Sharon Cuneta, no pretensions

NAKAKATUWA ANG MEGASTAR na si Sharon Cuneta. Walang kaprete-pretensiyon sa katawan. Juice ko, para okrayin niya mismo ang kanyang katabaan eh, nagpapakatotoo lamang ang aktres.

Kaya nga sa Best Friends Forever nila ni Ai-Ai delas Alas, totoo bang gamit na gamit daw ang katabaan ng aming kumare?

Juice ko, kahit yata maging balyena na ‘yan o maging tingting ‘yan sa kapayatan, eh, nandu’n pa rin ang “asim” ng isang Sharon Cuneta. Sharon na ‘yan, ‘no! Kahit ano pa ang maging size niya, eh, ang bili-bili pa rin niya sa commercial.

Saka ramdam mong kahit megastar ‘yan, eh, nandu’n pa rin ang pagiging down-to-earth niya. Taong-tao pa rin. At ‘yan ang isang quality meron ang isang Capricornian.
Like us, ‘no! Maisingit lang? Hahaha!

”Wag n’yong kalilimutang makinig palagi sa aming radio program, ang “Wow! Ang Showbiiiz!’ sa DWIZ 882 sa inyong AM Radio at maririnig din nang libre sa www.dwiz882.com.

Manghula sa Blind Item ni Ogie D!

Oh My G!
by Ogie Diaz

Pinoy Parazzi

About the Author

has written 5562 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.