Sharon Cuneta, may sama nga ba ng loob sa Dos?!

OLA CHIKKA! NATAWA naman ako sa balitang narinig ko tungkol dito sa Megastar ng ‘Pinas na si Sharon Cuneta. Bhuket?

Tungkol ito sa napabalitang pag-walkout niya sa show niyang Sharon. Hindi ko lubos maisip kung bakit niya ginawa iyon, ngunit ang sabi-sabi ay nagutom daw itong Megastar at humingi ng meryenda. Agad daw itong nagalit nang makita na ang binili para sa kanya ay hindi galing sa fastfood na ine-endorse niya, kundi sa kalaban pa! Oh, anong say n’yo?! Ako? Ang corny! Ha-ha!

Ayon sa aking parazzi girl, ang tunay na dahilan ng pag-walkout nitong si Sharon ay dahil sa nararamdaman niyang napapabayaan na siya ng Dos. Ayaw na ayaw raw niya ang nangyari na kung kailan mag-i-start na ang taping ay doon lamang ibinibigay ang mga songs na kakantahin niya para sa programa niya.

May point nga naman si Sharon, dahil kahit gaano ka pa kagaling kumanta ay kailangan mo talaga ng oras para makapag-prepare. Aba! Taray ni Sharon, nang-agaw na ng titulo… bagong ‘walk-out queen’!

Dagdag pa ng parazzi girl ko, may halo na ng sama ng loob itong si Sharon sa kanyang pinagtatrabahuhang istasyon dahil kung dati ay siya ang reyna ng Dos, ngayon ay halos hindi na siya nabibigyan ng pansin.

Talaga nga bang masama ang loob mo Sharon?! Hmmm… Maging dahilan kaya ito ng paglipat din niya ng istasyon lalo na at medyo may koneksiyon siya sa panibagong istasyong paglilipatan niya kung sakaling magkatotoo nga?

Teka… makatawag nga sa PLDT nang makakuha ng impormasyon. Ha-ha!

DAHIL NASA USAPANG paglipat na naman tayo ng istasyon, narinig ko rin na itong si Mo Twister daw ay kakasuhan daw umano ng GMA-7, dahil sa hindi pagtapos niya ng kontrata sa kanila at agad na paglipat sa TV5? Ay ang taray! Ang galing mag-over the bakod!

Naku, huh! Masamang pangitain ‘yan para sa Siyete… tsk, tsk, tsk! Tulad na lang nitong nagsimula sa Starstruck na si Rainier Castillo, matagal nang pinabayaan ngunit ngayon na kinuha na ng Singko ay muling sinusuyo ng Siyete. Ang gulo n’yo, ah!

Pero teka! Kung naguluhan kayo d’yan kina Mo at Rainier, mas magugulo ang utak n’yo sa idadagdag ko pang chikka. Ayon na naman sa chismosa kong parazzi girl, may posibilidad din daw na mawala sa Siyete itong napaka-yummy na si Dingdong Dantes! Tama! Si Dingdong Dantes! Dahil hindi pa siya muling pumipirma ng kontrata sa Siyete, kaya baka isang araw ay magulat na lamang tayo at bumulaga ang napakasarap na si Dingdong sa kabilang istasyon…

Hmmm… may naamoy akong malansa… kung ano man iyon ay hindi ko na sasabihin! Ha-ha!

BLIND ITEM: PITIK-BULAG! Sino siya? Sino itong tumatakbo bilang Mayor sa isang lungsod sa Metro Manila na tinanggalan ng campaign fund ng kanyang financer dahil sa pagiging bantay-salakay!

Ang kuwento raw ay itong vice mayor ay tinalo ang anak ng dapat ay magbibigay sa kanya ng pera para sa pangangampanya ngunit dahil pinormahan at tinalo ang anak ay ayan! Wah nang datung! Pa’no pa siya tatakbo kung wala siyang kaperahan?! Ha-ha! Sino siya? Isa-isahin niya na lang ang mga lungsod dito sa Metro Manila nang malaman n’yo! ‘Yun na!

Para sa mas maiinit  pa na chika at makatotohanang balitaktakan pakinggan n’yo po kami sa DWBL 1242 khz kasama ang sosyalera kong co-host na si Michelle Junia every Monday to Friday mula 8 hanggang 9 ng umaga at sa RHTV / DZRH tuwing linggo 2:30 to 3:30 pm. This is your Tita Swarding saying thank you very much and God Bless!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

30 thoughts on “Sharon Cuneta, may sama nga ba ng loob sa Dos?!

