Sharon Cuneta, payag nang malitratuhan silang magkasama ni Gabby Concepcion – Chit Ramos

COME TO THINK of it, naka-apat na Christine/Kristine pala si Bossing Vic Sotto. Jacob, Floirendo, Hermosa at most recently, Reyes na katambal niya sa Ang Darling Kong Aswang, isa sa malalakas na MMFF entry this Christmas.

Nagulat si Bossing nang banggitin ito ng isang beteranang movie reporter. Bumilib siya sa memory nito, kaya’t natawa sa tanong na huwag daw niyang sagutin kung ayaw niya. Actually, compliment on Bossing’s side iyon dahil memorized na memorized pala ng mga ito ang buhay niya at hindi nila nalilimot ang mga nakakikiliting love life niya all these years.

Aminin na sana ni Bossing na malaking bahagi ito ng staying power niya sa showbiz, lalo na sa kanyang kalusugan. Kung titingnan kasi si Bossing, mukhang matatag pa rin at hindi pa tumitiklop ang tuhod sa lahat ng sandaling gusto niyang paligayahin ang kanyang minamahal. Hindi na niya kailangan ang balot at lalo na ang viagra. Ano ba itong pinagsusulat ko? He looks extremely healhty.Mamula-mulang kutis at hindi ko pa yata siya nakitang pinamumugaran ng bilbil sa katawan.

Anyways, hindi na rin niya kailangan aswangin pa ang kahit na sinong gusto niyang ibigin, kaya nga siguro nabanggit niyang hindi siya naniniwala sa aswang.

“Pero, nirerespeto ko sila!” Aniya. Ibig sabihin, sakali mang mayroon nga, tulad ng mga nababasa niya sa libro at sa pahayag ni Madam Aster Amoyo na tubong-Borongan, Samar, lugar na sinasabi niyang mayroon talagang mga tunay na aswang.

Hindi pa naipalalabas ang pelikula, tinitiyak na ni Bossing Vic na magkakaroon ng part 2 ang filmfest entry niyang ito. “It took me sometime to produce a movie of this magnitude dahil kapos ang kapasidad ko noon. Nitong taon lang ako nakapaghanda nang husto at probably next year, ‘yung part 2 naman. Nangangahulugang hindi pa rin ligtas si Cristine Reyes kahit hindi na niya aswangin pa ang dalaga. Dahil, mismong si Bossing Vic ang nagsabing “na-hypnotize ako ni Cristine!”

Kung nakaligtas daw si Kristine Hermosa kay Bossing noon, mauunawaan siguro ng lahat, dahil, nagpaubaya siya sa kanyang unico hijong si Oyo Boy.

KUNG KAILAN MAG-AASAWA na si Ciara Sotto, saka naman siya nakatanggap ng mga papuri, hindi lamang mula kay Megastar Sharon, kundi kay Zsa Zsa Padilla at sa director nilang si Joel Lamangan.

“Panoorin n’yo ang breakdown scene niya at magugulat kayo. Ang galing niya,” wika ni Sir Manny Valera. “Marami tuloy ang nagprisintang i-manage siya.”

Tinutukoy ng Regal executive ay ang eksena ni Ciara sa Mano Po 6. Inagaw kasi kay Sharon ni Zsa Zsa ang mga kapatid niyang sina Heart Evangelista at John Manalo. Tanging siya ang naiwan sa poder ng kanyang ina (si Mega). Siya rin ang nakaaalam kung paanong nagdusa ang kanyang ina para mabawi ang mga kapatid kay Zsa Zsa, pero hindi ito pinaniwalaan, lalo na ni Heart.

Durog ang puso ni Ciara everytime mag-a-attempt ang kanyang ina na harapin at ipamukha kay Heart kung gaano kasama si Zsa Zsa at kung paano nito nilason ang isipan nilang magkapatid. Pero, hindi siya pinaniwalaan ni Heart.

Pa’no ‘yan, kahit mapansin pa ang breakdown scene mong iyon, mag-aasawa ka na at maggu-goodbye ka na siyempre sa showbiz?

“Hinding-hindi po!” Mabilis niyang sagot. “Kahit pa po may asawa na ako, tuloy pa rin ang showbiz career ko, dahil I’m married to it!” Patuloy niya, aware daw at nauunawaan ng kanyang fiance (Joel O’ Conner) na forever siyang mag-aartista. Kahit may asawa na siya.

SPEAKING OF SHARON, kinumpirma niya na puwede na rin silang i-pictorial na magkasama ni Gabby Concepcion ngayon.

“Oo naman, puwedeng-puwede na,” sagot niya. Napipinto kasi ang kanilang pagkikita nang personal sa MMFF ngayong December 24 parade. Magkikita-kita sila ng lahat ng sasakay sa float. May entry rin ang kanyang ex-husband na papa ni KC Concepcion, ang I Love You, Goodbye!

Hindi na sila mag-iiwasan ni Gabby at siyempre, fiesta ito para sa mga fotogs.

Magtatagpo uli sila sa awards night, at sakali mang matupad ang hula nating manalo si Mega ng Best Actress at si Gabby naman ng Best Actor, aba’y talbog ko na si Madam Auring. Fiesta uli ang magaganap sa pagtatapos ng taon.

At dahil sa sobra-sobrang blessingS ni Mega, dadalaw siya this Sunday sa Hospicio de San Jose, kasama sina Angelica Panganiban, Gigger Boys, Star Magic Kids at Bugoy Drilon na mapapanood sa Sharon.

BULL Chit!
by Chit Ramos

loading...

7 thoughts on “Sharon Cuneta, payag nang malitratuhan silang magkasama ni Gabby Concepcion – Chit Ramos

  1. donia buding……… magpasagasa k n nga lng para matapos n kainsecuran m ky sharon…….. ay d pla magpalunod k n lng pla kc bi2gyan m p ng kasalanan ung mamang driver……maki2ramay n lng aq pag nabalitaan k h. advance “RIP”

  2. sharon is sharon cuneta…masyado lang syang sinisiraan ng mga negative…i saw her in person..sobrang warmth at charming ng personality nya…kya wag kaung manira di sya tatagal ng 3 dekada sa showbiz kung masama ugali nya,,,un lang

  3. Ayan na ikinukundisyon na nilang manalo si orokan shawie sa Manila Film Fest at gagamitin na namang publisidad si Gabby. anyway masarap pa rin si Gabby comparing kay mr. noted.

    basta may makakapitan si orokan sharon kakapit yan tignan nyo ang publisidad ng mano po, yung MANA na ang sama sama ng loob. hay sharon magbago ka na

Leave a Reply

Your email address will not be published.