Sharon Cuneta, papasukin na rin ang pulitika?!

OLA CHIKKA! KASAMA ko ang aking kaibigang si Arman Cuban nang sabihin niyang may nakikita siya kay Sharon Cuneta. Si Arman ay isang manghuhula na marami nang nakita at nagkatotoo. Sinabi nga niya na itong si Sharon Cuneta ay hindi maglalaon at papasukin na ang mundo ng politics. Minsan nang nabalita na hindi sasabak sa pulitika si Sharon, ngunit may isang taong mag-e-endorse at makaiimpluwensya sa kanya na maging isang mayor ng Pasay City.

Kung sa bagay, hindi naman na nakapagtataka kung tuluyan na nga niyang pasukin ang pagiging politician, dahil mayroon na siyang kaalaman tungkol dito at madalas ngang ma-chikka na pinapakialaman niya ang kanyang asawa maging sa pagiging pulitiko nito. Kaya kung magkatotoo man ang hulang ito, hindi naman na bago kay Megastar ito. Hmmm… tingnan na lamang natin sa mga susunod na panahon kung magkatotoo ang nakikita ng aking kaibigang si Arman.

HANGGANG NGAYON, HINDI pa rin ako maka-get-over sa pagiging host nitong ni Shalani Soledad sa Willing Willie dahil wala pa rin ako nakikitang improvement. Lalo na ngayon at naipabalita nang dati siyang host sa UNTV na kabaliktad ng sinasabi ni Willie sa kanilang show na baguhan lamang si Shalani sa pagho-host, kaya bigyan pa ng time para mag-improve.

Depensa naman ni Shalani na ang pinag-host-an niya sa UNTV ay tungkol lamang sa current events at commentaries, kaya ibang-iba ito sa Willing Willie. Para sa akin naman, kung sadyang talentado ka or magaling ka talaga, anumang sitwasyon o format ng programa ay makakaya mo. Hindi ‘yung kung anu-ano pang rason or excuses ang sinasabi, makalusot lang. Nabigyan na naman siya ng sapat na panahon para makita ang improvement, ngunit ilang araw na ang nakalilipas, halos ganu’n pa rin ang kanyang performance. Ha-ha-ha! Ano man ang sabihin ko rito, wala na tayong magagawa kung iyon ang gusto ng management ng Willing Willie. Duh ba?!

BLIND ITEM: PITIK-BULAG! Sino siya? Mahulaan n’yo kaya itong biglaang celebrity mom na masyadong lumaki na ang ulo matapos mabigyan ng pangalan ng kanyang anak?! Mukhang hindi ko na kailangang i-elaborate ang kuwento at magbigay pa ng clue dahil doon pa lang ay gets n’yo na agad. Hindi ba?!

Ang kuwento kasi ng aking parazzi girl, mula raw nang makilala ang celebrity mom na ito ay biglang nagtaas na ang value or talent fee sa tuwing inimbitahan siya para sa mga projects, tulad ng commercial at mga pelikula. Ngunit hindi iyon ang chikka!

Mas nalerkey raw itong ating parazzi girl ng marinig niya sa isang dressing room itong celebrity mom dahil hindi lamang talent fee ang nagbago, ngunit pati ang kanyang pangalan ay nais na ring baguhin?! Kaloka, hindi ba?! Sa pangalan na iyon siya nakilala tapos babaguhin pa niya?! Ay, naku! Hindi na talaga ka-level itong si celebrity mom, masyadong lumaki ang ulo dahil sa nakamit ng kanyang anak. Tsk, tsk, tsk! Bad ‘yan!

Naku! Gets na gets na iyan, pero kung hindi n’yo pa rin mahulaan, paki-subaybayan na lamang po sa aming programa ni Lady Camille sa DWSS 1494 kHz, weekdays from 11:30 AM to 12:NN, upang makigulo at maging una sa mga chikka. At patuloy pa rin po akong subaybayan sa DZRH TV tuwing Linggo, mula 2:30 to 3:30 pm. Thank you very much and God Bless us all!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

Related Post

loading...

9 thoughts on “Sharon Cuneta, papasukin na rin ang pulitika?!

  1. susme naman Sharon wag ka na tumakbong mayor, wag mo nang gamitin ang Pasay para lalong madagdagan ang mga kinurakot ng tatay mo… grabe, never ka namang tumira sa Pasay pero dun ka botante… eh magmula ng sinilang ka sa Dasmarinas Village Makati ka na nakatira… makontento ka na sa dami ng kayamanan mo… hirap na hirap na ang Pasay, until now di pa rin makaahon sa dami ng nakuha ng tatay mo…

    • haha! un din ang hula ko. Biruin mo nga naman, hindi niya akalain na biglang yaman siya, kaya ibigay na lang ang hilig. Meron nga kaming kalugar sa probinsya namin na from rags to riches dahil sa business. Sa umpisa ay biru-biruan lang ang tawag sa kanya na “donya” pero naging totohanan na at ngayon ang tawag sa kanya ay donya ??

  2. bitterness ocampo naman baklang to. wag kang mag alala, kahit anong pagpula mo kay shalani hindi ka pa rin kukunin ng management ng willing willie para mag co-host. not even in your wildest dreams.

Leave a Reply

Your email address will not be published.