Sharon Cuneta, masayang nakilala ang isa sa mga anak ni Gabby Concepcion

Garie Concepcion, Sharon Cuneta and KC Concepcion

Garie Concepcion, Sharon Cuneta and KC Concepcion

Maraming natuwa nang makita sa social media ang picture ni Sharon Cuneta kasama ang anak na si KC Concepcion at ang anak ni Gabby Concepcion kay Grace Ibuna na si Garie Concepcion, kuha sa katatapos na concert ng Megastar sa Solaire last Saturday, October 22.

Plus points nga raw ito kay Sharon sa mga nakakita sa kanilang larawan, dahil kitang-kita sa larawan ang ngiti sa mga labi ni Mega kasama sina KC at Garie.

Marami ngang magagandang komento mula sa netizens ang inani ng nasabing larawan. Pero nangyari raw ang pagkikita nina Sharon at Garie dahil kay KC na mahal na mahal din ang kanyang mga kapatid sa amang si Gabby.

John’s Point
by John Fontanilla

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.