Sharon Cuneta, personal na kinausap ni Aga Muhlach para magkaayos

SUCCESSFUL ANG HOME entertaining line ni Sharon Cuneta, ang Celebration by Sharon her own brand of cookware, bakeware, culinary herbs and kitchen appliances. Dinagsa ng mamimili ang nasabing line ng Megastar sa iba’t ibang branches ng SM before Christmas.

Personal naming na-interview si Sharon, ibinalita niyang nagkaayos na sila ni Aga Muhlach. “Yes, nagpunta siya sa bahay namin sa Wack-Wack Village, nagkausap na kami. At thankful ako sa effort niya and I know, balik na uli ang friendship namin. ‘Yun nga lamang, dahil pareho kaming very busy, hindi na rin ganoon kadalas mag-keep in touch. What’s important, nagkaayos na kami. After a week na nangyari ‘yon, may bago na akong mundo, may peace of mind na ako.”

After Star Power grand finals, iho-host naman ni Sharon ang Pinoy Big Losers this year.” “Hopefully, by that time, okey na rin ang weight ko kaya talagang tuluy-tuloy na ang pagda-diet ko. But it doesn’t mean naman na ang diet ko, hindi na ako kakain, ayaw ko rin naman magkasakit.”

Naikuwento ni Fanny Serrano na sa bago niyang salon near ABS-CBN magkakaroon ng maliit na bake shop corner si Sharon for friends. Seryoso na kaya ang Megastar sa bago niyang propesyon? Tuluyan na kayang iiwanan ang acting at singing? “Naku. Hindi, hindi ko titigilan ang acting at pagkanta. Parang passion ko lang ang baking, masaya ako kapag nagbi-bake for my family and my friends. Matapos maihanda ng mga kasama ko sa bahay ang mga ingredients, ako na lamang mag-isa sa kitchen. Tatawagin ko na lang sila kapag ilalagay na sa oven. Kahit ang frosting ng cake, ako lamang mag-isa ang nagtitimpla, makikita na lamang nilang may icing na ang cake.

“Hindi naman talaga ako magtatayo ng bake shop. Si TF, Tita Fanny kasi, lumipat na ng beauty shop sa Scout Madrinan. Actually, property ko ‘yun. Gusto niyang maglagay ng coffe shop doon, but we will sell only by the slice ng cake. Someday siguro with friends matuloy ang balak kong magtayo ng bake shop.”

Ayon kay Sharon, isang farm ang Christmas gift na gusto niyang matanggap sa asawang si Senator Kiko Pangilinan. “May tiningnan na ako sa Nueva Ecija pero may nakabili na yata. May nakita kami sa Lipa City, kay Ate Vi, Vilma Santos, pinag-iipunan pa namin.”

THE LORD OF Scents and Celebrity Duets season two grand winner Joel Cruz opens 2011 with a big and unforgettable show entitled 1@11 on January 08 at SM Mall of Asia Concert Grounds. Ipi- feature at ilu-launch ng event ang newest endorsers ng Aficionado Germany Perfumes at Joel Signatures na sina International Singing Sensation Charice, John Lloyd Cruz at Mr. Pure Energy Gary Valenciano.

Mayroon tatlong patented variants ang scents ni Charice na ginawa especially for her namely “Charice Perfume for Women,” “Charice Unisex Perfume,” at isang men’s cologne. Sia Gary V. ay may dalawang aptly called “Gary Valenciano for Aficionado” both for men and women.

The show will feature Charice and Gary V. together for the very first time sa isang huge musical event in a big venue. Ang pop/rock band na Kamikaze will power the house after the fashion show and the main concert event nina Charice at Gary V. Over-all event direction is by Roxanne Lapus and si Robby Carmona ang director ng special fashion show segment ng event.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

2 thoughts on “Sharon Cuneta, personal na kinausap ni Aga Muhlach para magkaayos

    • I think sa katawan sa pamilya nina Sharon, ganuun talaga ang build nila, tabain, kasi tingnan mo si KC, malaki ang katawan niya at ang Mommy Elaine din ni Sharon ganoon din at ang asawa ni Tito na si Helen Gamboa na kapatid ni Mommy ni Sharon, tabain din.

Leave a Reply

Your email address will not be published.