  1. sharon cuneta’s acting is such a natural…ganun talga syang tao…sweet at bungisngis kung babaguhin nya yan aba eh di na sya si sharon cuneta….kaya nga me kanya kanya tayong personality eh…ever since na nakita ko c sharon cuneta ganun pa rin sya…bungisngis mababaw na tao sinasabi nga nya yan lagi eh…

  2. TMA LNG TNGGLIN NA C SHARON WLNG APPEAL YONG PAGING YONG BALYENA FEEELING TEENAGER MKA BUNGIS NGIS .MERON CYANG ISANG SIKAT SINGER NA BATA GNAGAYA NYA TPOS AKLA MO NKA TUTUWA CYA AY KUMKNTA NA SUMSAYAW AY FEELING NYA SEXY AT BAGAY . KNG C POPS PERNANDES AY PWDE PA YON DHIL SEXY. MGPHINGA KA SHARON ANG DAMING MONG MONG CONDO BULIDING DYAN SA PASAY. HNDI MO KELNGANMGPYAMN DAMI MONG PERA.NG BIGAY KA NG REGALO SA MINDANAO PINHIRAPN MO PA NANGUTANG YONG TAO NG PMSAHE SA BARKO TAPOS WALNG TAX YONG BINGAY YONG REGALO TPOS AT WLA CLA IBYAD ISAKAY SA BARKO. SANAY IBA NIREGALO. AYUN POBRE BINENTA NA LNG PRA MAY PMSAHE PBLIK.PLASTIK KA PA AT OA. KNG CNO CKAT DOON DIDIKIT PRA MA YONG NAME PRA CUMIKAT RIN.MGRETIRED KA NA.

  3. sharon is sharon cuneta…the one and only megastar…di naman siguro sya magwowalk-out kung walang sapat at valid na reason…ang daming bitter ke sharon…one thing is very much sure! di na lalaos si sharon…she’s already on the top…and no need to prove anything more…

  4. Si Sharon kasi matanda na pero kung magpa-kyut daig pa mga anak niya. Hindi na natural, nakakadiri tingnan. Sana kumilos siya ng ayon sa edad at estado niya sa industriya, di na niya kailangan magpakyut at kumilos ng parang haras haras (sorry di ko mahanap ang tamang word haha), may nai-prove naman na siya sa showbiz. Ang cheap ng show niya puro kabaklaan, sayang yung time slot.
    WAKE UP!

  5. Sharon needs to take care of her figure… Di lang masama yan sa career mo pero masama rin yan sa kalusugan mo… At isa pa wag magng kompyansa… Di ibig sabihin na nasa ibabaw kna eh pwd ka na magpabaya sa sarili mo.

  6. Tumataba na rin ako pero sabi nang other half ko, kung tumaba akong katulad ni Sharon, sa FAT FARM ang bagsak ko. Ipapasok niya ako sa Belo clinic para magpatanggal nang tabatsingtsing. Masakit kaya magpa lipo suction. Kakain na lang ako nang maraming gulay. Sasabayan ko na lang ang kabayo namin na kumain nang damo. Sharon, sama ka?

  7. ha???? tlaga? MATANDA KA NA SHARON…SAWA NA ANG DOS SA IYO….LIPAT NA SA GMA, TAGA SALO NG OVER EXPOSURE NA MGA ARTISTA WAHAHAHAHAHAHA AT SAWA NA KAMI SA IYO….LAHAT NG TAO I LOVE YOU MO……WAHAHAHA

  8. Sharon is still on top of her game.. Pag hindi nya inayos itsura nya matutulad sya kay Nora.. Dapat tularan nya si Vilma na hindi kumukupas.. San ba naman pupunta yan kungdi dun din sa pagtanda.. She should not make herself a joke because mataba sya.. Baka isang araw yun na lang ang matandaan ng tao.. Yung pagiging mataba nya!

  9. B.I.
    Herbert Bautista
    1. tumatakbong mayor
    2. current vice mayor
    3. financer is sonny belmonte at anak niya ay si joy belmonte na ka-tandem ni bistek.

  10. mahina na si sharon. iyong shao natatalo ng show me da manny ni Marian. Marian is superb now and her latest endorsement ay Panasonic.

  11. ANG SASAMA NYO NAMAN!!! GRABII KAU MATAKOT NAMAN KAU SA KARMA!!! MAKAPAG COMMENT KAU FEELING NYO NAPAKA PERFECT NYO NA….

    • orocan..siniraan mo pa yung magandang brand ng plastic..dapat itulad kay sharon eh yung plastic na banyera na gawng ilaya divisoria..kayo talaga sisiraan nyo pa brand namin..

  12. Tama ung comment nyo. Si Sharon dapat lumipat na sa ibang station. Dahil gusto ni Kris sya ang reyna.

    Di ba nga sinisiraan nya si Sharon sa mga endorsement sana nito para mapunta sa kanya.

    What more kung manalo si Noynoy, wala ka na Sharon. Kung ngayon 4 ang palabas ni Kris na sya lang ang may madaming palabas baka maging doble na yan pag naging Presindete si Noynoy. Kawawa mga talents ng Dos.

