Sharon Cuneta, wala nang dahilan para manatili pang Kapamilya?!

MUKHANG MAY BAHID na nga ng katotohanan ang paglisan ni Sharon Cuneta sa ABS-CBN, at tuluyan na itong mag-o-ober da bakod sa TV5, in the months to come. Sa mga nababasa at nababalitaan natin within the showbiz circle, tatlo ang lumalabas na dahilan:

Una, hindi na raw magkakaroon ng Season 2 ang talent show na Star Power na hino-host ng megastar, kunsaan grand winner last season si Angeline Quinto. Usually, may pinag-uusapang follow up contract for the next season, pero tila wala na nga dahil nagte-taping na ang panibagong talent show na kapalit ng Star Power.

Ikalawa, as we go to press, chikang hindi raw mahagilap si Sharon for the taping ng Christmas Station I.D. ng Kapamilya Network, at hindi raw makapagbigay ng schedule ang handlers nito, na incidentally ay ka-tandem na ni Sandra Chavez (personal manager) si Boss Vic del Rosario ng Viva na siya namang new business manager ni Shawie.

Identified si Boss Vic sa Singko, bilang “gold mine” ng Kapatid network ang Wil Time Big Time na co-producer ng Viva TV ang said network.

Ikatlo, may chikang sa January 6, 2012, birthday raw ni Sharon, ay may niluluto nang special birthday concert/ show ang TV5 sa Smart Araneta Coliseum. Alam rin ng publiko na kamakailan lang ay nabili na ng TV5 big boss na si Manny V. Pangilinan ang “naming rights” at malaking share ng Big Dome, kung kaya’t it’s now known as Smart Araneta Coliseum, with Smart na pagmamay-ari rin ni MVP.

On the other hand, sa recent interviews naman ni Sharon ay wala itong kinumpirma o dinenay sa paglipat niya sa Singko. Playing safe?

Ang tatapusin lang ni Sharon ay ang pelikula niyang Call Center, na part ng old contract niya with Star Cinema, ABS-CBN’s film arm.

Malamang na matulad ang Sharon case kay Aga Muhlach na kinailangan lang tapusin muna ni Aga noon ang movie niya with Angel Locsin sa Star Cinema, bago nag-confirm ang TV5 management na nakapirma na ang aktor sa kanila – kahit matagal nang “done deal” ang said transfer.

Kung ‘di talaga natin mapapanood sa Christmas I.D. ng Dos si Sharon, mukhang tumpak ang source namin about a month ago na kasado na ang public service-type of TV show nito sa TV5, kasama si former President Joseph Estrada, as we wrote this “scoop” here sa Mellow Thoughts – unless magbago ang plano ng istasyon.

 

NASA BANSA NGAYON ang American independent actor na si DJ Perry upang i-promote ang kanyang first movie na ginawa sa Pilipinas, ang Darkest Night na dinirek naman ng isang Pinoy, si Direk Noel Tan. Dumating ang aktor sa Pilipinas last November 2, from USA.

Ilan sa movies na nagawa ni DJ Perry ay ang The 8th Plague (2006), Ghost Town: The Movie (2007), G.P.S (2007), at ibang popular horror flicks sa Amerika.

Ang gothic film na ito, written and produced by Russ Williams, na isa ring Amerikano (pero based na sa Malaysia), ay ginawa ni DJ sa Pampanga (last summer), with Anne Gauthier, isang pretty French-Filipina new actress na very promising sa showbiz, although she’s starting pa lang matutong mag-Tagalog.

Ang Darkest Night ay tungkol sa isang pamil-yang nagbakasyon sa Sagada, at magiging isang misteryo ang isa-isa nilang pagkamatay towards the creepy story.

Ang ibang Pinoy stage and screen actors na kasama sa cast ay sina Issa Litton, Nic Campos, Marife Necesito, Jill Palencia, James Lomahan, Kevin Vitug, Allan Dale Mancebo, Zeny Sevilla, and Jonas Gruet, with Malaysian actor Justin Hoong Fai Chan.

Inaayos na ang invitational premiere night ng nasabing pelikula ngayong buwan, habang nasa bansa si DJ Perry.

Mellow Thoughts
by Mell Navarro

loading...

27 thoughts on “Sharon Cuneta, wala nang dahilan para manatili pang Kapamilya?!

  1. @Cricket y Critic – IKAW NA LANG DAW MAG RETIRE SABI NI ATE SHAWIE. MAG RETIRE KA NA DAW SA PAGNANAKAW AT PANLOLOKO NG MGA FOREIGNER NA MABANTOT SA LUNETA. IKAW DAW ANG SUPER LAOS KASI MINSAN KA NA DAW INAYAWAN NG ISANG 85Y/O NA BUMBAY. ITIGIL MO NA ANG FLESH TRADE PLS MAAWA KA SA DEPARTMENT OF TOURISM…………HAHAHAHAHA

  2. dapat kay Sharon magretire na ,napakadami na nyang pera ,she should accept na super LAOS na sya  ,magalaga na lang sya ng mga anak magtravel with her family and just enyoy a private normal life ,hwag na syang maging swapang sa pera dahil sa dami ng pera nya hindi na nila kayang gAstusin yon and she’s almost 50 ,bata pa sya  nagtratrabaho na.Sharon mag enjoy ka na lang ng buhay mo bat ka pa magpastress sa showbiz.Just spend time with your family malilit pa mga other kids mo and they need u at home!it’s about time 4u to RETIRE!!!!!

