Sharon Cuneta, nagkaroon din ng video scandal?!

MGA AVID SHARONIANS ang nagpatunay na totoong nagkaroon din ng sex video scandal ang Megastar noon. Hindi lang ito masyadong maingay dahil napakagaling ng VIVA Films publicity machine sa pag-aalaga sa kanilang gold mine. Mayor ng Pasay pa noon si Pablo Cuneta at alam nilang hindi makaliligtas ang mga nasa likod ng krimen na ito. Sa sobrang pagmamahal ni former Pasay City mayor, he’ll go after the perpetrators at tiyak na makukulong sila habambuhay,kung sakaling mapatunayan.

“Pero, wala ngang katibayan,” mismomg sagot ni Sharon, “hanggang tsismis lang, walang ebidensya,” natatawang pahayag ni Sharon sabay-tawa.” Kasi nga, hindi totoo,” patuloy niya.

Panahon iyon na madalas pang pasuot-suot si Shawie sa movie ng bathing suit habang naliligo sa dagat. Pero, kapag napanood sa pelikula, ang nakikita ay tubig lang at hindi ang katawan niya. May pictorial din na ipinamumudmod sa presscon pero, malaking tipak ng bato ang mas nakikita kaysa kanyang katawan na tinatakpan nito. For those who got the chance to see her wearing a bathing suit, seksing-seksi raw ito. Sobrang pa-Maria Clara lang ang image, kung kaya’t  bawal kahit pusod lang niya ang makita.

May asawa na si Mega nang makita uli na naka-bathing suit. Kailangan pang si Sen. Kiko ang kumuha para magkaroon ng ebidensiya. Masuwerte ang mga laging nasa taping ng Sharon, dahil minsan ay nakalokohan ni Mega mismo na ipakita ang naka-mount pang sexy foto, at sa BFF (Bestfriends Forever)” movie niya, ipinakita rin ito. Kaya siguro, naging mega-hit ang pelikula niya with Ai-Ai delas Alas.

KAYA NGA HINDI naligalig si Mega nang lumabas ang tsismis na may sex video rin si KC (concepcion) with, of all people, Hayden Kho! Kaya lang natagalan ang reaction ni Mega ay dahil nasa ibang bansa siya for a series of concert. Si KC naman, nasa ibang bansa rin, taping a teleserye with no less than Piolo Pascual (who recently admitted na nanliligaw na sa anak ni Mega). Kuntodo de paalam pa si Papa Piolo kay KC mismo, by means of love letter.

Actually, naniniwala pa rin ang Sharonians na dahil ito sa sunud-sunod ding suwerteng patuloy na dumarating sa kanya ngayon. “Hindi puwedeng matigil ang sunud-sunod ding tsismis, whether it is true or not. Madalas NOT. Pati nga sex video na bukod sa pagiging tsismis lang eh, inaamag na rin sa kalumaan.

“Bakit po kaya hindi na lang ipagsigawan na after 25 long years, gagawa na rin ng movie si Mega kay Mother Lily ng Regal Entertainment. Ang tiyaga ni Mother, ‘di ba? Gustung-gusto rin ni Mega ang title ng pelikula. Mano Po VI at karugtong ang My Mom sa wikang chinese. Higit sa lahat, ipalalabas ito sa darating na Metro Manila Film Festival in December.

“HUWAG NA RIN po nating igiit na nagtatampo ang kampo ni Kim Chui, dahil si Angel Locsin ang nabanggit ni Mega na gusto niyang makasama. Lilinawin namin na hindi alam ni Mega na ang nasa isip ni Mother Lily ay si Kim Chui. Kung alam ba niya, maatim ba niyang hindi i-welcome ang love ni Geraral Anderson sa kanyang filmfest movie. Welcome na welcome naman niya si Kim sa kanyang Sharon tuwing Linggo, kapag nagpo-promote ito ng mga projects niya.

Hindi po issue iyon. Mas matutuwa pa si Mega, dahil lubhang nakababata pa si Kim kaysa kay Angel at kahit na nga sa sariling anak niyang si KC. Very flattering , ‘di po ba? Kaya, huwag na po sanang mag-panic ang mga Kim Fanatics o Kimerald fans. Hindi po tayo magkalaban, okey!

BULL Chit!
by Chit Ramos

loading...

2 thoughts on “Sharon Cuneta, nagkaroon din ng video scandal?!

  1. KIM CHU IS A BETTER CHOICE FOR MANO PO 6. TAMA SI CHIT. MAS NAKABABATA SI KIM KAYSA KAY ANGEL. BAKA MAS LALONG MARAMING MANONOOD. I LOVE KIM CHU. CUTE NA CUTE. FLAWLESS. HINDI BAGAY KAY ANGEL ANG FEMININE ROLES. BAGAY KAY ANGEL IYONG NAKIKIPAG SUNTOKAN, SUMASAKAY SA KABAYO. MGA MASCULINE ROLES. PICTURE HER WITH A ROLE NA PA-CUTE AT PA-GANDA. HINDI BAGAY TALAGA.

Leave a Reply

Your email address will not be published.