  13. Eh anong show pa ba naman ang ibibigay kay Sharon, di ba ayaw nya mag-teleserye dahil ayaw nya ng puyatan?

    Between her and Maricel, si Maricel ang mas napabayaan. At least si Sharon every birthday nya may grand celebration sa Araneta. Si Maricel wala!

  14. NAGPAPARAMDAM LANG SI SHARON AT GUMAGAWA NG INGAY PARA BANG TESTING WATER KUNG SIKAT PA RAW SYA… AT THE SAME TIME KULANG SA PANSIN MALAY NATIN BAKA OFERAN DIN NG TV5 NG MAS MATAAS PARA DAGDAG SA KAMPANYA NI MR. NOTED.

    PARANG DI NYO KILALA SI SHARON NA SUPER OA AT BADUY SHE NEVER GROW UP MABUTI PA NGA SI KC MAY KONTING HIYA HINDI OBVIOUS ANG PA CUTE DI TULAD NG INA SUPER PA CUTE YUKKKKKKKKKS.

    SHARON GROW UP AND MOVE ON GET YOUR NEW LIFE ASAP..

  15. kahit na lumipat pa ng station si sharon ay ganun pa rin ang magiging dating. kasi ano ba naman ang maibibigay mong trabaho sa isang katulad nyang matandang-mataba-na-mahilig-magpacute? mas masahol pa sya sa pagpapacute kesa kay kc na anak nya. e nagkaedad na ako wala pa rin akong makitang pagbabago sa kanya puro pa cute akala mo e kapanahunan pa nila ni gabby kung umasta. ni hindi sya nag-try ng ibang bagay para mapatunayan ang pagiging magaling nyang artista or tinatawag na versatile.

  16. DAPAT TSUGIHIN NA ANG SHARON AT PURO KABAKLAAN NA LANG ANG PALABAS DON,SAYANG ANG TIME SLOT,WALA NG EXCITEMENT.SI SHARON TANDA NA DABYANA PA,TUTAL MADAMI KA NG PERA ,MAGSTAY KA NA LANG SA BAHAY AT IBIGAY MO NA SA NEW TALENTS ANG SHOW MO PARA MAKAPANOOD NAMAN NG BAGO MGA TAO.O KAYA GAWIN MONG KAPWA KO MAHAL KO ANG SHOW MO AT IPAMUDMOD MO MGA KAYAMANAN MO KASI INTEREST LANG NG PERA MO HINDI MO NA KAYANG GASTUSIN,MAGBIGAY KA SA MAYSAKIT AT MAHIHIRAP!

  17. In fairness naman, itong si Mega kulang sa discipline. Dapat na rin kasi syang ma-force magpapayat kung ayaw nya na parang binabastos sya. She has to be surrounded with people na magsasabi ng totoo.. Tingin ko kasi yung mga tao around her has the tendency to please her. Takot to hurt her feelings kasi ang bait-bait nya. Dapat na sya magising sa katotohanan she is a celebrity and she has to look good all the time!

  18. Magpapayat na kasi… Sana ginawa na lng na parang rated K yung show nya na informative at interesting pa kaysa gawing parang late night show na puro comedy, interview, kanta or sayaw na lng palagi…

  19. Reyna ng Dos si Kris o feeling reyna lang! Pwede ba wala sa kalingkingan ni Sharon yan si Kris.. Sa career, stardom, intelligence at katinuan! Wag mag-feeling! Pulos claim to fame!! Holler!

  20. Obviously, she is not treated well by ABS. Kung di na sya mahal ng ABS dapat lang humanap sya ng mas magpapahalaga sa kanya. Di dapat sobrang bait-baitan yan si Sharon kasi by now, she should know her worth in the industry. Kung meron dapat magdiva-divahan sya yun at hindi ang isang Kris Aquino o Gretchen Baretto o Regine Velasquez lang! Dapat kasi magpa-alaga na sya sa mga may influence, may clout at may tapang na managers para di sya nae-echa pwera! Kung hindi sa bait nyang yan.. walang magtatanggol sa kanya!

  21. Obvious nman kung cno ang reyna pagdating s hosting c Kris c Sharon kasi ayaw carerrin ang pagpayat cyempre minus points kung taba mo s TV baka yung rating ng show niya eh pasang awa na lang pede n………

    True sobrang boring at walang excitement ang show niya dapat nga tsugihin na s ere…………

    Obvious nman na di cya ang apple of the eye ng Dos dahil lipas na ang pagiging Mega niya beauty wise ang singing wise…….just move on at magpalaki na lang cya ng anak……….

  22. Parang pa-pakonsuelo na lang ng Abs yung show niya na Sharon….medyo nakakaumay na rin panoorin. Wala nang dating…sayang.

  23. Kung ako si Shawie, lilipat na ako ng estasyon. Para lalong maging masaya si Kris at mapasigaw ng…”Ako na ang talagang reyna ng Dos! Bwa haha”!

Leave a Reply

Your email address will not be published.