  3. Eh tlga naman boring n c shawie no bkti b d nyo nlng tanggpin.lht nlng ng mag guest s show favorite ko to idol ko to gggrrrrrrr…sobrng magpacute.ang alm ko ang cute maliit pro pg gnyn kalaki ke shawie,acute!wihihihi ung signature smile nya n nwawala ang mata at ung laugh nya n halos lumamon ng buhay.nkakastress hhahahha.ibahin nmn pwede n s teleserye c galing xa umarte eh..pro d xa magaling pg nagiinarte

  4. sharon is sharon period! she has nothing to prove! ubusin nyo man ang labada ng buong pilipinas! di nyo kaya pantayan ang yaman nya mga hunghang! dapat lang talaga na umalis na cya jan sa wlang kwentang Ch2 sa totoo lng nman mas marami pang viwers ang kasambahay netowrk sa inyo mga animal!

  5. kung maka emote sa paninira ang iba d2 obvious nman na mga staff lng kayo sa Channel 2 hakhak ang ABS may sariling call center na walang ginawa kundi mag participate sa mga social network at online discussion like this at ipag tanggol ang mga talents nilang kung hindi BAKLAng nagpupumilit magpakalalaki sa TV ay mga putaching at lasenggo gosh! sino mas nakakatawa di ba kayo! pa world class world class pa kayo eh un 100 Days (este 1000 days pala!) un lang nag rrate sa inyo lahat ng shows nyo nilalamon ng buhay! admit it mga kapamuks!

  6. kung tatanggapin ni sharon ang offer sa tv5, lumalabas lamang na mukhang pera sya at hindi nya iniisip ang longevity sa showbiz BUT sharon already established her career. anong sense ng sinabi ko? hahaha. wala lang. PERO!! kung tatanggapin nga ni sharon ang offer sa tv5, goodbye na ang career nya! laos na sya ng tuluyan! wlang wala na sya! hahaha

  7. Iyang si Vic del Rosario na yan ang salot nang ABS-CBN! Bakit ba palaging nakikipagpartner ang Star Cinema sa Viva eh traydor yan!

  8. tama kay dyan si sharon di na bagay mag pa cute at may idad na cya. iba na ang panahon ngayon mag teleserye na lang cya at maging nanay par bumagay ang role sa kanya . pero pag hosting ibigay na natin kay kris aquino yan dahil iba talaga cya very spontaneous. c kris sa hosting pero ikaw sharon magteleserye ka na lang

  9. MAY TAMA KA GANDARA PARK. BAGUHIN NA KASI NI SHARON ANG PA CUTE CUTE NYA SA TV NAKAKASAWA NA. KAHIT NOONG MAY SUNDAY SHOW SYA HINDI KO NAGUSTUHAN YUN. KAHIT KAPAMILYA AKO, AYOKO NA TALAGANG PANOORIN SI SHAWIE. NAKAKAIRITA NA YUNG PAGKANTA NYA NA PARANG KINAKAPOS NG HANGIN AT LUMALABAS NA SA ILONG NYA YUNG BOSES NYA. WELL, KUNG AALIS SYA SA DOS, OK LANG HINDI NAMAN SYA KAWALAN EH. AS IN LAOS NA SI SHAWIE LALO NA KUNG HINDI NYA BABAGUHIN KAARTEHAN NYA.!!!!!

  10. @ Gandara Park

    korek! teleserye kasi ang labanan ngayon, kailangan na ni sharon makipag sabayan. kailangan nyang gumawa nang series na pang masa talaga. she can play mother roles like lorna tolentino, huwag nang mapili sa roles, basta huwag kang lumipat kung ayaw mo sharon na malaos katulad nang mga starlets sa TV5 at lalong lalo na sa GMA! bwahahaha!

  11. Kung bet ni Sharon na bumalik ang kinang nya, mag teleserye sya..show her prowess..that’s where she’s good at

  12. Sorry sa mga fans ni Sharon pero sa tingin ko kasi parang boring na kasi tingnan si Sharon sa mga hosting nya kasi ang taba at pareho lang palagi ang style ng hosting nya at sobra makabungisngis or tumawa sa show nya maski hindi naman super funny, kaya tuloy mukhang trying hard ang kalabasan. At bawasan din sana ni Sharon na sabihin na favorite ko itong taong ito or idol kita doon sa mga guests nya. Sino na lang ba ang hindi nya idol or favorite. Halos lahat favorite or idol na lang. Ang gawin ni Sharon ay yong singing ang gawan nya ng pansin or di ba she should do a good teleserye once in a while kasi puro Sharon Sunday Variety Show na lang, nakakaboring na rin lalo nat mga guests, palaging the same na lang. Sana may bago siyang show na may wow factor at excitement. Or di ba magshow silang dalawa ni KC na iba, yong lumabas sa studio at maglakad sa ibat ibang lugar, mag interview sa mas mga importanteng bagay para naman mabawasan yong timbang ni Shawie. Peace Sharonians, hehehehe.

