Sharon Cuneta, may sintomas ng cancer – Chit Ramos

NAG-PANIC ANG SHARON-IANS noong Lunes nang malamang may sintomas pala ng cancer ang kanilang idolo. At mismong si Sharon Cuneta ang nagpahayag nito.

“I discovered that I have this lump (bukol) on my breast which scared me dahil may history ng cancer ang family namin,”pagtatapat niya. “Actually, noon pang ginagawa namin ni Ai-Ai delas Alas ang BFF (Best Friends Forever) ito nangyari, kung kaya’t na-cancel ang supposedly Monday taping ko ng Sharon na ipinalalabas every Sunday sa Kapamilya network.”

Mahinahon ang pahayag nito on TV na lubhang naging palaisipan sa mga televiewers, eventually sa live audience ng show noong Lunes.

“I kept the truth to myself and Kiko (Sen. Francis Pangilinan) who accompanied me to the States. After  a series of tests, benign naman daw. Ngayon ko lang binanggit in public dahil sa mga napanood ko sa TV. Ang kaawa-awa nating mga kababayan na naging biktima ng typhoon Ondoy at Pepeng. Naisip ko ang sudden devastation all over the country at ang pagkamatay (sa lunod at landslide) ng daan-daang tao.” patuloy niya.

Mangiyak-ngiyak ang Sharonians habang nanonood ng taping at gustung-gusto sana nilang makausap ang megastar after the taping. Pero, agad itong inakay papasok ng room designated for her.

HUMANGA SILA SA tatag ng megastar. Punung-puno ito ng sigla habang nakipagharutan sa guests nila sa Discoveries episode ng show na kinabibilangan ng Star Magic talents tulad nina Rodjun Cruz, Mickey Perz, Enrique Gil, Thou Reyes, Charles Christianson, Sergio Garcia, Kaye Abad and Guji Lorenzana, Erik Santos at mga comedians na sina Noel at Vone.

What amazed them ay ang pahayag ni Sharon in between takes na nakatakda pa siyang maglibot sa mga lugar kung saan hindi pa humuhupa ang tubig, kasama ang execs ng ABS-CBN na sina Gabby Lopez, Charo Santos-Concio, Cory Vidanes at mga kapwa niya artista.

KUNG TULUYANG NA-CANCEL ang teleserye si Judy Ann Santos na Nurserye with Derek Ramsay, may kapalit na ito ngayon.

Si Zanjoe Marudo na ang kanyang magiging leading man.

Tulala pa nga si Zanjoe sa pangyayari. Hindi pa kasi siya nakaka-recover sa napaka-gandang break niya sa Lovers In Paris kung saan nakikipagtagisan siya ng talento sa pag-arte kay Piolo Pascual, not to mention being one of KC Concepcion’s two leading men, heto, at ang young superstar naman ang kanyang haharapin.

Isa  pang magandang pangyayaring bunga ng pagseseryoso ng mga ABS-CBN executive kay Zanjoe ay ang kanyang pagpapakatotoo. Hindi  na siya nag-aalangang sagutin nang matino ang mga interview. Kung dati-rati’y iwas siya nang iwas kapag natatanong ang dyowa niyang si Mariel Rodriguez, ngayon, buong pagmamalaki niyang inaamin ang kanilang relasyon.

“Hindi ko siya ipagpapalit kahit kaninong babae,” aniya. “Wala na akong makikita pang kasing-bait niya. Maganda na, sobra pang maunawain. Hindi niya ako binibigyan ng problema. Isa siyang inspirasyon sa aking profession ngayon. Haping-hapi siya sa role ko sa LIP at ngayong gagawin ko na ang teleserye namin ni Judy Ann.”

Pero, nangako siyang hinding-hindi iiwan ang Banana Split kung saan sineseryoso na rin ang pagsasayaw, pagpapatawa at pagtuklas ng iba pa niyang talent.

BULL Chit!
by Chit Ramos

Related Post

loading...

22 thoughts on “Sharon Cuneta, may sintomas ng cancer – Chit Ramos

  1. sampal kay Boy abunda yan kung laiitin si Znjoe why Zanjoe sya lang kasi at si Derek ang walang halong kabadingan sa katawana kaya bentang benta sila sa ABS si Coco naman ay nagpapagamit pero hindi gay love lng ng gay. hehe

  2. may pelikula in the making si sharon, syempre kailangan nya ng simpatya para kahit paano ay kikita ang pelikula. para naman kayung bago kay sharon mula nuon hangang ngayon yun pa rin ang drama nya sa buhay. MOVE ON sharon nagkaka edad ka na rin. kung may kanser ka or symptoms nyan dapat nuon mo pa isiniwalat dahil wala kang pelikula. obvious naman na mamalimos ka nanaman sa mga mahihirap para may mag bayad at manuod sa pelikula mo. yung merit ng pelikula ang ipagsigawan mo hindi yang lahat ng drama nyo sa buhay, bigyan mo ng konting discreet ba yang buhay nyo, saka alam mo na malapit na ang eleksyon makakatulong na naman yung awa effect sa ikakampanya ni sharon.. he he he ginagawang walang utak ang lahat ng mga katulad nya.

  3. Pano dyowa ni Deo Andrinal si Zanjoe at Jake Cuenca. Mali yan. Di ba Kapamilya sila dapat pantay-pantay.

    Ang pangit naman ni Zanjoe.

