANG HINDI ALAM. SUWERTE NI KC, WALANG VIDEO. SIGURO HINDI MAHILIG SA VIDEO ANG BOYFRIEND NIYA SA FRANCE.

  4. nakaka unga ang katabaan ng mega star, parang nakikita ko ang nanay nyang si elaine cuneta, sharon na sharon ang katawan, nakakauyam . sabagay sinabi naman nya na mahilig talaga sya kumain at ang favorite nya ay lechon kawali at ice cream omg! hindi malayong mambabae si kiko.

Leave a Reply

Your email address will not be published.