Sharon Cuneta, pang-comedy bar na nga lang ba?!

OLA CHIKKA! ISANG masayang Martes, mga kaparazzi! Natapos na nga ang Holy Week kaya panahon na upang basagin ang katahimikan at simulan ng bagong ngiti! Kaya naman puro katuwaan muna ang hatid ko sa inyo para lahat tayo ay masaya. Pero mukhang wala ng mas sasaya pa rito sa ating Megastar Sharon Cuneta lalo na kapag napapanood siya sa kanyang show na Sharon.

Gaya nga ng nabasa ko sa isang tabloid, parang comedy bar na ang drama nitong show niya na una pa lang ay hindi ko na pinanonood dahil nakaaasar, wala nang sense at paulit-ulit na lang. Napaka-corny at kung makatawa sila ay daig pa nila ang pinakamasayang tao sa mundo! Ha-ha! Ano kaya ‘yun?!

Kung akala nila na sila lang ang puwedeng tumawa, nagkakamali sila dahil kahit papaano, natuwa naman ako nang malipat ko sa Dos ‘yung TV at nagkataong programa ni Sharon. Nakakatawa dahil para na siyang si Dabiana sa sobrang laki at hindi man lang sumagi sa isip niya na halos gawin na siyang bakla at puro kabaklaan na lang ang meron sa show niya.

Pasintabi naman sa mga kapatid kong babaeng walang matris, hindi ako against sa kabaklaan natin dahil walang dudang napaka-talentado natin. Ngunit kung mula ka sa sobrang ningning na bituin as in Megastar sa pagkislap at bigla na lang naging falling star eh, ano’ng mararamdaman mo?!

Mula sa pagka-reyna sa Dos, ngayon ay isang show na lang na halos parang hindi pa pinaghahandaan at plinano nang bonggang-bongga ang mga episode ay idadaan ko na nga lang din sa tawa! Nyek-nyek-nyek!

Hindi kaya nananadya na itong Dos na balewalain ang Megastar? Isang show para sa kanya, masabi lang na hindi siya pinapabayaan? Naku, huh!

KUNG ITONG SI Megastar ay mukhang napapabayaan, eh dumako na tayo rito sa alagang-alaga ng Dos na si Kris Aquino. Mukhang itong si Kristeta na ang bagong reyna ng Dos dahil ano mang kalokohan o kasiraan ang gawin niya ay nananatili pa rin siya at mas dumarami pa ang mga proyekto kaya hindi maiwasang pag-usapan at gawan ng kung anu-anong kuwento ang bawat galaw niya.

Tulad na lamang dito sa nabasa ko sa isang tabloid na tungkol sa pagkakaparehas niya sa ibang mga artista. Para sa iyong kaalaman ay ibabahagi ko na lang din sa inyo para masaya.

Kung si Boy Abunda at Kris ay parehas nasa talkshow, ano naman ang pagkakaparehas nitong si Ruffa Gutierrez kay Kris? Eh, ‘di si Aga Muhlach! Eh, kay Sharon Cuneta? Sino pa, eh si Gabby Concepcion at Robin Padilla! Eh, ito ang pinakamahirap! Ha-ha! Sila ni Mayen Austria, ano’ng pagkakaparehas? Eh, ‘di parehas sports lover! Wahaha!

‘Di ba nakakalokang Martes na puro katuwaan lamang, say n’yo? Say ko?! Bonggacious!

BLIND ITEM: PITIK-BULAG! Sino siya? Sino itong young actor na kung titingnan mo ay napakaguwapo nga talaga, ngunit hindi kasing guwapo nitong si Papa Jake Cuenca, pero yummy na rin.

Ang chikka kasi sa akin ng mga kasamahan natin sa hanapbuhay na naglagalag sa controversial island ng Pilipinas na walang iba kundi ang Boracay, naispatan daw nila itong young actor na hanep kung magbakasyon. Akala mo raw ay siya ang may-ari ng resort na pinag-stay-an niya na dagdag pa nila ay isa ito sa pinakamamahaling resort sa Boracay. Taray, ‘di ba?!

Hindi naman sa pagmamaliit eh, paano na-afford ni young actor na magbakasyon nang ganu’n eh, hindi naman ganu’n karami ang projects niya? Pero kung sa bagay, mura lang naman ang pagbabakasyon, ngunit mapapamura ka sa chikang kumakalat na hawak daw siya ng isang mayamang bading, kung saan lahat ng kanyang pangangailangan ay on the go lahat. As in mag-request lang siya ay tiyak na andyan na. Bonggacious, ‘di ba?! Sino itong young actor?! Naku, ingat

ka dyan, dahil ‘pag natikman mo ang tamis ng unang halik niya ay maakit ka rin!

Ha-ha! ‘Yun na!

Para sa mas maiinit  pa na chika at makatotohanang balitaktakan pakinggan n’yo po kami sa DWBL 1242 khz kasama ang sosyalera kong co-host na si Michelle Junia every Monday to Friday mula 8 hanggang 9 ng umaga at sa RHTV / DZRH tuwing linggo 2:30 to 3:30 pm. This is your Tita Swarding saying thank you very much and God Bless!

Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding

Previous articlePhoto Oops: Smile naman tiyan! (Mariposa-Luningning)
Next articlePhoto Oops: YAKAPsul!

No posts to display