    • ewan kung anong nakita kay zanjoe, baka nga may backer na gay sa abs-cbn. akalain mo isinama sa triangle kay kc at piolo. mukha siyang extra, mas may hitsura pa nga ang ibang extra. bagay lang siya kay mariel. ngayon naman partner pa kay juday. naku masasama sina sarah at juday sa pagta trying-hard ng backer ni zanjoe.

  4. nakakatawa naman tong isa ditong desperate “ineedboys” with s pa ha….grabee inudnud mo lang yan oh kaya ikaskas mo sa durian…hahaha. But seriously bat dito ka nag post pwedi ka naman mang harbat sa daan eh.

  5. ano ba yan?kapamilya ako pro gumgaya na ba ang abs-cbn sa gma na halos iisa lng ang binibigyan ng projects?sna mging fair din cla sa lhat ng talents nila…bkit c zanjo na nman?baka pagsawaan din yan ng mga tao.halos lhat nlang ata ng programa sa abs andun xa.wla na bang iba?!!!!!

    • ganun talaga ayaw nilang bigyan si angel locsin, sori na lang! walang fair fair sa hindi kayang kumita ang proyekto dahil “LAOS ANG ARTISTA”.

  6. READERS: We give YOU daily ratings everyday as your guide. Thanks!

    TNS NATIONAL RATINGS
    Oct.14 (Wednesday)

    DAYTIME PROGRAM:
    1. WOWOWEE (22.5%)
    2. PRECIOUS HEARTS ROMANCE (20.2%)
    3. NAGSIMULA SA PUSO (17.9%)
    4. PBB DOUBLE-UP UBER / EAT BULAGA! (17%)
    5. MARIA DE JESUS (15.5%)
    6. BANANA SPLIT (13.8%)
    7. DAISY SIYETE (13.6%)
    8. TINIK SA DIBDIB (12.9%)
    9. GAME KA NA BA? (12.4%)
    10.KAYA KONG ABUTIN ANG LANGIT (12.3%)

    PRIMETIME PROGRAM:
    1. TV PATROL WORLD (35%)
    2. KATORSE (34.2%)
    3. MAY BUKAS PA (31.4%)
    4. LOVERS IN PARIS (30.1%)
    5. DARNA (27.7%)
    6. DAHIL MAY ISANG IKAW (26.4%)
    7. 24 ORAS (24.8%)
    8. PBB DOUBLE UP (23.6%)
    9. STAIRWAY TO HEAVEN (23.4%)
    10.ROSALINDA (17.5%).

    NOTE:
    This is the latest ratings as of now. If you want to know if the Teleserye or any Programs you watch have a strong following it will be based on National Ratings not in Mega-Manila. Think about it, Mega-Manila (consist of Metro Manila, Rizal, Laguna, Bulacan and Cavite) while Nationwide it pertains to all provinces in the Philippines. It’s like in Presidential Election, can we proclaim the next President based on his total votes in Mega-Manila only? Of course not, it will be based on nationwide voting.

    • management ka jan! kaya pala metro manila lang ang nag edsa rally napatalsik si erap! nagbago ang pamumuno sa BUONG PILIPINAS! kaya pala ang endorsement ni marian eh mas marami kay santino isama mo pa lahat ng endorsement ng mainstay sa MBP.

      • At sino naman ang maysabi sa yo na tagametro manila lang ang nagrally against ERAP? For your information buong Pilipinas may rally against him kaya siya napatalsik, at take note maraming mga rich and famous na mga tagaprobinsiya ang nagpuntahan dito sa metro manila para lang siya patalsikin!

        By the way yung endorsements na pinagmamalaki mo kaya dumadami yun kasi kagagawan ng GMA yan to prove that MR is a big star (which is not true dahil pangTV lang naman siya na libre), just like the case of Angel Locsin when she was still with GMA. Kasama yun sa kontrata ng GMA with sponsors, asus!

      • hahahaha wow rich and famous! kilala mo cla!? talaga kagagawan ng GMA? ulol ka bobo mo kaya pala ang mga companya tumututok sa rating ng mega manila. kaya pala ang anito bilang sa daliri ang endorsement o san na project nya ngayon sa tv? sa movie? asus! ayun nag bibilang din ng buwan at araw para mabigyan!

    • I love Toni in PHS. Lakas nang appeal niya. I will miss ALNSA. Hope they give Toni another project. She is a good actress. Hindi nakakasawang panoorin.

    • ano ka ba, babae o lalaki? bakit ba sobra ka naman nagmamakaawa na i-text ka? Mamaya mo maka encounter ka ng serial killer, cge ka, magiging pataba ka na lang ng lupa, lol!
      Paging pooh at pokwang, please lang o, i-text nyo naman itong taong ito, wawa naman.

      • sobrang funny ng comment mo haha! sobrang natatawa nga ako eh. hindi ba delikado magpa txt sa mga strangers??!

      • kilala ko yang 9178659455, kay will devaughn yan! pero im sure di si will ang nagpost ng number, may taong galit sa kanya kaya gumaganti siya kay will.

      • indeed! sa panahon ngayon ay mahirap magtiwala sa ibang tao dahil mas maraming masasama ngayon kaysa mabuting kalooban.

Leave a Reply

Your email address will not be published.