  13. Ang katotohanan–aandap ang kinang ng artista pag umalis sa DOS. Malaki nga offer sa TV5-may nanonood ba? hahaha

    Kahit itanong nyo pa kina Claud, Jolina, Aga at kung sino pang mga has-beens na..

  14. Dami talaga ng pera ni MVP, kung sabagay, sa bawat text natin e piso ang katumbas, milyon milyon na text ang nagyayari araw araw kaya walang kalugihan tong si MVP.

  15. ay naku ang istayon ng mga laos….ok lang don ka na tutal osla ka na rin! hahahhahah!!!

    feeling nitong tabatsing nato sikat pa sya…kung maka demand..pareho kayo ng anak mo…pa cute! pasalamat lang si kc naging anak nyo ni gabby kung hindi ay naku….di rin nya pagta tyagaan ng ABS noh..daming talents ng dos na naka tengga pero yang kc mo special treatment.

  16. I DON’T THINK SO SHARON, huwag ka makinig sa mukhang perang bago mong manager na si vic del rosario! tingnan mo ang mga career nang viva artists outside kapamilya station. halos LAOS ang mga status! rachelle ann go, mark bautista, etc.? where are they, halos biglang naglaho but with anne, christine, vice, no doubt they’re the hottest stars now.

    are you listening marian GURANG? sorry shebieshit! bwahahaha!

  17. ok lang yan kasi established na naman si mega…still megastar of showbusiness…wala nang dapat pang patunayan dahil napatunayan nya na na sya lang naman ang undisputed BOX OFFICE QUEEN as in isa na lang para tanghaling HALL OF FAME BOX OFFICE QUEEN…plus effective endorser!!! go mega…kung san ka masaya…go!!!

  18. Sharon is no longer that relevant in the movie industry as she did not mature as host and as an actress as proven by her previous three shows. Walang dating ang kanyang paghuhost at pati pag arte ,walan latoy. She should concentrate on her singing career, making albums and mounting a concert in the PH and abroad.

  19. patawa ka mavereck….ano sa tingin mo tinatapon ang pera ni mvp inggit lang kayo kasi mayaman c mvp…..sa totoo lang ang laki ng kita sa tv5 ng show ni wellie..yan nga cya hinahabol sa abs cbn..sa totoo lang ang wowowee lang ang malaking kita sa show ng abscbn…bobobob

  20. Salamat na lang kay Manny Pangilinan dahil sa wala siyang sawang
    magtapon ng pera sa kanyang istasyon.
    Magkano na kaya ang nalulugi ke MVP? Mahusay na businessman
    siya pero by next year at iilang shows pa rin ang nagre-rate eh di kaya
    mapag-isipan niya na ang ibang pinagkakakitaan niya eh kumikita
    maliban sa tv network niya eh ipasara na lang niya para ang perang
    kinita niya sa smart, pldt, meralco, cignal, etc, eh hindi mapapunta lamang
    ke willieng hambog.
    Mamaya niyan, mas mayaman pa si willing hambog kesa ke MVP!
    bwahahahahahahaha….
    Huwag tayong magtaka kung balang araw magmahal lalo ang kuryente,
    singil sa pldt, smart at cignal. At pagka nagkataon eh maraming empleyado
    ni MVP ang mawawalan ng trabaho lalo na ung maliliit na tao dahil lamang
    sa kasakiman sa pera ng mga talents niya sa network!

  21. Naku okey lang na lumipat si sharon sa tv5/ Laos na si tabachingching. yung sinasabi mo na show na kasama pa si erap, hay naku lalong malalaos si sharon diyan. isa pa ay wala namang nanonood sa istasyon na ito dahil nega ang dating dahil sa mga sumusunod; cristy fermin, revillame shalala!!!

  22. Okay lang kung lumipat na si Sharon kasi di na ganun kalakas ang hatak niya sa tv viewers. Nag-stagnate na ang hosting style niya. Siguro she needs a change in her tv career path. Syempre, ang big risk ay kung mas bobongga ba ang tv career niya sa Singko knowing na laging olats ang mga shows ng TV5 pagdating sa ratings war. Anyways, established na naman si Shawie as an actress & singer kaya di naman masyadong maaapektuhan ang kinang niya. Yun nga lang goodbye na rin sa Star Magic-like glossy movies and TFC-affiliated overseas concerts. Malaking good luck sa kanila ni Boss Vic.

    Pero syempre, teka, baka lahat ng publicity na ito ay katulad ng kina Sarah Geronimo, Anne Curits, Cristine Reyes na after all the brouhaha eh pumirma lang pala uli sa ABS-CBN. So, let’s not believe everything that we read & just wait.

Leave a Reply

Your email address will not be published.